Monica POV
Naiwan akong nakatulala dito sa harap ng classroom. Hindi ko na pinansin ang bulungan ng mga block mates ko. Hinalikan niya ako?! Oo hindi yun ang first kiss ko. Pero... Hinalikan niya ako.
Ibig sabihin.. may five thousand ako mamaya! $__$ at hindi lang yun! Jackpot pa dahil hinalikan niya ako!! Yes! Yes! Dream come true!
"Hoy, bruha! Natulala ka dyan?!" Nagising ako sa mga iniisip ko dahil sa pagsiko sakin ni Aemi. Tiningnan ko siya na naka cross arms pa. "Talaga pa lang boyfriend mo yun? Kyaa! Kinikilig ako!" Sabi pa niya na pumapalakpak.
Hindi ko muna siya sinagot at pumasok na sa room. Naupo ako sa upuan ko at sumunod naman siya na naupo din sa tabi ko.
"Pano naging kayo?" Tanong niya ulit. Napatingin ako sa paligid dahil alam kong nakikinig din ang mga chismosa na masamang nakatingin sakin. Hay! Pano nga ba? Sasabihin ko bang nagpapanggap lang ako? Pero baka mapagalitan ako ng monster na yun.
"Ah.. Secret yun." Tsk! Maniwala ka please..
"Secret pa! Hmm..anyway, alam mo naman siguro ang magiging kapalit niyan di'ba?" Napatingin ako sa kaniya na tinaasan pa ako ng kilay.
"Kapalit?" Inosenteng tanong ko. Umayos siya ng upo at humarap sakin.
"Dahil si Brian amg boyfriend mo. Asahan mo na marami kang magiging haters. At marami ang mang-bu-bully sayo. Dahil para sa kanila kung hindi sila ang bagay kay Brian, si Gia lang." Oo nga pala! Si Gia.. Kilala kaya siya ni Aemi?
"Kilala mo ba si Gia? Ano ba itsura nun?" Tinaasan na naman niya ako ng kilay bago ngumuso sa gawing harapan namin. At doon ko nakita ang isang magandang babae. Mas matangkad sakin. Mas maganda. At siyempre sigurado akong mayaman siya. Eh ako? Butler at fakr girlfriend lang ng monster kong boss.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong na-insecure. Ngayon ko lang ito naramadaman. Dati may tiwala naman ako sa ganda ko. Pero ngayon, bakit parang ayoko ng maniwala na maganda din ako?
Tumingin siya samin pero inirapan lang ako. Aba! Ganyan ba ang mga type na babae ng monster na yun? Oo maganda siya kaya walang duda na hinahabol siya ng monster kong boss. Pero kung sa ugali lang naman ibabase ang panget niya!
Naisip ko tuloy na inisin siya. Tutal yun naman siguro ang gusto ng monster na yun. Ang magselos itong babaeng to! Kaya rin niya siguro ako hinalikan kanina. Akala ko pa naman kusa niyang ginawa yun! Oo nga naman. Ano lang ba sa kaniya ang limang libo diba?
Tumingin ulit ako kay Aemi.
"Bakit kaya sila nagbreak?" Tanong ko. Tumingin ulit siya sakin ng blanko. Bipolar ata ito. Minsan laging nakangiti. Minsan masungit. Minsan hindi mo maintindihan.
"Kahit ang boyfriend mo, hindi alam kung bakit.." Napakunot ang noo ko. Hindi alam? May ganun ba? Eh kung ganon nga, bruha at tanga siya! Bruha siya dahil nakipagbreak siya ng walang dahilan. Tanga siya, dahil pinakawalan niya ng lalaking nagmamahal sa kaniya.
Kung ako siguro yun hindi ko na siya pakakawalan pa. Tanga sila. Tanga ang mga tao na nang-iiwan sa mga taong nagmamahal sa kanila.
Bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot sa naisip ko. Bakit nga kaya may mga taong gnun? Iiwan ang mga taong nagmamahal sa kanila para piliin ang minamahal nila? Tulad na lang ni Troy. Iniwan ako para sa mahal daw niya.
"O, bakit mukhang nalungkot ka?" Tiningnan ko si Aemi. Umiling lang ako bilang sagot tsaka nag smile ng bahagya.
Mag-iisang taon na pala kaming hiwalay ni Troy. Pero hindi pa rin siya mawala sa puso ko.
Ang mali ko lang. Hindi ko siya ipinaglaban. Hindi ako gumawa ng paraan para bawiin siya. Mabuti pa si Brian. Gumagawa ng paraan para bumalik sa kaniya si Gia.
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
Genç KurguHaving a hot and oh so handsome boss is super cool.. just like MY MONSTER BOSS