MAXINE
I woke up with a throbbing pain in my head. Wala akong naaalala kung paano ako nakauwi kagabi mula sa bar.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata.
Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kulay ng kisame. Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto ko na wala ako sa sarili kong silid. Nanlalaki ang aking mga matang pinalibot ang aking paningin at sinubukang maalala kung ano ang nangyari kagabi pagkatapos kong malasing.
Natuptop ko ang aking bibig ng makita ko ang ilang pirasong damit panlalaki na nakita kong nakasampay sa couch na malapit sa kama. Agad kong sinilip ang katawan ko na nasa ilalim ng kumot upang tingnan kung nawala ba ang aking mga suot.
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang makita kong kumpleto pa din ang suot kong damit. Napabaling ako sa gawi ng banyo ng marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob, indikasyon na mayro'ng tao roon.
Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa pinto ng banyo. Tiningnan ko kung nakalock ang pinto saka
unti-unti itong pinihit upang masilip kung sino ang estrangherong kasama ko kagabi. Bahagya pa akong yumukod upang hindi ako masyadong mahalata. Nakaluhod ako sa may pinto ng subukan ko itong buksan. sa halip na makita ang loob ng banyo ay tila isang puting tela ang nakaharang sa aking harapan. Pilitkong sinisipat kung ano iyon ng bigla na lamang bukas
ng maluwag ang pinto.
Nanlaki ang aking mata ng mapagtanto na ang telang puti na nakaharang sa aking mukha ay ang tuwalyang nakatapis sa bewang ng lalaking nasa loob ng banyo.
"Don't you know that it's bad to peek on someone while they're taking a bath? " nakataas ang kilay na turan ng lalaki. Halos manlaki ang aking mata ng mapagtantong si Hunter ang lalaking naroon.
Nagmamadali akong tumayo muli sa aking puwesto ngunit dahil sa aking pagmamadali ay nawalan ako ng balanse at napasubsob sa dibdib ni Hunter. Halata namang hindi din nito inaasahan ang pangyayari kaya pati ito ay nagulat at nawalan din ng balanse. Sabay kaming natumba at napahiga sa sahig ng banyo. Nakapatong ako sa ibabaw nya at ang aking mga kamay ay nakatukod sa kanyang matipunong dibdib.Saglit akong napatitig sa bughaw nitong mga mata. Hindi ko na matandaan kung kelan ang huling pagkakataon na natitigan ko ang kanyang mga mata ng ganito kalapit. Bigla akong nilukob ng kakaibang lungkot ng mapagtanto ko ang kalagayan namin ngayon. Ako
ang unang bumawi ng tingin at saka nagmamadaling umalis sa pagkubabaw sa kanya at pagkatapos ay tumayo. Gano'n din ang ginawa ni Hunter.
"W-What are you doing here?" nauutal na tanong ko rito ng tuluyan kong maayos ang aking sarili. Pilit kong pinapatapang ang aking mukha upang wala itong mahalata sa tunay kong nararamdaman.
"You were so drunk last night," turan nito pero hindi nito sinagot ang tanong ko kung bakit kami narito
ngayon sa isang hotel."W-Why are we here?" tanong kong muli dito.
Ngunit kagaya kanina ay hindi nito pinansin ang tanong ko at nilampasan lamang ako. Sinundan ko ito ng tingin at hindi namalayang nakatitig na pala ako rito. Ang matangkad at matipuno nitong pangangatawan ay tila sumasakop sa kabuuan ng kwarto. The water from his body is slowly dripping into his ripped abs.
Lumapit ito sa dresser na naroon. Bahagyang kumunot ang aking noo ng mapansin kong mayroon s'yang dapat pang opisina na nakasabit sa loob noon. I was about to ask him again nang magsalita ito.
"Get ready, I need to be at the office at exactly 7:00 am," wika nito na hindi man lang ako nilingon. Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi nya. Is he going to work now?
"W-Why?" takang tanong ko. Napalingon ito dahil sa aking tanong.
"I have a company to run, obviously," sarkastikong sagot nito sa akin.Sh*t! I haven't brief the office about Hunter's condition.
"You should go get ready too," turan nito sa akin. Bakas sa aking mukha ang pagkalito dahil sa kanyang sinabi. Mukha namang napansin nya iyon kaya napuno rin ng pagtataka ang kanyang mukha.
"Why do you look so surprise? Aren't you my secretary?" turan nito.
BINABASA MO ANG
My Husband's Secretary (TAGALOG)
RomanceHunter Antonious Lorenzana is the owner of the Titan Empire, a multi-billion dollar security agency. One day he had an accident that causes him to suffered from selective amnesia. All he remember are his memories from 7 years ago before his Model gi...