17

211 6 0
                                    

MAXINE

Kumunot ang aking noo nang madatnan si Brandon sa aming sala na nagkakape. Wala naman akong matandaang mayroon kaming lakad kaya hindi ko maintindihan kung bakit maaga syang narito sa bahay.

"May lakad ba tayo? " bungad ko sa kanya habang pababa ako ng hagdan.

lniangat nya ang kanyang ulo at saka tumingin sa akin.

"Pinapasundo ka ni Hunter," tugon nito.

"Why? May problema ba?'' nag-alala kong tanong. Kumunot ang kanyang noo bago nagsalita, "You
didn't know? You asked for it, right?" takang na tanong

nya. "The one month deal, remember?" untag nyang muli.
"Is that today? Are we leaving today? " gulat kong tanong, "He didn't even bother giving me a heads up. That bast*rd!" inis na turan ko bago nagmamadaling bumalik sa aking kwarto upang mag-impake.
Matapos ang isang oras ay natapos na rin akong mag-impake ng mga kakailanganin ko. Hindi na ako masyadong nakapili ng mga dadalhin. Nilagay ko na lamang kung ano ang maabot ng aking kamay sa dalawang maleta na nakalatag sa aking kama. I have no idea where are we going but just in case, I brought a couple pairs of swim suit.

Agad na tumulong si Brandon nang makita nya akong pababa ng hagdan hila-hila ang dalawang



malaking maleta. Agad kaming sumakay sa kotse

patungo sa airport. Ayon kay Brandon ay naroon na raw si Hunter at naghihintay sa amin pati na rin ang eroplanong aming sasakyan.
"Where is he anyway?" tanong ko kay Brandon nang tuluyan na kaming makapasok ng sasakyan.
Sandali itong natahimik na tila ba

nagdadalawang-isip kung sasagutin nya ba ang tanong ko o hindi. Bakas ko sa kanyang mukha  ang
pag-aalinlangan kaya naman hindi ko na ito pinilit sumagot.
"It's fine. You don't have to answer," turan ko, "I

already have an idea," dagdag ko.

Sa palagay ko ay ito ang sumundo kay Athena at ako ay pinasundo nya lamang kay Brandon. What do I expect? I'm not his priority. He deosn't even remember me. Worst part is, he's having trouble accepting that I am his wife.
"Do you know where are we going?"tanong ko kay Brandon upang ibahin ang aming paksa, "Are you coming?"

"I'm  afraid I can't come with you," sagot nito, "With both of you gone, I need to look after your company," he
said.

"I'm  sorry for bothering you this much," wika ko.

"It's not a big deal," sagot nito, "Just make sure that you already have him back when you went home after a month," nangingiting turan nito.

"I hope so," tugon ko bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"You come up with this idea and you're not even confident about it?" nang-aasar nyang turan.

lnirapan ko ito bago sinagot, "That was a desperate

move. I don't know what to do with him anymore," sagot

ko. "This will be my last chance, kapag hindi pa din bumalik ang alala nya.." hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking sasabihin. lsang malalim na buntong hininga na lamang ang aking pinakawalan.

Ang totoo nyan, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung sakaling matapos ang isang buwan at hindi pa rin ako naalala ng asawa ko. Nangako ako sa kanyang pipirmahan ko ang annullment papers gaya ng gusto nya pagkatapos nito.
Kaya ko ba? Kaya ko nga bang pakawalan ang asawa ko?

Tahimik akong bumaling sa labas ng bintana ng sasakyan at malalim na nag-iisip. Biglaan din ang desisyon ko na tungkol sa one month deal. Hindi ko pa rin halos napapag-iisipan kung ano nga bang pwede kong gawin upang mabalik ang alala ni Hunter.
"We're here," untag ni Brandon.

My Husband's Secretary (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon