MAXINE
llang araw kong hinintay ang pagbabalik ni Hunter sa bahay ngunit bigo ako. lnutusan kosi Brandon na sundan si Hunter at kung saan ito pupunta.
Napag-alaman kong tumutuloy sila sa isa sa mga condo na pag-aari ni Hunter. Gusto kong sumugod at palayasin sila roon upang mapilitang umuwi ng bahay ngunit pinigilan ako ng mga magulang ni Hunter. Mas makakabuti raw kung bigyan ko muna ng panahon si Hunter upang mapag-isipan ang lahat ng nangyari. Labas man sa loob ko ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod.Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ako simula ng umupo ako rito sa upuan na kasama sa outdoor table set na narito sa aming garden. Nakaharap ako sa lamesa habang umiinom ng kape. Taimtim akong nag-iisip ng paraan kung paano makukuhang muli ang asawa ko.
Tama sila. I know how stubborn Hunter can be. sya ang tipo ng taong kapag mas pinilit mo mas lalong nagpupumiglas. I need to be smarter than him. I need to think of ways on how can I insert myself into his life without pushing him away. At sa mga oras na iyon, parang biglang may isang bombilya ang umilaw sa taas ng aking ulo.I know how to play this right!
Dali-dali kong kinuha ang susi ng aking Ducati at mabilis na nagmaneho patungo sa condo na tinutuluyan nila. Ito ang pinakamabilis na pwede kong sakyan upang
makarating ako agad sa aking pakay.
Gaya ng inaasahan,ilang minuto lang ang tinagal ng aking byahe patungo sa condo ni Hunter. Kilala ako ng mga tao roon kaya hindi ako nahirapang pumasok. Hindi nakatakas ang kabang namutawi sa kanilang mukha ng makita ako. Marahil ay alam nilang ibang babae ang kasama ni Hunter sa loob ng unit nito.
"M-Mrs. Lorenzana, 1--" wika ng receptionist. "Don't worry. There will be no commotion,"
paninigurado ko rito.Bakas naman ang pagtataka sa kanyang mukha ngunit hindi ko na iyon pinansin. Wala akong oras upang ipaliwanag sa kanila ang sitwasyon.
Mabilis akong lumakad patungo sa elevator at pinindot ang floor kung saan naroon ang unit ni Hunter. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng elevator ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Agad ko
itong kinuha at sinagot."Hello Brandon, napatawag ka?'' bungad kong bati
rito.nito.
"What the f*ck are you doing, Max?" ganting bati
Marahil ay alam na nito na nagtungo ako sa condo
ni Hunter.
"Relax," wika ko, "Don't worry. I can handle this. May plano ako," sagot ko rito bago pinatay ang tawag. Narinig ko itong tumunog muli ngunit hindi ko na ito pinansin at nag umpisang maglakad patungo sa unit ni Hunter.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko sinimulang kumatok. Nakailang katok din ako bago tuluyang bumukas ang pinto nito.
Nakasimangot na ito ng buksan ang pinto ngunit
mas Ialong nalukot ang kanyang mukha nang
mapagtanto nya kung sino ang kumakatok. "Why are you here?" iritang tanong nito.
"I'm here for my husband," matapang na sagot ko. Hindi sya ang pinunta ko rito kaya hindi ko kailangang maging mabait sa harap nya.
"Hindi ka pa din talaga nadadala," nakaismidnitong wika, "Gusto mo talaga ata yung pinagtatabuyan, well, be my guest. Tutal balak na din naman talaga naming puntahan ka," dagdag pa nito.
Kumunot ang aking noo dahilsa pagtataka. Hindi ko maisip kung ano ang ibig nyang sabihin. Maluwang nyang binuksan ang pinto upang makapasok ako. Bukod nakakainis nyang mukha ay hindi nakatakas sa aking paningin na hindi ito nakapang-bahay na damit. Alin lang iyon sa dalawa, kakauwi nya pa lamang gating sa labas o paalis pa lamang sya.
BINABASA MO ANG
My Husband's Secretary (TAGALOG)
RomanceHunter Antonious Lorenzana is the owner of the Titan Empire, a multi-billion dollar security agency. One day he had an accident that causes him to suffered from selective amnesia. All he remember are his memories from 7 years ago before his Model gi...