Chapter 28

146 7 0
                                    

Chapter 28

"Ready na ba 'yong kotse, Ian?"

Naglakad ako palapit sa nakaparada na mini-truck. Hinubad ko ang suot na apron bago sumakay sa unahan at ipatong roon ang apron na tinupi. Sininilip ko pa ang sarili sa salamin at inayos ang pagkakapusod sa buhok nang makitang magulo ito.

"'Yong tatlo na lang ang hindi pa handa. Matatagalan pa ata sila," si Ian, tanaw ang tatlo sa loob ng shop.

"Sa tingin mo traffic ngayon?" I asked without looking at him. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon niya sa akin. "Baka kasi abutin tayo ng gabi nito."

"Hindi naman siguro. Daan na lang tayo sa shortcut." 

"Sure ka? Shortcut mo humahaba, eh," pagbibiro ko. 

"Hindi, iyan. Gamay na gamay ko na ang pagmamaneho at ang mga daan."

"Sige next time. 'Wag muna ngayon," ani ko at tumawa nang mahina. Napakamot na lamang siya sa ulo habang pinapanood ako. Bumaling ako. "Matagal pa ba kayo? Marami pa ba?"

Sabay-sabay nilang iniling ang ulo.

"Last na 'to!"

Tumango lang ako sa sagot ni Ray. Hindi ko na muling ginulo sila at baka makaistorbo pa ako at mas lalong matagalan sa ginagawa nila. Sila kasi ang nag-iinventory rito sa shop at ayon ang kanilang ginagawa ngayon. Nung una ay mahirap, nakakalito at nagkakagulo. Pero ilang years na rin naman ang lumipas kaya nasanay na.

7 years.

I smiled when I looked up at the upper part of the shop, where the signage was placed. Ang harapang bahagi ng shop ay gawa sa salamin kaya naman kita mo ang loob mismo. Maliit lang ito dati pero ngayon ay nag-expand na rin.

Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sa kakarampot noon na paninda ngayon ay makakakita kana ng mga dose-dosena. Kung dati ay bilang lang sa daliri ang mga bumibili, ngayon ay dinadagsa na. Nakakabilib kung tutuusin.

"Daan tayo sa drive-thru, wala pa tayong kain," I suggested when all of us were in the mini-truck.

"Libre mo ba?" ani Rina kaya naman ay sinulyapan ko siya.

"Mabait ako ngayon kaya sige!" saad ko at mahina pang tumawa. "Liko ka roon, Ian. Sa banda roon ang fast food."

Um-order kami ng pang-breakfast namin tutal maaga pa naman. Alas siyete pa lang ng umaga. Ian stopped the mini-truck so that we could eat at ease.

Pinunasan ko ang ibabang labi gamit ang tissue bago lumingon kay Dylan. He was drinking his coffee with a serious look. Nakakrus ang kamay sa dibdib habang hawak ang kape sa isang kamay at malayo an tingin sa labas.

I shook my head and cleared my throat.

"Dylan, bakit hindi ka pa umuwi kagabi?" I asked to open some chit-chat while we're eating.

Taas ang isang kilay na nilingon niya ako. Umalis na kasi ang tatlo kagabi and he said that he will leave too, pero nang lumabas ako ay nasa likuran lang pala ng shop.

"Anong ginagawa mo pa roon kagabi?"

"Nagpapahangin lang," aniya.

"Bakit, Issa?" Nilingon ko si Rina. "Nagulat ka ba sa kan'ya?" Tumango ako. "Nako! Masanay ka na riyan. Akala mo kabute, bigla-bigla nasulpot."

Biglang lumitaw ang mukha ni Ray sa harapan ni Rina na ikinagulat ng dalaga. "Parang ganito ba, Rina?" Ray with his playful look.

Dinakma ni Rina ang mukha ni Ray at patulak na binitiwan, masama ang tingin sa lalaki. "Oo! Kabute ka, 'yong kabuteng mapanghi."

Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon