Chapter sixteen: Video call
"After a week of searching and digging, nalaman namin na may pupuntahan ang grupo nila Austin na masquerade ball." Paninimula ni Hendrix.
Isang linggo din kaming nagtre-training lang, sparring, knife throwing, target practice.
"Ang ball na ito ay magaganap next month, sa isang malaking casino full of wealthy people at mga taong marunong makipaglaban."
"And we are sure na gagawin ito ng grupo ni Austin to get more recruits, kapag hindi nila nakuha yung tao he will probably force them to join their stupid cult, or group." Sabat ni Riley.
"So what do you want us to do?" Tanong ko.
Sumandal si Hendrix sa swivel chair niya at bumuntong hininga.
"I want you six to scope tomorrow night, pupunta daw doon ang lima sa mga pinaka mayaman na tao. Or should I say pinaka magaling na sugalero doon sa Casino na iyon."
"I want you all to observe the in's and out's of the perimeter. Kailangan niyong makabisado lahat ng ito." Dagdag niya.
"After tomorrow, you will have to conduct a a plan on how will you prepare." Riley.
"Prepare for?" Tanong ni Hailey.
"Yeah tito, prepare for what?" Napalingon kami kay Maeve kasi tinawag niyang si Hendrix ng tito.
"Diba ball lang yun? May labanan bang involved?" Tanong ni Cassian at umupo sa sofa.
"Well, it is a party. But we don't guarantee you guys safety. Kaya magpapagawa ulit kami ng gown and suit custom made for all of you."
"Ah so repeat history lang." Pabalang na tanong ni Ryota.
"You can say that, pero sana less fighting ang mangyari sa Casino. At bawal kayong makilala ng kung sino na nandoon. You are all trained mafia's pag papatay kayo doon please lang don't leave any prints or dna. Maging mautak naman kayo sa hakbang na gagawin niyo."
"And please, learn from your mistakes. Let's say others mistakes. Make your decisions together, and don't be selfish." Dagdag nito, at natamaan si Cassian.
Siyempre makahulugan yun at pinatatamaan niya si Ravenna.
"Whatever, I need air." Lumabas si Cassian sa balcony at naiwan kami dito.
"We'll get going in a few minutes po." Sabi ni Maeve at naunang lumabas.
Nauna na silang bumaba papunta doon sa lobby, naiwan akong nasa labas pa din ng pinto, nakita ko si Cassian papunta sa gawi ko. Pero biglang may narinig kaming nagtatalo sa loob.
"Anak, pabigyan mo naman na ako." Sabi ni Hendrix, si Riley ba ang tinutukoy niya?
"You can't just do that again dad! Your cancer just came away last 4 years. Then what?! You will have lung cancer?" Natigilan ako sa boses na yun. It's her. It's Ravenna.
Nilingon ko si Cassian at ayon, nakikinig lang siya sa boses niya.
Naupo si Cassian sa tapat ng pintuan.
"Anak naman, kailangan ko ng pampakalma. At stressed ako all out, kahit sa pagkamatay ng mommy mo. It's still creeping inside me."
"Ay nako, Ravenna Vesper Hendrix ikaw kumausap dito kay daddy ang hirap sabihan." Sabi ni Riley.
"But dad, that's not enough explanation to smoke." I heard Ravenna sigh.
Alam niyo kung ayaw nilang may makarinig sa kanila, dapat low volume lang yung speaker nila eh.
"Nasan ka ba anak? Bakit parang ang ganda ng lugar mo at ang ayos ng quality ng pwesto mo? May trabaho ka na ba dyan anak?"
"Dad could you please stop changing the fucking topic?! Stop smoking, You may disappear from this world in no time and leave me and ate. I am not ready to take over the company. I am not yet ready for the great responsibility that will be thrown at me. Simply us six, I couldn't be a good leader to them. To the whole company? I think I would just have a breakdown."
"You still think I am worthy to be the heiress of the company? Maybe I can just give my position to Riley." dagdag niya.
"No little sister, you deserve everything in this world. Lahat, kasi naging maayos na anak ka kay daddy. Inalagaan mo siya nung wala ako, at wala si mommy." malambing na tono ni Riley.
"You think that you are the only one affected by moms death? Well you're wrong, every night since then I would always blame me. Myself only."
Tumayo si Cassian sa pagkakaupo at akmang bubuksan ang pinto pero pinigilan ko siya.
"Stop, let them have their chat. OKay nang makinig nalang tayo kesa makisawsaw." Sabi ko bumuntong hininga lang siya as an answer at umupo ulit sa sahig.
"Hindi mo na dapat iniisip yan, move on din." Riley.
"Salitang move on lang narinig, ano. Move on ka na ba kay Mr. Priam?"
It took her about a minute before she answered.
"I miss him ate, I really do. And it seems like I am still affected even if it happened 4 months ago. Going 5 months." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Nasasaktan ako para sa kanya eh. Kung pwede lang ipadala ko na si Cassian sa kung nasan si Ravenna ngayon.
Ganun ko ka mahal si Ravenna at susuportahan ko pa siya sa kung anong gusto niyang mangyari.
Ang bobo ko lang kasi at gumawa na agad ako ng desisyon noong sobrang bago pa ang problema, is that how a leader act?
"Kailan ka ba kasi babalik anak?" Tanong ni Hendrix, his voice sounded hopeful. Na parang babalik na si Ravenna.
"Can I come back?" She chuckled bitterly.
"Tanungin ko si Kaede."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nasama ako sa usapan, lumayo ako sa pintuan kung sakaling tawagan ako ni Hendrix.
"No dad!" Sigaw ni Ravenna.
"Love, how something so beautiful could end up being so destructive. Ravenna ang dami pang tao dyaan." Sambit ni Riley, hindi ko malaman ang mga reaction nila kasi nakikichismis lang ako dito.
"Yeah you're right." She heavily sighed, nakita kong nagiba reaction ni Cassian at nagsimulang bumulong sa sarili.
"Kailan mo ba kasi balak bumalik? Kay simple ng tanong hindi mo masagot, at nasaan ka ba? May trabaho ka na ba?" Paguulit ni Hendrix ng mga tanong niya kanina.
"Don't worry about me, I'm fine and healthy." Sagot ni Ravenna.
"Bakit ka ba english ng english?" Inis na tanong ni Hendrix.
"Sorry, nasanay na kasi akong puro english dito." May accent na tagalog niya, it's like nahihirapan na siya magsalita ng first language niya.
"Hay nako, kahit kami hindi mo manlang sabihan kung asan ka." Hendrix.
"Hindi nga pwede, basta--" Naputol ang sasabihin niya nang may magsalitang lalaki.
"Nanishiteruno?"
Japanese? Nasa Japan ba siya?
Nakita ko ang mukha ni Cassian, nakunot na.
Mabilis na tumayo ito at padabog binuksan ang pinto.
Nagulat si Hendrix at Riley.
"Sino yun? Basta I have to get going now. Bye." She ended the call bago pa makalapit si Cassian.
"Kailan niyo pa siya nakakausap?" Malamig na tanong nito.
"Ngayon lang, sinumbong kasi ako ni Riley na I smoked." Mukhang honest naman si Hendrix kaya tumango siya.
"It's clear that she's out of the country. And based doon sa kausap niya. She's in Japan."
BINABASA MO ANG
Without One Blood. | Mafia Series #2
ActionWithout a member how will they handle the missions given to them? When they thought the battle of the three most powerful Mafia was done, the game was just getting started. #2 Mafia Trilogy COMPLETED ~|Started|~ : March 22, 2021 ~|Ended|~ : May 18...