Chapter 14
"Issabela, are you done? Do you need any help?"
Napangiti ako sa harap ng salamin. Kapapasok ko pa lang sa kwarto ay hinahanap niya na agad ako.
"Malapit na ako, Adam," sagot ko bago maglagay ng pabango sa leeg.
"You sure?"
Sinuklay ko ang nakalugay na buhok gamit ang mga daliri. Inayos ko rin ang hair clip na yellow. Isang beses pa akong sumilip sa bilog na salamin bago dumiretso sa pintuan.
"Are you gonna stay there forever?"
"Lalabas na po." Atat na atat naman 'tong lalaking ito!
Pinihit ko ang doorknob at binuksan. Tumambad sa harapan ko ang gwapong mukha ni Adam. Nginitian ko siya nang pasadahan niya ako ng tingin.
"Okay na..." sabi ko, kinukuha ang atensyon niya.
"You look pretty."
Nag-init ang pisngi ko. Hindi na ako nagsalita pa at pinanood na siyang maglakad paalis. Nakagat ko ang laman ng pisngi dahil sa sinabi niya kanina.
"Ako lang 'to," mahina kong sabi, natatawa.
Pinagmasdan ko ang suot ni Adam. He was wearing a white shirt tucked into his slacks. His black blazer was just on his shoulders. White converse shoes naman ang suot niyang sapatos. Malinis din ang pagkaka-ayos niya sa itim niyang buhok. Ang pogi talaga!
You look pretty.
Malayang naglaro muli sa isip ko ang sinabi niya sa akin kanina. Nakasuot lang naman ako ng simple light yellow long sleeves dress na humahapit sa bewang ko. Ang haba naman ay umaabot lang sa tuhod ko at may white lace pa na design.
Sa mukha naman ay light make-up lang ang ginawa ko. Naglagay lang ako ng lipgloss sa labi para may kinang naman kahit papaano. Ang buhok ko naman ay kinulot ko at hinayaan na nakalugay lang sa likuran. Naglagay na rin ako ng sunflower hair clip.
Tumigil siya sa paglalakad kaya naman tumabi ako sa kaniya. Sabay naming tinungo ang garahe niya na may ilang sasakyan.
"Come here," aniya nang buksan ang pinto ng sasakyan.
"Salamat," sabi ko bago sumakay.
Umikot siya sa kabila para sumakay. Tanging ingay lang ng makina ang maririnig sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam ang sasabihin ko!
"Saan pala tayo?"
"Issabela."
Pigil ko ang ngiti nang sabay pa kami. Tumaas din ang sulok ng labi niya nang makita ako. Nawala ang ngiti ko nang makita na palapit siya. Hanggang sa maamoy ko ang pabango niya.
Anong balak niya?
"I'll put you seatbelt. You always forget it," aniya nang makita ang reaksyon ko.
Pinamulahan ako. Nakakahiya! Ano ba itong iniisip ko? Sa labas na lang tuloy ako tumingin dahil nahihiya pa rin ako.
Matapos ang nangyari noong linggo, kapansin-pansin ang pagbabago ni Adam. Hindi ko alam kung dahil ba sa alam niya na na gusto ko siya o dahil natauhan siya sa sampal ko.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sagot sa akin. Pero pakiramdam ko tuloy ay gusto niya rin ako dahil sa mga kilos niya. O baka naman nag-aassume lang ulit ako.
Napasimangot ako.
"Issabela, you okay?" Nilingon ko si Adam na nasa daan ang tingin. Bumaling siya saglit sa akin. "Do you have a problem?"
![](https://img.wattpad.com/cover/224522598-288-k967307.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
Roman d'amourMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman with a bubbly and happy-go-lucky attitude, became independent as she wanted to look for a job. Not until she found herself staring at the dark mansion in one village. Her eyes widened and her body shi...