Dahil sa iisang pangalan ay tila parusa para kay Tamara ang maging kapangalan niya ang perpekto at napakagandang si Tamara. Oo, dalawa silang Tamara. Isang maganda at biniyayaan at isang napabayaan. At ikaw, malas ka dahil ang babasahin mong kwento ay hindi tungkol sa magandang Tamara. Oo, ako 'to si Tamarang punong-puno ng hinanakit sa buhay.
Nangako si Tammy na hinding hindi na ito magmamahal ng gwapo. Nadala na ito sa nangyari noon ngunit paano kung nakilala niya si Sebastian Francisco Ejercito o mas kilala bilang Koko?
Gwapo. Mabait. Matangkad. Miyembro ng Football Team. May dimples.
At papano kung paglaruan pa siya ng tadhana nang mabuhol ito kay Brandon Rafael Alvarez?
Gwapo. Irresistible. Tuso. Miyembro rin ng Football team. Hot.
Tatanggapin niya ba ang alok ni Brandon na OPERATION: SCORE A BREAK UP? Ang magandang Tamara para kay Brandon at ang gwapong si Sebastian para kay Tammy...
Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Ngunit paano kung sawa na akong pagpasensyahan ang mundong puno ng panlalait? Sabi nila basta't may tiyaga may nilaga. Pero bakit kahit anong gawin ko ay hindi kita kayang pantayan? Gusto ko lang rin namang mahalin ako ng taong mahal ko pero bakit lahat sila ikaw ang gusto?
Ang hirap nga namang kalabanin ng taong maganda kung sa kanila pabor ang tadhana.
Tila tala sa kalangitan,
Kaakit-akit subalit ako'y hanggang tingin lang,
Kahit anong pilit na ika'y abutin,
Hindi ka kaylan man magiging para sa akin,
Kahit anong pilit,
Hindi ka mapapasaakin...
BINABASA MO ANG
Journey To The Stars (OPM Series #1)
HumorDahil sa iisang pangalan ay tila parusa para kay Tamara ang maging kapangalan niya ang perpekto at napakagandang si Tamara. Oo, dalawa silang Tamara. Isang maganda at biniyayaan at isang napabayaan. At ikaw, malas ka dahil ang babasahin mong kwento...