Chapter 20

173 5 3
                                    

Chapter 20

Nagtakip ako ng tainga para lang hindi sila marinig. Nagtitindigan ang balahibo ko sa ingay na ginagawa nila. Mas isiniksik ko ang sarili sa sulok ng sofa.

I can taste the blood of my lips, but I didn't let go of it. Wala na akong pakialam kung mag-sugat man ito, ang mahalaga ay walang ingay na lumabas sa bibig ko.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na lumuha. Nakatago naman ako at walang makakita sa akin na umiiyak.

Bwiset na mga luha 'to! Walang tigil sa pagtulo! Kailan ba kayo mauubos? Nakakapagod na umiyak!

Ramdam ko kirot sa puso at parang may nakahawak dito dahil ang sikip-sikip sa dibdib. Bakit ako nasasaktan kung may kahalikan siya?

Ni wala namang namamagitan sa amin. Tanging ako lang ang may gusto. Kaya bakit ako nasasaktan? Wala akong karapatan! Gusto ko na lang tumakbo papalayo.

"Ahh!"

Mas humigpit ang pagkakatakip ko sa magkabilang tainga dahil sa ingay nila.

"Oh! B-beiste, you're so hard. I want to feel that inside me, please..." nang-aakit ang tono ng babae. "Let's go to your room, and enjoy your night."

"Let's go," paos ang boses na sagot ng lalaki.

Narinig ko pa ang impit na tili ng babae bago sila tuluyang mawala sa pandinig ko. Iminulat ko ang mga mata.

Marahan kong inangat ang ulo at kumurap-kurap dahil nanlalabo ang aking mga mata. Pinunasan ko ang basang mukha. Hindi sapat ang aking mga palad para tuyuin ang mukha ko.

Mas rumagasa ang luha ko nang makita ang cake na binili ko. Binasa ko ang kumikibot na labi at kinuha ang cake.

"H-Happy Birthday, Adam, from Issabela," pagbasa ko sa nakasulat. "Maligayang-maligaya ka sa kaarawan mo.

Nanghihina man ang tuhod ay sinikap kong tumayo. Kailangan ko pang kumuha ng alalay sa sofa dahil sa panghihina. Pagod na ang katawan ko mula kanina pa.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago lapitan ang mga pagkain na aking niluto. Ito na naman ang aking mga luha! Nakakainis na!

Mabilis na kilos ang ginawa ko para ligpitin ang lahat. Baka maabutan pa nila ako kaya kailangan kong bilisan. Inilagay ko ang mga ito sa tupperware at pinasok sa ref para hindi masira. Ang mga dekorasyon ay inalis ko rin at ang mga lobo ay hinayaan ko na lamang na magkalat sa sala.

Isinandig ko ang likuran sa pader at malungkot na pinagmasdan ang mga kamay. May ilang hiwa sa daliri ko gawa ng kutsilyo dahil sa pagmamadali. May mga talsik din ng mga mantika na nagsisimula ng mamula.

"Wala lang ang mga ito," nakatingin sa kamay na sabi ko. "Mas masakit ang nararamdaman ko ngayon kaysa sa inyo."

Tumayo ako at sinuklay paitaas ang buhok bago umakyat sa itaas. Natigil ako sa may pintuan niya. At ito na naman ang walang katapusang pagluha.

"H-Happy Birthday, A-Adam. Goodnight."

Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising. Sinilip-silip ko sa salamin ang itsura. Mugto ang mga mata, matamlay ang itsura at ang putla ng sugatan kong labi.

"Ang pangit mo..." sabi ko sa sarili.

Akala ko kagabi ay makakatulog agad ako kapag nasa kwarto na ako pero nagkamali ako. Mas may ilalabas pa pala ang mga luha ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.

Napatingin ako sa bagahe ko na nasa gilid ng aking cabinet. Nagawa ko pang mag-impake kagabi habang umiiyak. Hindi naman ako aalis, hindi ko lang alam kung bakit ako nag-impake.

Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon