13

71 27 0
                                    

Chapter thirteen: Stuck in an island 2


"Pano na tayo makakaalis dito?" Kabadong tanong ni Hailey. 


Ikaw ba naman, mapunta sa isang isla nang hindi mo alam. 


"You guys outsmarted your cell," sabi ni Austin, he's about 10 meters away from us. "Only took you 2 hours. I think."


"Kailan pa kami nandito?" Tanong ni Calyx. 


Napahawak si Austin sa ulo niya. "Almost a week." 


"What?!" Sigaw naming lima. 


"Papunta sa isla na to, we rode an airplain then a boat ride. Oh, Boracay ang galawan. Pero hindi, isang araw ang papunta dito. Eh ang bobo nung mga tauhan ko di pa tapos yung pag gawa ng special cell niyo. so another 3 days pa. Mga naka sampung turok kayo nung sleeping serum. and today this day. so bali" nagbilang siya. "4 days na kayong nandito." at ngumiti. 


"Hmm, I see. Kung hindi ka tanga, bakit mo kaming hinayaan makatakas doon. Dapat ginawa mo nalang electric current based yung dalawang cells. Pero oo nga pala, pinaglihi ka sa kabobohan." Pambabara ni Cassian. 


"Ano ba kasi kailangan mo?!" Inis na tanong ni Ryota. 


"Let me guess, you fucked up your life again? O may tinakbuhang utang at saamin ka nanama aasa. Or yayayain mo kaming tatlo sa bago mong 'mafia' group." Asar na tonong sabi ni Calyx. 


Biglang lumapit si Austin kay Calyx at hinila ito sa kwelyo. 


"Wag mong mamaliitin ang mga ginagawa ko. Kayo kasi umangat lang kayo ng pagkabilis bilis dahil sa putang inang mga babae na sabi niyong paiikutin niyo lang. Pero ito kayo hulog na hulog." 


"Kayong tatlo, baka tuliro lang naman kayo at di sigurado." Dagdag pa niya. 


"I'm sorry, we're pretty sure that we are in love." Sabi ni Ryota at Calyx. 


"Aww, bakit si baby Cassian hindi sigurado? Ay oo nga pala, iniwan ka. Nakakatawa naman si Ravenna." Pabiro siyang tumawa. 


"Sayang call sign pag walang ka-call. Noh baby?" Pangaasar ni Austin kay Cassian. 


Hindi na napigilan ni Cassian ang sarili niya at biglang sinapak si Austin ng napaka lakas. Halos mapunta siya sa mismong dagat sa lakas. 


Natawa lang si Austin. 


"You should ready yourself Cassian, and Hailey, and Kaede. Baka maibuga niyo ang intestines niyo kapag nalaman niyong may paparating." Umalis na si Austin and we were left in the sand staring at the ocean. Palubog na yung araw. 


"As if na dadating si Ravenna. I'm sure pinapaasa lang tayo niyan." Sabi ni Cassian at umakyat sa isang puno. 


"What are you doing dude?" Takang tanong ni Ryota. 


"Finding a base point, alangan naman dito na tayo tumira? We have a fucking life you know in the city and not on this island." 


"PREPARE FOR WAR!!" Sigaw ng kung sino, kaya napalingon kami sa paligid. 


Biglang may sumabog na granada sa may gilid ng isla kaya nagkagulo kaming lahat. 


Yung sakit sa hita ko nawala dahil, mas kailangan kong tiisin yung sakit kesa tuluyan akong mamatay dto. Di ako prepared, wala pa akong last will and testament. 


Kinasa ko yung baril ko at binaril lahat ng papunta sa direksyon ko. Kaso naka bullet proof silang lahat kaya kailangan ko sa utak iputok. 


Ito pala yung sinasabi ni Austin na maging handa, warm up lang pala yung kanina. 


"Hindi kayo pwede umalis dito nang hindi ko kayo napapatay." Sabi ni Austin na nakita kong nasa tuktok ng bahay na may kasamang tatlong lalaki. 


Nawalan na ako ng bala kaya nakipagsuntukan ako tsaka ko sinaksak ang leeg. 


Merong papunta saaking bala pero nakaiwas ako, pinagtaka ko yun kasi hindi ko alam kung kanino nanggalin. Impossible naman na ligaw lang eh sobrang dami ng tao dito. 


Biruin mo six versus more than fifty persons baka isang daan pa nga eh. May second wave pa ganon. 


Tumingin ako sa taas at wala na si Austin doon, pero natira doon yung isang lalaki. Na may sniper, nice! Para kay Hailey. 


Lumapit ako sa likod at sinaksak yung lalaki. Tinanggal ko yung mga bala sa damit non at kinuha yung baril. 


"Hailey!" Sigaw ko to get her attention. 


Binigay ko sakanya yung sniper at ngumiti lang siya pabalik saakin. 


Tiningnan ko si Maeve, magaling din siya lumaban para sa isang babaeng nagstart lang 1 month ago. 


Meron sanang sasaksak sakanya pero naunahan ko na ng baril. 


Pero nagulat nalang kami nang bigla akong suntukin ng isa pang lalaki. Di ko nakita at napatumba nalang ako, tinry akong tulungan ni Maeve pero siya din bagsak. Bigla nalang kami nahila papunta sa direksyon nung tatlo. 


Biglang binaril ni Cassian yung sumapak saakin, at sinaksak naman ni Ryota yung humahawak sa paa ko. 


Tinignan ko ulit ang gawi ni Hailey at ayon, okay pa naman siya. Pero nakita kong may isang lalaki sa likod niya. 


"Hailey! Behind you!" Sigaw naming lahat. 


Muntik na siyang maputukan ng baril pero nakaiwas agad siya at nagamit niya pa yung sniper para mabaril yung lalaki. 


Hingal na hingal kami pero, biglang meron pa ulit sumabog na granada. 


"Oh, bawal pa tayo magpahinga. May second wave pa." Boses ulit ni Austin pero mukhang galing sa megaphone. Natakot na siguro yung gago kaya nagtago. 


Nanghihina na kaming lahat kaya sobrang bigat na ng mga galaw namin. 


Napaupo kaming lahat ng wala sa oras, pero bumabaril pa din kami. 


"What's that?" Tanong ko, nang may marinig na chopper paparating saamin. 


Nakasabit ang isang tao doon sa hagdan ng chopper. Bigla nalang sila naglalag ng mga smoke grenade sa gawi namin at ayon. We just saw nothing but gray smoke. 


May naramdaman akong tao sa likod ko at itinayo ako. Bahagya kong nakita yung baril niya, big time yun pero di ko maalala pangalan ng baril. 


Ang tagal mawala ng smoke na ito ah, mga 20 minutes na kaming naghahanap ng daan paalis dito sa gray smoke. Pero isa naalala ko, si Hailey, baka may mangyari sa kanya. 


"Hailey?! Hailey?!" Tawag ko, sakaling makita ko siya. 


"I'm fine!" Sigaw ng boses niya pabalik. 


I kind off felt a relief. 


Unti unting nawawala yung smoke kaya nagready na ako ulit sa isang bakbakan. Pero bigo kami. 


Patay na lahat ng kalaban namin. At nung lingunin ko yung helicopter paalis na siya kaagad. I saw the person na nakasabit kanina sa hagdan ng chopper at kumaway saakin. Pero balot na balot kasi siya kaya pati gender un-identified. 


Nakita ko ang isang maliit na boat kaya sumakay na ako doon at inaya na yung lima. 


Biglang lumabas si Austin. 


"Mapapatay ko din kayo, just you wait. Also nakita niyo ba yung bumisita sainyo?" Sabi nito pero di na namin pinansin. 


Pero bago ko paandarin yung bangka, I raised my middle finger up. 


"Fuck you, Austin!" Sigaw ko at binilisan ang takbo nito.

Without One Blood. | Mafia Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon