MAXINE
Hindi ko magawang matulog lalo na tuwing sumasagi sa aking isip ang imahe ni Hunter at Athena na nasa iisang silid. Malakas ang pinakawalan kong sipa at suntok kay Athena kaya hindi na ako magtataka kung mahirapan itong tumayo. Hindi rin nakakapagtaka kung hindi ito makalakad dahilsa sakit na dulot ng tinamo nyang tama. I didn't go easy on her. Marahil ay dulot
iyon ng sobrang sama ng aking loob.Namamaga na ang aking mata dahilsa pag-iyak. Bahagya na rin itong sumasakit kasabay ng pagsakit ng aking ulo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig upang abutin ang isang bote ng tubig sa maliit na lamesa na naroon sa tabi ng aking kama. Hindi ko
mapigilang ngumiwi nang kumirot ang gilid na bahagi ng aking tiyan. Marahil ay iyon ang napuruhan ng pagsipa ni Hunter sa akin kanina.Bahagya kong iniangat ang aking damit upang silipin ang aking tiyan. Gaya ng inaasahan ay nagtamo ako ng malakas pasa dulot ng malakas na pagtama sa akin ng sipa ni Hunter. Mabuti na lamang at hindi tinamaan ang aking ribs dahil tiyak na hindi lang ito aabutin ko kung sakali.
Naririnig ko ang natatarantang boses ni Hunter mula sa Iabas. Naghahanap ito ng doktor na maaring tumingin sa lagay ni Athena. lnihanda ko na ang aking sarili para sa galit ni Hunter. Alam ko na ako ang sisihin nya sa nangyari kay Athena. Kung sabagay, sino pa nga ba ang sisisihin nya. Wala namang ibang may kasalanan
kung bakit nasa ganoong sitwasyon si Athena kung 'di
ako.
Binuksan ko anginabot kong bote ng tubig at saka
uminom mula roon. Napangiwi akong muli nang dumapi ang labi ng bote sa aking labi at masanggi nito ang aking labi na bahagyang pumutok dahil sa suntok ni Hunter.
Narinig kong may humahangos na dumating patungo sa kabilang kwarto. Mabuti na lamang at mayroong isang guest na doktor ang nakacheck-in ngayong gabi kaya mayroon silang natawag upang tumingin kay Athena. Mas lalo lamang sumakit ang ulo ko dahil sa pag-iisip.
"I need a drink," turan ko sa aking sarili. Bahagya kong inayos ang aking sarili bago
nagdesisyong lumabas ng aking kwarto. Agad nagtamaang aming mga mata pagbukas ko pa lamang ng pinto. Naroon si Hunter sa labas ng kanyang silid habang tuliro na palakad-lakad na tila hindi mapakali.
Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya at saka isinara ang pinto ng aking silid. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ng marinig ko ang tinig ni Hunter.
"Where are you going?" tanong nito."I just need some air," tugon kong hindi nililingon. Maglalakad na sana akong muli nang magsalita ito ulit.
"You should get yourself checked," puno ng pag-aalalang turan nito. "The doctor will be out in a second. I'll have him check up on you after she's done with Athena," wika nito.
Of course, it will always be after Athena. Palagi akong pangalawa sa kanya. Ako ang asawa pero parang ako ang nanglilimos ng atensyon. Hindi ko pinansin ang huli nyang sinabi at naderi-deritso ako ng lakad palayo roon."Maxine!" narinig ko pang sigaw nya ngunit wala
akong balak na lingunin sya.
Tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa bar ng isla. Maraming tao roon at malakas ang ingay ng musika. I need some peace and quiet but this will do for now. Umorder ako ng isang bote ng paborito kong tequila. lnabot ko ang bayad sa bartender na naroon.
Maya-maya pa inabot na nito sa akin ang isang bote ng tequila, isang mangkok ng hiniwa-hiwang lemon, at isang palitong asin.
"Don't tell me ikaw lang iinom nyan? " wika ng baritonong boses mula sa aking likod."Nope, you're joining me," sagot ko bago sya hinila paupo sa aking tabi.
"What the f*ck happened to your face, Max?" sigaw ni Maximus.
Nangibabaw pa rin ang malagong nitong boses sa kabila ng malakas ng tugtugin.
"Did Hunter did this to you because of what happened?" nag-aalalang tanong nya.
"Yes and no," sagot ko, "Yes, he's the one who did this but not because of what you think," paliwanag ko.
"Regardless of the reason, he doesn't have any reason to hurt you!" galit na turan nito."Calm down will you?" turan ko sa kanya. "It's quite loud here, do you know a place?'' tanong ko.
"Yeah, I know. Let's go," wika nito saka kinuha pinagpatong ang mangkok ng lemon at palito ng asin.
Binitbit nya iyon saka hinawakan ang aking kamay upang igaya palayo sa Iugar. Dali-dali ko namang inabot ang bote ng alak saka sumabay sa lakad nya. We ended up in a small boat. Nagtataka akong lumingon kay Maximus."Ito ang Iugar na sinasabi mo?" sarkastikong turan
ko sa kanya. "lsang maliit na bangka?" dagdag ko. "No, silly," natatawang turan nya. "This is what
we're going to use to go there," wika sya sabay turo sadagat.
Nakakunot ang aking noo habang sinusundan ang tinuturo ng kanyang daliri. Saka lamang ako
naliwanagan nang maaninag ko ang isang maliit na kubo sa di kalayuan."Ready?" untag ni Maximus, "Hop in!" dagdag pa
nito.Naiiling na sumunod na lamang ako sa kanya saka
sumakay sa maliit na bangka. Matapos akong makaupo
ng maayos ay nagsimula itong itulak ang bangka at nang nasa may kalaliman na kami ay saka sya umakyat sa bangka at nagsimulang magsagwan.
Tahimik kami pareho habang papalapit kami sa maliit na kubo nasa may hindi kaluyaang parte ng dagat. liang minuto lang ay narating na rin namin ang maliit na kubo. ltinali ni Maximus ang maliit na bangka sa haligi ng kubo bago sya naunang sumampa sa hagdan at saka iniabot ang kanyang kamay upang alalayan ako.
Nang makaakyat kami sa kubo ay saka ko lamang napansin kung gaano kaganda ang Iugar na iyon. Tanaw na tanaw mula sa kubo ang naggagandahang mga ilaw mula sa pangpang. Ang malamig na hangin na
tumatama sa aking balat ay nahahatid ng kakaibang kaginhawahan sa aking kalooban. Tila ba hinahaplos ng hangin ang nagdudurugo kong puso.Upo kami sa sahid habang aming mga binti na nakalawit sa gilid ng kubo. Mataas ang tubig ngayon
kaya naman bahagyang dumadampi ang aming mga paasa tubig. Tahimik lamang ako habang ninanamnam ang
bagong tuklas na kapayapaan.
"Talk when you're ready," narinig kong turan ni Maximus. "I won't judge, I'm just here to listen," dagdag pa nito habang nagsasalin ng alak sa aming dalang baso.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tinungga ang baso na may lamang alak. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pag-guhit ng init sa aking sikmura. Inabot ko ang isang hiwa ng lemon saka iyon kinagat.
Now I'm ready to talk.
************
BINABASA MO ANG
My Husband's Secretary (TAGALOG)
RomanceHunter Antonious Lorenzana is the owner of the Titan Empire, a multi-billion dollar security agency. One day he had an accident that causes him to suffered from selective amnesia. All he remember are his memories from 7 years ago before his Model gi...