12

228 4 0
                                    

MAXINE

I went straight to my cafe. This is my only safe place. Dito ko Iahat binubuhos ang sama ng loob ko sa mundo kaya naman dito ako dumiretso matapos ang naging mainit naming harapan ni Hunter kanina. Hindi ko man aminin ngunit umaasa akong hahabulin ako ni Hunter katulad ng paghabol nito sa akin kahapon.
Ngunit kahit isang tawag ay wala akong natanggap mula sa kanya.

Biglang nilukob ng kalungkutan ang buo kong pagkatao. liang beses na akong pabalik balik ng tingin sa aking cellphone ngunit wala ni isang mensahe o tawag mula kay Hunter. Pilit ko na lamang ibinaling akong buo kong atensyon sa pag-aayos ng mga natambak kong trabaho dito sa shop, dahilna rin sa pag take over kong  kompanya ni Hunter pansamantala.

Muli akong sumulyap sa aking cellphone ngunit wala pa ding kahit ano mula kay Hunter.
"Argh!'' naiinis na sigaw ko habang nakasabunot sa aking buhok.

Dali-dali kong tinago ang aking cellphone sa drawer ng aking lamesa upang maiwasan ko ang maya 't
mayang pagcheck nito. Nakailang buntong hininga ako bago ko muling tinuon ang buo kong atensyon sa aking gmagawa.

Dahil sa pagiging abala ay hindi ko na namalayang madilim nasa labas at malapit ng magsara ang shop. Saka lamang ako tumikal sa pagkakayuko sa mga papeles ng kumatok ang isa sa aking mga empleyado.

Chapter 12 2/10

"Ms. Max, nag last call na po kami for the orders," turan nito.

"Okay," maikling sagot ko.

"May gusto po ba kayong kainin? Napansin ko kasing di pa po kayo lumalabas dito sa opisina nyo simula ng dumating kayo," turan nitong muli.

Doon ko lamang napansin na nagsisimula na palang kumalam ang aking sikmura. Nakalimutan ko na palang kumain ng tanghalian dahil sa dami ng trabaho.
Sumabay pa din ang malalim kong pag-iisip tungkolsa sitwasyon namin ni Hunter.

"No, thank you. sa bahay na lang ako kakain," walang buhay na sagot ko.

Isang mabining tango lamang ang sinagot nya sa akin at hindi na muling nagsalita. Tahimik nitong isinarado ang pinto matapos lumabas.

lsa-isa kong inilipit ang aking mga gamit at naghanda na upang umuwi ng bahay. Kinuha ko ang aking cellphone na itinago ko sa drawer. Saglit ko itong sinulyapan upang makita kung meron bang text or tawag mula sa kanya. May iilang text mula kay Brandon na nagrereport sa akin ng mga ginagawa ni Hunter. liang
text mula sa ina ni Hunter ngunit wala kahit isa mula sa

kanya.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Umasa akong kagaya kahapon ay hindi
ito muling mapapakali kapag umalis ako ngunit hindi iyon nangyari. Saka lamang muli nanuot sa aking sistema ang kalagayan namin ngayon.

Hindi nga pala aka nakikilala ng asawa ko.

Dulot na rin marahil ng sobrang pagod mula sa walang humpay na pagtatrabaho ay bigla na lamang akong napabalik ng upo sa aking upuan at saka dumaloy



ang masaganang luha mula sa aking mga mata.

Hinayaan ko muna ang aking sarili na malunod sa pighati at kalungkutan dahil pagtapak  kong muli sa bahay kailangan kong maging malakas at matatag para sa amin ni Hunter.

Ako ang mas nakakaalam ng katotohanan at pinili kong magtiis  para sa kaligtasan  ni Hunter. Hindi nya kasalanan ang lahat ng nangyayari kaya hindi ko magawang magalit sa kanya kahit pa nga ang sakit sakit
na.

Makalipas ang ilang minutong pagluha ay nagpasya

na akong umuwi sa bahay. Nagtaxi lamang ako patungo rito kaya gano'n din ang aking ginawa pauwi.

My Husband's Secretary (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon