Chapter 34

143 6 6
                                    

Chapter 34

"May alam ba kayo kung sino nag-iwan nitong mga bulaklak?"

I approach them when I went inside the shop. Nilapag ko sa lamesa ang mga kape na binili ko para sa kanila. Habang ang basket ng mga bulaklak ay hindi ko binitiwan.

"Kilala niyo?" I once asked again. They just shrugged their shoulders then took their cup of coffee. Inabot naman sa akin ni Rina ang kape ko. "Thank you."

"Wala akong idea kung sino. Kanina naman ng lumabas ka wala yan," ani Rina at humigop sa kape. "Shet init!"

"Ingat-ingat din kasi," si Ray.

"Manahimik ka!" Lumapit siya sa akin at kumuha ng isang pirasong pulang rosas. "Fresh. Bagong pitas pa lang. Ang bango pa."

Inamoy ko tuloy ang bulaklak at gaya nga ng sabi niya, mabango nga. Naupo ako at nilapag ang basket ng bulaklak. I then sipped on my coffee before looking at the guys.

"Kayo? Baka nakita niyo kung sino."

"Gaya ni Rina ay wala akong kaalam-alam diyan," ani Ian at uminom sa kan'yang kape.

"Baka naman sa manliligaw mo galing." I laughed with Ray's statement. Siniringan ko lamang siya dahil halatang nagbibiro ito. Manliligaw. "Bakit? Hindi malabong mangyari iyon, may mga ilang customer tayong hinihingi ang number mo sa'kin..."

"Talaga?!" pagsingit ni Rina. "Binigay mo naman ba?"

"Hindi! Personal iyon, kung gusto nila edi hingiin nila mismo kay Issa." Uminom si Ray ng kape at naupo sa may lamesa.

I gave him a smile. I'm so happy that I'm with the right friends. Nirerespeto pa rin nila ang pang-private.

"Sa manliligaw mo iyan!" he surely said.

Pinunasan ko muna ang ibabang labi bago ilapag ang kape sa may lamesa. I placed my hands on my waist and glanced at them; they're looking at me with a grin and a smile. Tinutukso nila ako!

"May point si Ray." Rina placed her hand on Ray's shoulder. Kinindatan siya ng lalaki dahilan lumayo ito at nandidiring tumingin.

"Syempre ako pa," he proudly said.

"Mahiya ka nga!" Pabalik-balik lang ang tingin naming tatlo sa dalawang nagbabangayan. "Ngayon lang may sense ang sinabi mo. Madalas kasi ay walang kabuluhan."

Tuluyan nang nag-asaran ang dalawa. Sinulyapan ko si Dylan na agad umiwas nang magkasalubong kami ng mga mata. Naglakad siya papuntang counter habang bitbit ang kape.

I just shrugged before getting the basket of flowers and going to my office.

"Kanino ka naman ba galing?" pagtatanong ko sa bulaklak nang mailapag ito sa center table.

I scanned the basket one more time and lifted it. My forehead wrinkled when I saw a letter, naka-ipit ito sa may ilalim ng basket.

A simple gift for my love.

"Love," pagbasa ko at wala sa sariling napangiti.

One word. One word that caused too much for me. I felt my heart racing. I bit my lower lip to stop myself from smiling. Para akong sira dito na nakangiti sa pirasong papel.

"Kumalma ka, Issa," I talked to myself. Tumayo ako dala ang piece of paper at tinago ito sa drawer ko. "Diyan lang kayo. 'Wag kayong aalis," pagkakausap ko sa mga bulaklak na nasa mesa.

Sinilip ko ang sarili sa may salamin na nakakabit sa dingding nitong opisina. Inayos ko ang nagusot na damit at kinuha ang apron para ibalot sa aking bewang. I also tied my long wavy hair with my yellow scrunches.

Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon