11

79 27 0
                                    

Chapter eleven: Drug dealer


"Bakit mo kami sinusundan?" Tanong nung lalaki doon sa lalaking duguan. 


Kabababa lang namin galing sa zipline and let me tell you it was not a good experience. 


"Masakit pa?" Tanong ni Ryota saakin, na sprain ata yung ankle ko. 


"I just heard gunshots. So I fed my curiosity." Sagot nito. 


"Well, let me tell you the consequence of the people sticking their noses on strangers." 


Nilapit ng lalaki ang baril sa ulo nito. 


Lalapit na sana si Maeve, pero pinigilan ko siya. 


"Wag kang makialam sa kanila kung gusto mong mabuhay pa."


Tumango nalang siya at nakinig. 


"Randy, I told you to kill him right? Bakit pa siya buhay?" Boses ng isa pang lalaki. 


Nagiba ang itsura nila Ryota, Cassian, at Calyx. 


"Why?" Tanong ko. 


"That's Austin." Sagot ni Cassian. 


Magsasalita sana si hailey kaso pumutok na yung baril. 


"Ayan ang pinaka ayaw ko sa lahat, mga chismoso, at pakialamero." Sabi ni Austin hanag inaayos ang kutsilyo niya. 


"You six, alam kong nandito kayo. Wag na kayong makialam sa ginagawa namin kung gusto niyo pang mabuhay, at makaligtas si Ravenna. Wag kayong magkakamali. Hawak ko ang buhay niya, umalis na kayo hanggat di pa nagbabago ang isip ko." 


Alam niyang nandito kami. 


Nang makaalis ang dalawa we stayed hiding in the bush for about 5 more minutes. 


Nauna si Maeve lumabas at lumapit sa patay na katawan. 


"This is my uncle." Sabi ni Maeve. Napatigil kami, uncle? Pero bakit niya hinayaan. 


Ang bobo mo Kaede, pinigilan mo siya diba. 


Napakamot ako sa ulo ko. 


"I don't care. He was a drug dealer, he deserves to die." Dagdag ni Maeve at tumalikod na para maglakad paalis. 


"We cant just leave this here." Sabi ni Calyx. 


"Ano to? Repeat history? Pass." Sabi ni Hailey at umirap. 


"Wala akong planong kumuha ng stick at gasolina ngayon." Sabi ko. 


"Let's leave the corpse, let the snakes and some random specie eat that. Tara na, baka kung ano pa mangyari saatin." Sabi ni Cassian at sumunod na kay Maeve. 


Pagkarating namin sa bahay salampak agad kamin sa couch. Pagod kami dahil umakyat pa ulit kami doon sa bundok, at bumaba ulit papunta doon sa bridge. 


"We need to make a move  on that Austin already." Sabi ni Maeve at napahawak sa ulo na parang nagiisip. 


Napangiti ako, parang okay na sakanya ang lahat. Pero may kaunting bakas na galit pa rin ako sakanya because she is a seducer. Baka ikaw ang isunod ni Ravenna sa kill list niya. Kaya know your limits maeve. 


"Easy for you to say," sabi ni Calyx. "Ang hirap gumawa ng hakbang kapag sobrang babaw ng kaalaman natin." 


"Yeah and the worst part is ang tanga natin kanina doon. We let Austin threat us, and Ravenna." Ryota. 

Without One Blood. | Mafia Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon