4

173 2 0
                                    

Mahigit isang linggo pang nanatili si Hunter sa hospital upang obserbahan ang kalagayan nito at masiguro na ligtas na itong umuwi. lnantay din ng doktor na tuluyang gumaling ang ibang sugat at bali sa katawan ni Hunter bago ito nagbigay ng pahintulot na maaari ng umuwi ng bahay si Hunter at doon na lang magpahinga.

Narito kami ngayon sa hospital kasama ang mga magulang ni Hunter dahil ngayong ang nakatakdang araw ng pag uwi nito sa bahay. Labag man sa loob ko ay pinayagan kong dumalaw si Athena araw-araw kay Hunter dahil na rin sa madalas na pagnanais ni Hunter na nandun si Athena.

Sa bawat araw na lumipas nitong mga nakaraang linggo ay hindi ko maiiwasang masaktan tuwing makikita ko ang pagkasabik ni Hunter tuwing nakikita si
Athena.

It should have been me.

Ako dapat ang yumayakap, lumambing, at humahalik sa asawa ko at hindi ang babaeng iyon ngunit wala akong magawa. Gusto kong magalit pero kanino? Sino ang dapat kong pagtuunan ng galit ko?
Kay Hunter na hindi ako maalala?

Kay Athena na sinasamantala ang kalagayan ni

Hunter?

Ang driver ng van na bumunggo sa sinasakyan ni

Hunter?

Ang mga magulang ni Hunter na mas piniling wag



ako ipapakilala para sa ikabubuti ng anak nila?

Kanino nga ba sa kanila ako dapat magalit dahil nasasaktan ako ngayon? Sa araw araw na dumarating ay patuloy  na namumuo ang puot sa aking puso ngunit agad ko ding naiisip  na wala namang may gustong mangyari ang lahat. Hindi dahil ako ang pinakanahihirapan sa sitwasyon  ngayon ay may karapatan na akong sumbatan  ang mundo.

Naputol ang aking pag iisip  ng pumasok si Brandon Cavanaugh. Sya ay kababata  ni Hunter at matapat na tagapagsilbi at bodyguard nito. Matangkad at matipuno ito, hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhan nito. Brandon's family  is serving the Lorenzana's way way back their time. Naging matalik na magkaibigan ang
mga magulang nila, kaya naman halos sabay na din silang lumaki ni Hunter.

Hunter took Business Administration in college while Brandon went to military because he wanted  to be part of the Titan Empire. Nang parehas na silang makapagtapos ay pumasok si Brandon sa security agency na pagmamay-ari ng pamilya  ni Hunter at si Hunter naman ay nagsimula ng pag aralan ang pamamalakad sa kompanya.

Ever since then nagsumikap si Brandon upang marating ang posisyon  nya ngayon. Si Brandon ang namamahala ngayon sa training ng lahat ng mga empleyado ng Titan Empire. sya rin ang namamahala ng mga armas ng ginagamit ng mga empleyado sa kanilang ahensya.
"Hey! Buddy!" masayang bati ni Hunter ng makita si Brandon. Bahagya pa itong nagulat ng mapansin si Athena sa tabi ni Hunter. Bumaling din ang kanyang tingin sa magkasugpong nilang kamay pagkatapos ay


kunot noong lumingon sa akin bago muling bumaling

kay Hunter na nakahiga pa din sa hospital bed.

"Hey, How are you." ganti nitong bati kay Hunter. "I thought you're not going to visit me. Muntik na
kong mamatay pagkatapos ngayon ka lang dadalaw? "

pabirong sumbat nito dito.

"I was in Paris when you got into an accident. You sent me there to talk and negotiate about the new fire arms na oorderin natin para sa supply ng Titan. I couldn't leave immediately hangga't hindi natatapos ang negotiation because it took us months to set an appointment with them." nakangiting paliwanag nito.
"Is that so..." malungkot na sagot ni Hunter.

Agad ko namang hinila si Brandon at pabulong na ipinaliwanag ang sitwasyon ni Hunter ngayon. Nakayuko ng bahagya si Brandon sa akin habang nakalapit ang bibig ko sa kayang tenga upang maibulong ng maayos
dito ang sitwasyon.

My Husband's Secretary (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon