1

342 6 0
                                    

******

"Hello, Goodevening po, kilala nyo po basi Mr. Hunter Antonious Lorenzana? " bungad sa akin ng nasa kabilang linya.
"Yes, I know him." takang tanong ko dahilang gamit na numero ng tumawag sa akin ay numero ng asawa ko.
"Ah ma 'am kaano-ano nyo po si Sir?" tanong muli nito. This time may kakaibang kaba ang lumukod sa aking puso.
"I am his wife. Who are you? Bakit hawak mo ang cellphone ng asawa ko?" kinakabahang tanong ko dito.
"Ma'am this is Sgt. Mallari, nabangga po ang sinasakyan kotse ng asawa nyo. Dito po namin sya sinugod sa St. Luke's Medical Center." hindi na nya masyadong naintindihan ang mga sumunod pang sinabi ng pulis, ang tanging naintindihan lang nya ay naaksidente ang asawa nya at ngayon ay nasa ospital.

Dali dali kong kinuha nag aking bag at susi ng aking kotse. Hindi ko na nagawang magpalit pa ng damit dahil sa pagkataranta. Kahit na gulong-gulo na ang isip ko ay nagawa ko pa ding tawagan ang mga magulang ng asawa ko para ipaalam sa kanila ang nangyari kay Hunter.

Nang dumating ako sa ospital ay agad kong

hinanap kung saang kwarto inadmit ang asawa ko but to my dismay, my husband has under gone an operation dahil sa head fracture na tinamo nito.

Wala akong ibang nagawa kundi ang maghintay sa



labas ng operating room. Makalipas ang isang oras ay

hindi pa din lumalabas ang doctor. Mabuti na lang at dumating na din ang mga magulang ni Hunter kahit papaano ay medyo  gumaan ang loob ko dahil may karamay na ako sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon.
This is the most agonizing 3hrs in my entire life. Bawat oras at minute na lumilipas na wala kaming balita sa kalagayan ni Hunter ay tila ba isang parusa na walang katapusan. Ilang minute pa at tuluyan nang lumabas  ang doctor sa operating room.

"Doc, kumusta  po ang asawa ko? Kumusta po ang kalagayan nya? Ligtas na po ba sya? Pwede ko na po ba syang makita?" sunod na sunod na tanong ko kasabay ng sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha. lsang balde na ata ang naiyak ko kanina pero hindi ko alam na meron pa pala akong iluluha.
"Misis, kumalma po kayo. You're husband  is safe for now. We have removed  some of the blood  clot in his head and natahi na din namin ang sugat nya sa ulo but we are not 100% sure. We need to run more test kung wala bang implications sa kanyang utak ang natamo nyang sugat mula sa aksidente."  paliwanag ng doctor.
"Can we see him now doc? Gusto ko na po makita ang asawa ko." pagmamakaawa ko sa doctor.
"Misis, the operation was successful but for the meantime we need to put him in the ICU para maobserbahan ng mabuti ang kalagayan  nya. Sa ngayon, yun muna ang maaari kong isagot sa iyo. The
rest is up to the patient, he needs to fight for his life para sa mas mabilis na recovery nya. For now, all we can do is wait for him to wake up. We will update you if ever there will be changes in his situation." pagsabi noon ay agad


na itong umalis.

Marami pa akong gustong itanong sa doctor kaya balak ko sana itong habulin ngunit pinigilan ako ng ama ni Hunter.

"Anak, calm down." pigil nito sa akin.

"No, Dad! Madami pa akong itatanong sa kanya. I need to make sure that my husband is okay." bahagyang napataas ang aking boses dulot marahilng stress. Bahagya namang natigilan ang ama ni Hunter dahilsa sinabi ko.

"I'm sorry Dad." paghingi kong pasensya.

"It's okay anak. I know how much you love my son but you need to be strong. You need to be calm and collected, sayo kukuha ng lakas si Hunter. My son loves you so much at hindi sya magiging masaya kung papabayaan mo ang sarili mo. My son will be okay soon at dapat malakas ka kapag dumating angoras na magigising na sya." mahabang litanya ng ama ni Hunter.

Bahagya naman akong kumalma dahilsa mga payo na binigay ng ama ni Hunter. His family have been nothing but good to me. Maswerte ako dahil kahit papaano ay nandyan sila sa tabi ko upang palakasin ang loob ko habang tulog pa si Hunter.
"Thanks Dad. I will try to be strong for Hunter." wika ko at binigyan ito ng tipid na ngiti.
It's been 3 months since Hunter went into coma. The doctor said that he's already fine, he's out of the ICU na and currently in a normal room pero may mga nakakabit pa ding oxygen sa ilong ito upang masigurong normal ang flow ng oxygen sa katawan nito.
Araw-araw akong nagbabantay  sa hospital,dito na rin ako halos natutulog. Pinipilit kong pagsabayin ang pagpapatakbo ng kompanya at pag aalaga kay Hunter.



My Husband's Secretary (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon