Chapter 5
Nagising ako sa tunog ng aking phone. Bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata bago kunin ang cellphone sa ibabaw ng kabinet at sagutin. Binuksan ko rin ang bintana.
"Hello?" Humikab pa ako. "Sino ito?" nakapikit ang mata na tanong ko.
[Umay! Kakagising mo pa lang?]
"Anna?" Idinilat ko ang mga mata. Humagikhik lamang ito sa kabilang linya. "Bakit ka napatawag?"
Tumayo ako at nag-unat bago sumilip sa labas. Napakaganda ng kalangitan, maraming ulap na tumatakip sa haring araw. Ingay ng mga ibon ang maririnig dahil napakatahimik pa.
[Day-off mo ba? Gala tayo?]
Tumango ako kahit hindi niya makikita. "Oo. Magpapaalam lamang ako kay Sir." Kinagat ko ang ibabang labi.
Sir na naman ang natawag ko mabuti hindi niya narinig. Ilang araw na iniwasan ko ang tawagin siyang Sir o Adam man. Hindi ko alam, hindi lang siguro ako sanay. Mas gusto ko pang Sir na lamang dahil amo ko naman siya.
[Sige, bilisan mo lang ah, punta ka rito.]
"Oo," ayun lamang ang sinabi ko bago patayin ang linya.
Humikab muna ako at nag-unat-unat ng ilang beses. Kinuha ko ang susuotin ngayon at lumabas ng kwarto para maligo. Maaga pa naman kaya hindi pa gising si Sir. May oras pa ako para ipagluto siya kahit day-off ko.
Pinagmasdan ko ang susuotin ngayon. Isang dilaw na bestida lamang ito. Hanggang itaas ng tuhod ang haba nito at ang manggas ay hanggang palapulsuhan ko. Pinagmasdan ko pa ang sarili sa salamin. Ang bewang ko ay humapit sa bestida na ito. Maliliit lamang na bulaklak ang mga disenyo nito.
Pinatuyo ko lamang ang buhok at sinuklay. Hinayaan ko na nakalugay ang aalon-alon na buhok. Inipit ko ang ilang hibla sa gilid ng tainga. Naglagay lang din ako ng light makeup at liptint naman sa labi. Sinilip ko ang sarili sa salamin.
"Ganda," bulong ko.
Lumabas ako at bumababa para magluto ng agahan. Alas-otso na at tulog pa rin si Sir. Puro prito lamang ang mga niluto ko. Nag-ingat din ako dahil baka marumihan ang aking suot. Ayokong umalis ng marumi ang suot.
Inilapag ko sa lamesa ang mga niluto ko. Naghanda na rin ako ng plato niya. Isa lamang ang nilagay ko dahil siya lang naman ang kakain. Kila Anna na ako makikikain dahil aalis din naman kami. Tinungo ko ang kwarto niya ng matapos ako sa paghahanda para sa almusal niya.
Bumuntong-hininga ako ng nasa tapat na ako ng kwarto niya. Anong sasabihin ko? Ayoko naman siyang tawagin na Adam dahil hindi ako kumportable. Kinagat-kagat ko ang ibabang-labi bago naisipan na kumatok.
Inulit ko ang katok ng walang sumagot dito. Nakita ko ang pagpula ng mga daliri ko kaya naman ay hinampas ko ang pintuan niya ng sobrang lakas. Ang sakit ng palad ko. Hinimas ko ang namumulang palad, ang sakit! Bakit ko ba ginawa iyon.
Natigil ako sa paghimas ng bumukas ang pintuan. Gumana ang paghampas ko kaso nga lang masakit ang kamay ko. Inangat ko tingin at may kung ano akong nakita sa mga mata ni Sir. Pagkamangha? Bakit naman siya mamangha sa akin?
Nag-iwas ako ng tingin.
"Why did you do that?" mahihimagan ang inis sa tono niya. "Look at me, Issabela."
Kinakabahan ko siyang tinignan. Kinagat ko pa ang ibabang labi at tinago ang kamay sa likod.
Magkasalubong ang kilay at ang talim niya sa'kin makatingin. Para namang napakalaking kasalanan ang nagawa ko. Hinampas ko lang naman ang pintuan niya.
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman radiating sunny and happy-go-lucky vibes, was looking for a job in a village. Wandering around in the street with a bullet of sweat, she found herself staring at the mansion. Her body shivered, and he...