14

209 2 0
                                    

MAXINE

"I'm here, baby," dinig na dinig kong turan ni

Athena.

Dali-daling lumapit si Athena sa tabi ni Hunter at saka mabining hinawakan ang kamay. Unti-unti namang inilapit ni Hunter ang kamay ni Athena patungo sa kanyanglabi.

Tila libo libong kutsilyo ang tumurak sa aking

dibdib dahil sa sakit ng aking narinig at nakita. Akala ko, matapos kong sabihin sa kanya ang totoo ay pangalan ko na ang una nyang sasambitin kapag nagkamalay na sya ngunit mali pala ako.

"Mom,Dad," sunod nyang tawag sa kanyang mga magulang, "I want that woman out of my house and my company," wika nito.

Halos manlumo ako dahil sa kanyang sinabi. "Hunter.." tila pagsusumamo ko.
"Hunter, anak. Don't be too harsh on Maxine," Dad told Hunter.

"No, Dad! Alam mo ba ang sinabi ng babaeng yan?" sigaw nito. "That she's my wife!" tila hindi makapaniwalang turan nito.

"Hunter, please.." muting tawag ko sa kanya.

"No! You shut up! Get away from me!" sigaw nito sa akin.

"Hunter!" Hindi na napigilang sigaw ng ama ni

Hunter. "She's telling the truth!" sigaw nitong muli.

Halos lahat ay nanlaki ang mata dahil sa sinabi ni



Dad. I wasn't expecting him to say that. Si Mommy

naman ay dali-daling umantabay kay Dad dahil sa tila nagsisimula ng sumikip ang dibdib nito.

"Dad.." mahinang tawag ko sa aking father-in-law. "That's impossible, Dad!" giit nito, "You both know
how much I love Athena at hinding hindi ko kayang

magpakasal sa babaeng yan!" sigaw nito. "At kung sakali mang magpapakasal ako, wala 'yong iba kung 'di kay Athena," diin nito.

Parang binibiyak ang puso ko sa bawat  katagang

lumalabas sa kanyang bibig. Hindi ko na sigurado  kung hanggang saan ko kayang magtiis  para sa pagmamahal ko kay Hunter. Paano ko nga ba ipaglalaban ang pagmamahal na ako lang ang nakakaalala?

"Hindi ko alam kung paano kaya napaikot ng babaeng yan, pero hinding hindi nya ako maloloko,"  giit nito. "Kaya mabuti pa ngayon pa lang ay umalis kana sa harapan ko," wika nya sa akin habang ang mga mata nito ay punong puno ng galit at puot.

"Hindi ako aalis," pagmamatigas ko. "Kung mayro'n mang mas may karapatang sa aming dalawa na manatili sa tabi mo, ako yun," mariin kong turan dito. "Tanggapin mo man o hindi, sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, ako ang asawa mo," giit ko habang tumulo ang masagana kong luha sa aking mga pisngi.

"Mabuti pa, anak, magpahinga kana muna. Saka na lamang natin ito pag-usapan  kapag tuluyan  ka ng magaling," singit  ni Mommy.
"No, Mom. I want her out of here or you'll never see me again!" sigaw ni Hunter.
Saka lamang bumaling ang mga magulang ni Hunter sa akin. Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang pagngisi ni Athena na tila natutuwa sa


nangyayan• .

"Anak, alam kong hindi ito madali para sa iyo. Pero kilala namin ang anak namin. Seven years ago, handa nyang iwan ang lahat para kay Athena, gano'n nya ito kamahal," turan ni Dad. "Kaya mahirap man ito sa amin, kailangan natin syang bigyan ng panahon upang makapag-isip ng mabuti," paliwanag ni Dad.

Hindi man nita banggitin ngunit alam ko ang gusto nilang mangyari. Gusto nita akong umalis upang mapagbigyan ang hiling ni Hunter. Ang sakit, sobrang sakit. Hanggang kelan ko ba kayang tiisin ang ganitong pagdurusa?
"Umuwi ka na lang muna sa bahay. Kami na ang bahala kay Hunter," dagdag pa ni Mommy.
lsang mabining tango lamang ang aking naging sagot sa kanila bago bagsak ang balikat na inabot ko ang aking bag. Humirit pa ako ng huling sulyap sa gawi ni Hunter ngunit agad ko iyong pinagsisihan nang makita ko kung paano nakalingkis ang mga braso ni Hunter sa bewang ni Athena.

My Husband's Secretary (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon