24

92 2 0
                                    

AXINE

Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko sinimulang i-kwento kay Maximus ang nangyari. Mula sa pagmamakaawa ni Athena hanggang sa nagkasakitan na kami.

"That explains your bruises," komento ni Maximus matapos akong magsalita.

"Yeah," malamig kong tugon saka tinungga ang basong salin na baso.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. Bago ko pa man mapansin ay nag-uunahang lumaglag ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

"You can cry here all you want. You can even shout if you want to," wika ni Maximus, "lsigaw mo lahat ng hinahakit mo, Max. Ang payapang dagat ang gawin mong hingahan ng lahat na nagpapabigat ng puso mo."

lninom ko muna ang isang bagong salin na alak bago tumayo. Muntik na akong matumba nang makaramdam ako ng hilo dulot marahil ng aking nainom. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago buong lakas na sumigaw. Makailang beses ko iyon inulit bago ako nakuntento saka tumigil sa pagsigaw.
"Feeling better now? " nakangiting turan ni Maximus sa akin matapos kong bumalik sa pagkakaupo.
"Yeah, it helps." lsang malungkot na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.

"Bakit hindi ka na lang tumigil?" tanong ni Maximus


habang nakatanaw sa malayo.

Ginaya ko sya at sinundan ng tingin ang kung ano mang kanyang tinatanaw. Walang maabot ang aking paningin kung 'di ang madilim na kalangitan habang nangingibabaw sa kadilim ang na-iisang tanglaw sa dilim, ang buwan.

"Gusto ko, Max, Gustong-gusto kong sumuko," turan ko habang nagsisimula na namang pumatak ang aking mga luha. "Pero sa tuwing iisipin kong mawawala sa akin si Hunter, sumisikip ang dibdib ko," turan ko bago muting lumagok ng alak. "Mas higit pa ang sakit no'n kesa sa mga tama at pasa na natamo ko."

"Max.." tawag nya sa pangalan ko.

"Hindi ko sasabihing hindi ako nasasaktan kasi ang totoo, durog na durog na ko," wika ko habang patuloy ang pag-agos ng masaganang luha mula sa aking mga mata. "Gusto ko lang syang mahalin pero bakit ang
sakit-sakit? Nangako ako sa simbahan, sa harap ng Diyos, na mamahalin ko s'ya sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, hanggang kamatayan," wika ko habang binabanggit ko ang aking sinumpaan noong ikasalkami.

"Pero hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang paninindigan ang pangako ko," hindi ko na napigilang mapahagulgol dahilsa sobrang sakit na nararamdaman.

Lumapit sya sa aking saka iniakbay ang isang kamay sya sa akin balikat saka marahan akong pinasandal sa kanyang balikat. Tahimik nyang hinahagod ang aking likod habang ako'y patuloy sa
pag-iyak. Maya-maya pa ay narinig ko syang magsalita. "Walang nagsasabi sayong sumuko ka na, Max,"
wika nya, "Pero wala ring nagsasabing hindi ka

pwedeng magpahinga," dagdag nya pa habang patuloy pa rin ang paghagod nya sa aking likod habang ako'y


umiiyak. "Walang pwedeng umusga sa'yo kung sakaling

bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong makahinga sa lahat ng ito," dagdag pa niya.

Tama sya, hindi naman siguro masamang umiwas muna ako. Magpapahinga lang ako kapag magaling na ang puso ko, kapag kaya ko na ulit, babawiin ko sya.

"Masyado ka ng madrama!" asar ko sa kanya. "Uminom na lang tayo," aya ko sa kanya bago umalis sa pagkakahilig sa kanya at saka umayos ng upo.
"Is he worth it, Max?" narinig kong tanong muli ni

Maximus.

"Maiintindihan mo rin ako kapag naranasan mo ng magmahal," wika ko. "Kapag nakilala mona 'yong taong mamahalin mo ng higit sa 'yong sarili saka mo lang maiintidihan."

My Husband's Secretary (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon