MAXINE
Agad akong humanap ng mauupuan nang makarating ako sa restaurant. Mabilis na lumapit sa akin ang isang waiter upang iabot sa akin ang menu.
Umorder ako ng isang breakfast meal kahit namagtatanghali nasa isang brewed coffee. Agad naman tumalima ang waiter upang gawin ang order ko.
Napangiti ako nang matanaw ko ang napakagandang tanawin. Ang kulay puting buhangin at asul na dagat ay tila nang-aakit. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kapayapaan habang malayong nakatanaw sa asulna kalangitan. Ngunit ang kapayapaang iyon ay agad na naputol nang maramdaman kong mayroong umupo sa bakanteng upuan sa aking harapan. Mabilis ko iyong nilingon
ngunit napakunot ang aking noo nang malaman ko kung sino ang pangahas na iyon. Kung kailan naman pilit ko
itong iniiwasan ay s'ya namang mas lalo itong nagsusumiksik sa akin."Can I have some peace and quiet time, please?" pakiusap ko sa kanya nang lingunin ko ito.
"I'm here to eat. Don't mind me," sagot nito. "Maraming bakanteng upuan baka pwede kang
lumipat? " inis na turan ko sa kanya. Ngunit tila bingi itosa aking sinabi, bagkus ay tumawag ito ng waiter upang sabihin ang order nya.
Sa sobrang inis ko ay ako na lamang ang tumayo at lumipat sa pang-apatang lamesa na naroon dahil ayoko munang makita ang pagmumukha nya. Hanggang
ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari
kagabi. I wanted to asked him about Athena ngunit wala akong takas ng loob. Alam kong malala ang bugbog na ginawa ko sa kanya kagabi. Kahit papaano ay nakokonsensya ako sa aking ginawa. Mabuti na lamang talaga at napigilan ako ni Hunter kagabi kung hindi ay baka kung anona ang nangyari.
Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa malawak na karagatan habang inaantay kong ihain sa akin ang aking order. Ngunit walang pang ilang minuto ay naagaw na naman ang aking atensyon ng lalaking pilit kong iniiwasan. Hindi gaya kanina ay sa bakanteng upuan sa tabi ko na ito umupo at hindi sa harap.
"Hunter, ano ba?'' inis na turan ko rito."Quiet. I'm here to eat," saway nya sa akin. "I need some peace and quiet time," wika nito na tila nanadya. lnuubos talaga ng lalaking to ang aking pasensya. "Enjoy the island with Athena," turan ko sa kanya.
"I'm giving you some space. Let's just pretend that wedon't know each other." wika ko bago muting ibinalik ang atensyon sa malawak na dagat.
"Athena, won't be able to go out for at least a week," wika nito.Hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy ko lamang ang pagtanaw sa asul na karagatan. Pilit kong pinakikiramdam si Hunter sa tabi ko. Hindi ko s'ya nilingon upang malaman n'yang hindi ako interesado sa sinasabi nya.
"You have my undivided attention for now," dagdag pa nito.
Sa halip na matuwa ay mas lalong uminit ang aking ulo. Mas lalo lamang nya kasing pinatunayan na pangalawa lang ako kay Athena para sa kanya. Dahil
wala si Athena kaya nya kayang ibigay sa akin ang
buong atensyon nya ngunit kung bibigyan sya ng pagkakataong mamili sa aming dalawa, siguradong hindi ako ang pipiliin nya.
"Wow, tumabi ka pa talaga sa'kin para insul tuhin ako," naiinis na turan ko bago tumayo. Balak ko sanang
lumipat ng lamesa but I was cornered between him and the fence.
"Sit down," malamig na turan nito.Hindi ito natinag sa kinauupuan nya kaya naman hindi ko magawang makaalis sa aking pwesto. Nakasimangot akong bumalik sa aking pagkakaupo. Maya-maya pa ay sabay na dumating ang aming order.
"I know it doesn't sound right but I want you to know that I want to remember you, I really do," wika nito dahilan upang lingunin ko sya. "Ayokong hingin sa'yo na maintindihan mo but I want you to know that Athena
has a big part in my heart and my memory. Hindi ko kayang baliwalain iyon," turan nito.Bahagya akong natahimik. He has a point. For what he remembers, Athena was everything to him. He would do anything for her.
Mali ba aka kung hilingin ko sa kanyang kalimutan n'ya si Athena?"But I am your wife,Hunter. Kahit na hindi mo naalala, hindi mo pwedeng isangtabi lang ang katotohanang ako ang asawa mo. Hindi mo man naaala pero ako ang mahal mo," hindi ko na napigilang pumiyok dahilsa nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"I know and I believed you. Hindi ako papayag na sumama rito kung hindi ako naniniwala but I don't remember a single thing about it," kalmadong turan
nito. "Gusto kong makaalala because I don't want to be
unfair to you or to Athena," dagdag n'ya.
Tahimik lamang akong nakikinig sa kanyang bawat salita. Gusto kong marinig lahat mula sa akin bago ko
tuluyang isuko ang lahat."I know it's too much to ask but can we please pretend like everything is fine? Even just for a week, no Athena. Just the two of us," wika nya.
"Let me think about it," malamig kong turan na halatang ikinagulat nya.
What? Is he expecting me just to say yes?
Balak nitong tumutol at magsalitang muli ngunit hindi na nito ito itinuloy. lbinaling na lamang nya ang buong atensyon sa pagkain na nasa kanyang harapan. Ganoon din ang akin ginawa at tahimik kaming kumain.
"Hey, Max!" untag ng isang pamilyar na tinigdahilan upang sabay kaming mapalingon ni Hunter sa
.
gaw1 noon."Hey! How are you? Na-late ka ba?'' tanong ko kay
Maximus nang tuluyan itong makalapit sa amin. "Medyo, napagalitan nga ako ng manager namin
eh," wika nito.Someone cleared his throat at sabay na napabaling doon ang aming paningin.
"Oh, hey Kuya Hunter," bati ni Maximus."Why are you not calling her ate?" nakakunot ang noong tanong ni Hunter. "I'm her husband, you're calling me Kuya, thus, you should call her Ate," madilim ang mukhang turan nito.
"Halos magkasing edad lang naman kami, eh. It's awkward to call her that. Besides, we already agreed on not calling her Ate," paliwanag ni Maximus na halata namang hindi nagustuhan ni Hunter dahil sa mas lalong
pagdilim ng kanyang mukha.
"By the way, how's your head? " tanong ni Maximus sa akin.
"Ha? My head is fine, bakit?" takang tanong ko. "You almost hit the floor for passing out last night.
Kaya nga ginawa mong unan yung braso ko, eh,"natatawang turan nito.
Nilukob naman ako ng hiya dahil sa kanyang sinabi. Sa totoo nyan ay wala akong maalala sa nangyari
kagabi. Masyado ata akong nalasing dahil sa dami ng aming nainom. Pilit kong inaalala ang nangyari ngunit bago ko pa man iyon magawa ay bigla na lamang akong nakarinig ng isang sigaw. Noon ko lamang napansin ang nakahigang si Maximus habang hawak ang kanyang mukha.
"Stay the hell away from my wife!" malakas ni sigaw ni Hunter na talaga naman ikinagulat.
"What the f*ck!" malakas kong sigaw saka tinabig si Hunter at mabilis na inalalayan si Maximus na tumayo. "What the hell is wrong with you?" malakas kong sigaw
sa nag-aapoy sa galit na si Hunter. Hindi ko alam kungbakit bigla na lamang itong naging bayolente.
Hindi nya ako sinagot, bagkus ay madilim ang mukhang kinuha nya ang aking braso saka mabilis ang lakad nya akong hinila patungo kung saan. Hindi naman ako agad na nakakilos dahil sa pagkabigla.
*****************
BINABASA MO ANG
My Husband's Secretary (TAGALOG)
RomanceHunter Antonious Lorenzana is the owner of the Titan Empire, a multi-billion dollar security agency. One day he had an accident that causes him to suffered from selective amnesia. All he remember are his memories from 7 years ago before his Model gi...