Chapter 11
Nabitawan ko ang hawak na hose matapos marinig ang huling sinabi ni Jinoh. Kunot-noo ang tingin na iginawad ko sa kaniya, hinahanap ang biro sa sinabi niya. Napalunok ako nang malalim.
Ano bang sinasabi niya?
Tumawa ako. Nakasinghot na naman siguro ito ng medyas kaya kung ano-ano ang sinasabi. Pilit ang ngiti ko. Itinago ko sa likuran ang kamay na nanlalamig.
Walang nagsalita sa amin. Tanging huni ng ibon, pagsayaw ng mga puno at hangin, at ang pag-agos ng tubig ang maririnig. Kasabay nun ay ang pagtagaktak ng mga pawis sa noo ko.
Dali-dali kong pinulot ang hose. Ang aksaya ko sa tubig!
"Issa, ano kasi—"
"Saglit lang," putol ko sa kaniya.
"Sa'n ka pupunta?"
Humarap ako sa kaniya. Kinakabahan ang itsura niya; namumuo ang pawis at parang natatae sa kinatatayuan nito.
"Papatayin ko lang ang tubig, sayang kasi." Nginitian ko siya bago pumasok.
Pinatay ko ang gripo at napasandig sa pader. Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang mawala siya sa harapan ko.
Umiling-iling ako.
"Kailangan mo siyang harapin, Issabela," pagkakausap ko sa sarili. "Kailangan mong sabihin sa kan'ya."
Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong-hininga at inayos ang tindig. Kailangan kong harapin si Jinoh. Kailangan kong malinawan sa mga sinasabi niya. Sa mga pinapahiwatig at pinaparating niya.
Nakangiti akong naglakad papalabas at nakita ko ang likod ni Jinoh. Sa tindig niya pa lamang ay halatang kinakain na siya ng kaba. Lumapit ako sa kan'ya at kinalabit.
Nginitian ko siya para naman umayos ang lagay niya. Para kasing hindi na siya mapakali o hindi na talaga siya mapakali. Niyaya ko siya na maupo sa damuhan, sana lang ay walang tae.
Nag-aalinlangan pa nga ito pero naupo rin. Hinarap ko siya at tinignan nang masinsinan. Napa-gwapo talaga nito.
"Jinoh, gusto kong malinawan sa mga sinasabi mo."
Binigyan ko siya ng ngiti.
Kinagat niya ang ibabang labi. "Issa, alam kong kaibigan lamang ang tingin mo sa'kin, tama ba ako?" aniya. "Alam kong iba ang laman ng puso mo. Alam kong hindi 'yan mababago."
I held his hand. "Tama ka. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Ikaw ang unang lalaki na naging kaibigan ko rito. Isa ka sa mga umaalala sa akin. Lagi ka ring nandiyan."
Tumikhim ako.
"Pero kasi kahit anong gawin mo, wala akong maramdaman para sa'yo. Hindi ko maramdaman ang nararamdaman ko para kay Adam."
Lumunok ako. Nasabi ko tuloy!
"Si Adam ang gusto ko, Jinoh." At hindi niya ito alam. Mapait akong ngumiti. "Pasensiya ka na, Jinoh."
"Alam ko naman na simula pa lang ay gusto mo na ang lalaking iyon." Nanlaki ang mga mata ko. Tumawa siya. "Bakit? Halata sa reaksyon mo, Issa."
"Seryoso ka?" Gulat pa rin ako. "Paano mo nalaman? Sa pagkakaalam ko hindi ko sinabi sa'yo."
"Your eyes can't lie. Nababasa ko sa mata mo ang kagustuhan mo kay Adam. Ano bang meron doon?" tawa niya.
Natawa ako nang mahina.
"Pasensiya talaga dahil sa pag-iwas ko sa'yo. Nalilito lang talaga ako. Kaya 'wag kang mag-alala, hindi naman gano'n kita kagusto. Baka paghanga lang ito." Tumawa siya, namumula na ang pisngi.
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
RomansaMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman radiating sunny and happy-go-lucky vibes, was looking for a job in a village. Wandering around in the street with a bullet of sweat, she found herself staring at the mansion. Her body shivered, and he...