MAXINE
"Hunter!" rinig kong sigaw ni Athena mula sa kabilang pinto.
Sabay kaming natigilan ni Hunter at bahagyang nagkatitigan.
"Let her," wika ko bago muli syang sinunggaban ng halik. Mabilis din naman itong tinugon ni Hunter at nagpatuloy ang aming mainit na halikan.
Hindi pa rin tumigilsi Athena sa pagkatok ngunit pinagwalang bahala namin iyon. Sa mga oras na iyon, tila ba ang mundo ay amin lamang. Walang ibang tao bukod sa amin, itinapon na namin ang mga bagay na walang kinalaman sa aming dalawa.
"Hunter, please don't do this," humihikbing tawag muli ni Athena mula sa kabilang bahagi ng pinto.
Ang kaninang mahigpit nyang yakap ay
nag-uumpisa ng lumuwag. Pilit kong binabasa ang kanyang reaksyon ngunit wala akong makita na kahit na ano. Doon na tuluyang bumitaw si Hunter sa pagkakayakap sa akin. Tila bigla akong nakaramdam ng takot nang makita ko ang mukha ni Hunter. Ang kaninang init ng pagnanasa para sa akin ay parang bulang naglaho. Napalitan iyon muli ng pagkalito.
"Hunter, no," halos pabulong kong pakiusap. Kahit ngayon lang gusto kong maging madamot. Gusto ko syang ipagkait kay Athena. May karapatan akong gawin iyon. Wala akong pakialam kung mayroong masaktang iba dahil ako ang tunay na may karapatan kay Hunter.
Chapter 22 2/6Humugot muna si Hunter ng isang malalim na hininga bago kinalas ang pagkakakawit ng aking mga braso sa kanyang leeg. Parang dinudurog ang aking puso habang pinapanood syang gawin iyon.
"Hunter," pabulong kong tawag muli. Hinila ko ang kanyang braso upang pigilan syang lumabas ngunit titigan nya lamang ako nang malamig bago walang buhay at dahan-dahan nyang tinabig ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso."I'm sorry," iyon lamang ang tangi nyang naging sagot sa akin bago binuksan ang pinto.
"Hunter, please I'm begging you. Don't sleep with her," bungad ni Athena kay Hunter nang buksan nito ang pinto.
Ako naman ay tila napako sa aking kinatatayuan. Hindi ko malalaman kung ano ang dapat kong gawin. Nagsisimula ng manlabo ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang pagpatak ng aking mga luha.
"Shhh, It's okay," alo ni Hunter sa umiiyak nasiAthena.
Nakayakap ng mahigpit si Athena kay Hunter habang marahang hinahagod ni Hunter ang buhok ng babae. Parang isang masamang panaginip ang nasa aking harapan ngayon. lsang bangungot na maaaring pumatay sa akin anumang oras.
"Please, please, Hunter. Hindi ko kaya," humahagulgol na turan ni Athena.
Tinitigan ko ang mukha ni Hunter ngunit para lamang akong kumuha ng punyal na itatarak sa aking dibdib dahil sa aking ginawa. Kitang-kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata, na para bang isang
malaking kasalanan ang kanyang ginawa. Halos dumugo ang aking labi dahilsa diin ng aking pagkakakagat.Pinipigilan ko kasi ang patak ng aking mga luha ngunit
hindi ako nagtagumpay. Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking pisngi dahil sa aking mga luhang nag-uunahang bumagsak.
"You agreed on my deal, Hunter!" hindi ko napigilang isigaw sa mga ito.
Bumaling si Hunter sa gawi kong may madilim na mukha. What is he expecting me to do? Panoorin na lamang ang ginagawa nila sa harap ko?"Yes, I know that, Maxine," madilim ang mukhang sagot nito.
"Then let her! It's her faul t for coming with us!" sambit dulot ng aking galit. "She's not part of our deal kaya kung sasaktan man sya ngayon ay kasalanan nya yo'n!" sigaw kong muli.
"That's enough, Maxine!" malakas na sigaw ni
Hunter na syang aking ikinagulat.
"I'm sorry, Hunter. Hindi ko lang talaga kayang makita kang may kasamang iba," umiiyak na turan ni Athena.
The nerve of this woman!
BINABASA MO ANG
My Husband's Secretary (TAGALOG)
RomanceHunter Antonious Lorenzana is the owner of the Titan Empire, a multi-billion dollar security agency. One day he had an accident that causes him to suffered from selective amnesia. All he remember are his memories from 7 years ago before his Model gi...