27

103 2 0
                                    

MAXINE

"Hunter, ano ba!" malakas kong sigaw sa kanya habang pilit kong inaagaw ang aking kamay mula sa maghigpit nyang pagkakahawak.
"Why, so you can go back and flirt with Maximus?" inis nyang turan nang sa wakas ay tumigil na ito sa paglalakad at humarap sa akin.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?" turan ko. "Maximus is your friend. Hindi tama na pagbintangan mo sya ng ganyan," kunot noon turan ko sa kanya.
Bakas ang labis na pagkainis sa kanyang mukha. May kaunting saya akong nararamdaman sa tuwing makikita ko ang nag-aalab na galit nya kapag nakikita kaming magkasama ni Maximus. Ngunit agad din iyong nawawala sa tuwing naaalala ko kung paano nya ako binitawan sa oras na narinig nya ang impit na iyak ni Athena.

Hindi ko alam kung dapat ko na nga bang tanggapin nag-eexist lang ako sa paningin nya kapag wala si
Athena.

"I don't care if his my friend. I won't tolerate my wife flirting with other men!" malakas nitong sigaw.

I hissed as I keeps on shaking my head and laughing to myself. I can't believe what I am hearing right now. He really had the audacity of claiming me as his wife when he didn't even remember a single thing about me.
"What's funny?" inis na tanong nya.


"What's funny?" sarkastikong turan ko. "You. You're

funny," madilim ang mukhang turan ko sa kanya. "How can you claim me as your wife when you don't even remember a single thing about me," turan ko habang dinuduro ko ang kanyang dibdib.
"I can't remember you, yes," turan nyang habang mariing nakatitig sa aking mga mata. "But that doesn't change the fact that you're my wife," diin nya.
"And it doesn't change the fact that you quickly jump off to Athena whenever she's around," mabilis kong sagot sa kanya. Bahagya syang natigilan dahil sa huli kong sinabi.

liang minuto kaming nanatiling tahimik at mariing lamang nakatitig sa isa 't isa. Maya-maya pa ay humugot na ito ng isang malalim na hininga saka muling nagsalita.
"You want your one month deal, I'm giving it to you," he said when he finally speak.
"I told you, I'm dropping that deal," kunot noong turan ko.

"Then I'm proposing you a new one," turan nito bago isinuksok ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.
Matiim ko s'yang tinitigan at pilit na binabasa kung ano ang balak nya ngunit wala akong nakuha. I have no choice but to hear him out. I wanted to try this one last time and if this doesn't work. I need to let him go.

"Fine. I'm all ears," turan ko saka humalukipkip sa kanyang harapan.
"Not here. Let's go back to the restaurant," wika nya bago ako nilampasan.
Nagulat pa ako nang inabot nya ang aking kamay saka dumiretso ng paglalakad. Naguguluhan ako sa mga


inaakto n'ya ngunit may isang bahagi ng aking puso na

nagagalak.

Hindi pa rin nya binibitawan ang aking kamay kahit nang makarating kaming muli sa restaurant. Mabuti na lamang at hindi niligpit ng mga waiters ang pagkain namin. Diretso kaming naglakad pabalik sa aming lamesa ngunit bago pa man kami tuluyang nakaupo ay nakita kosi Maximus na papalapit sa amin. Hindi naman nakaligtas sa akin ang biglang pag-igting ng kanyang panga nang magawi ang paningin nito sa papalapit nasi Maximus.

Bigla akong nakonsensya nang makita ko ang pasa sa mukha nya dulot ng malakas na pagsuntok ni Hunter sa kanya kanina.

"I know you'd be back. So, I didn't let the waiters clean up your meal," nakangiting turan ni Maximus nang tuluyan itong makalapit sa amin.
"Are you okay?" I reached for his face to check it but Hunter quickly pulled my hand away before I even touched Maximus face. "Hunter!" gulat na turan ko dahil sa pagkabigla.
"Let's eat," malamig na turan nito saka tinalikuran si

Maximus.

Hindi pa rin nito binibitawan ang aking kamay kahit na nga nang makaupo na kami sa aming lamesa.
"Pwede na ba ako kumain?" tanong ko rito nang makaupo na kami. Sa bandang loob na bahagi ng
lamesa ako nakaupo. Napapagitnaan ako ni Hunter at ng

fence kung saan tanaw na tanaw ko ang malawak na dagat.
"Eat then," he said.

"So, pwede mo ng bitawan 'yong kamay ko?" turan ko sa kanya saka itinaas ang aming mga kamay na


hanggang ngayon ay magkasugpong pa rin.

"You can eat with your other hand," wika nito habang sinimulan na ang pagkain.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Is he

really expecting me to eat with one hand just because he doesn't want to let go my other hand? Sinubukan kong hilahin ang aking kamay mula sa kanyang
pagkakahawak ngunit mas lalo lamang iyong humihigpit. Bandang huli ay sumuko na lang ako at hinayaan na lamang iyon at nagsimula akong kumain gamit ang isa kong kamay.

Tahimik kaming kumain habang magkahawak ang aming mga kamay. Naiinis ako sa aking sarili dahil labis akong naaapektuhan nang simpleng pagkakasugpong ng aming mga kamay. Ang simpleng pagkakadikit ng aming mga balat ay naghahatid ng libo-libong kuryente sa bawat parte ng aking pagkatao. Regardless of what happened and what have been done, he still has that affect on me.

Hindi ko na namalayang nakakailang buntong hininga na pala ako dahil sa lalim ng aking pag-iisip.

"Will you please stop it?" may inis ngunit mahinang turan ni Hunter na s'ya namang aking pinagtaka.
"What?" takang tanong ko sa kanya.

"Stop sighing. It feels like you are really have a hard time being with me," turan nito bago lumingon sa akin.

Kitang-kita ko ang bumabahang emosyon sa kanyang mga mata. Nakita ko kung paano sya nahihirapan sa aming sitwasyon. Ako ang unang bumitaw ng tingin at ibinalik sa aking plato ang aking mga tingin.

"Because I am," mahina kong sagot. "I'm really having a hard time being with you. Thinking that you're



here physically but your heart and mind are not here

with me," malungkot na turan ko.

"I'm sorry," mahinang turan nito.

Wala na ba syang ibang a/am na sabihin kung 'di I'm sorry?
Humugot  muna ako ng isang malalim na hininga bago tumayo, "I'm done eating," hindi pa rin nya binibitiwan ang aking kamay.
"Hear me out. If you don't like the idea, you're free to go," turan nito.
Bahagya akong natigilan dahil sa kanyang sinabi.

Am I ready to hear his proposal?

***************

My Husband's Secretary (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon