Chapter Four

43 3 0
                                    

Monica POV

      Maaga akong gumising. Siyempre para magpaganda. Konting powder at lip gloss lang naman ang kailangan ko. Dahil natural ang beauty ko. Pero dahil may boyfriend na akong isang gwapong hot na mayabang kailangan mas maganda ako ngayon.. Naglagay ako ng maskara, light eye shadow and light blush on. Yung totoo? Parang wala lang. Hehe. Takot ako sa make up.

       Okay. Monica, ngayon mo na magagamit ang pagiging theater actress mo nung high school ka. Sabi ko sa sarili ko bago lumabas ng kwarto.

     At tulad ng inaasahan ko wala pa rin si Boss. Maya-maya lang tata—

"Babae!! Yung sapatos ko!!!" Sabi ko aa inyo eh. Naku naku! Laging sapatos ang problema niya. Bakit ba ang tanda tanda na niya hindi pa siya marunong magsuot mag-isa ng sapatos?!

    Padabog akong tumayo sa sofa. Hindi naman niya ako nakikita eh. Kung araw araw kaming papasok sa eskwela ibig sabihin araw araw ko din siyang susuotan ng sapatos.

    Pumasok ako sa kwarto niya with fake smile. Nasa harap na naman siya ng shoe rack at hinihintay ako. Hindi ko na tinanong kung ano ang isusuot niya. Kinuha ko na lang yung Nike na hindi pa nabubuksan yung kahon.

"Ang dami mong sapatos. Sa'kin na lang yung iba..." Sabi ko sa kaniya habang nakaluhod at isinusuot sa kaniya yung isang sapatos.

"Aanin mo naman ang mga sapatos ko?" Masungit pa rin siya. Sana pag nagpanggap na kami sa campus malambing na siya di'ba?

"Ibebenta ko. Sayang eh.. Isang suot mo lang naman.." Totoo yun! Isang soot lang bawat sapatos niya. Aba! Mahal pa mabebenta yang mga yan no! Baka yan pa ikayaman ko.

"Mukha ka talagang pera! Tabi nga!" Ouch! Matapos ko siyang suotan ng sapatos sisipain pa ko? Bwiset! Ang sakit ng pwet ko.  T__T 

     Kaya siguro to iniwan ng syota niya eh! Napaka bastos! Hindi marunong gumalang sa mga babae!

   Tumayo ako at nauna ng lumabas ng kwarto niya. Sa kotse na lang ako maghihintay. Mamaya pa matatapos mag-ayos ng bangs niya yun eh..

     After 1234567 years lumabas na siya. Bago pa niya paandarin ang kotse magsalita siya.

"Tandaan mo.. Ayusin mo pag-arte mo!" Oo na nga! Paano ba naman kasi akong aarte kung nagpapaka-monster ka na lang sakin lagi?!

"Alam ko gagawin ko okay? Ano ba kasi itsura niyang ex mo na yan? Paano ako aarte kung di ko alam itsura niya?" Minsan hindi ko din alam kung paano ako nakakasagot sa kaniya.

"Makikita mo na siya mamaya.. Kaya maghanda ka." Bakit ba wala yatang emosyo  tong taong to? Apat na bwan na ako sa kaniya pero kahit minsan hindi ko pa siya nakitang ngumiti. Kahit sa litrato puro poker face siya.

"Okay." Ikaw ang humanda. Ha! Theater actress yata ito!

      Pag dating namin sa campus nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba. Aba! Ako na yata ang girlfriend ng isang sikat na gwapong hot na mayabang.

     Nagulat pa ako ng pagbuksan ako ni Boss ng pinto. Aba! Boyfriend talaga ang ganap ha? Tingnan natin.

"Thank you,Babe." Sabi ko pagkababa ko ng kotse. At ang mga tsismosang estudyante sa hina ng sinabi ko narinig pa rin nila. At ang sama ng tingin nila. Sorry kayo! Girlfriend ako..

     Hinawakan ko ang kamay ni Boss ng mag-umpisa siyang maglakad. Hindi naman siya nagreklamo. Basta poker face lang siya. At dahil sa magkahawak kamay nga kami ayun lahat ng babaeng estudyante ang sama ng tingin sakin. Hmp! Malusaw kayo sa inggit!

"Hahatid mo ba ako sa room?" Malambing kong tanong sa kaniya. Hihi. Ine-enjoy ko lang naman ang moment. Mamaya sa bahay sisigawan na naman ako niyan eh!

"Yes." Tsk! Ang tipid!

"Oh my gahd! HHWW?"

"Sigurado inakit niya si Brian."

"What a slut"

"Diba si Gia ang girlfriend niya?"

Hello! Ex na po yung Gia na yun! At ako na ang bago.. Pwede ba! Back off!  Pero siyempre sa isip ko lang pwedeng sabihin yan. Hindi ko na lang pinansin ang mga tsismosa at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

     Nakarating kami sa room at lahat ng classmates kong babae nakasilip sa bintana. Kasama na si Aemi. Kaya naman mas lalo pa akong umarte.

"Thank you babe. See you later. I love you.." Pwe! Napapa-english tuloy ako. Ganun ba talaga pag gwapong hot na mayabang at mayaman ang bf mo? Narinig ko na lang ang gasp ng mga classmates kong mga tsismosa.

Brian POV

"Thank you babe. See you later. I love you.." Tsk! Bakit ba iba ang dating sakin ng sabihin niya yun? Pakiramdam ko totoo yun na sinasabi niya sakin. Hindi ko na lang pinansin. Narinig ko ang gasp ng mga kaeskwela niya kaya napatingin ako. Pero nakita ko si Gia na nakaupo sa isang upuan. Magka-eskwela pala sila. Poker face siya. Ibinalik ko ang tingin kay Monica.

"Okay.. Love you too.." Tsaka ko siya hinalikan ng mabilis sa labi na halatang ikinagulat niya. Tiningnan ko si Gia na lukot na ang mukha.  Napangiti ako ng luhim. Sige lang, magselos ka lang Gia. Babalik ka rin sakin.

****************************************

Sorry for some typo error!! Next update po mamaya!

For now.. Babysit ko muna si baba aliyah ko.. May flu siya :(

My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon