Chapter 31

142 7 6
                                    

Chapter 31

"Tumigil ka na, Issa, okay?"

Tumigil ako nang makita ang inis sa mga mata ni Dylan. Napangiti ako dahil mukhang napikon ko ata siya. Tiningnan ko siya at nang makita ako ay tinarayan niya ako. Pigil ko ang tawa dahil doon.

He just continued what he was doing earlier. Minsanan ay sumusulyap ako sa kaniya na seryoso sa ginagawa. Hindi ko na p'wedeng guluhin.

"Dylan, kilala mo nga siya?" pangungulit ko muli nang magsara na ang shop. "Sasagot lang naman, eh."

Napasimangot ako. Ni isa sa mga tanong ko kanina ay wala siyang sinagot. He glanced at me then continued cleaning the counter.

I let out a big air. Okay, kung ayaw niya talaga, hindi ko na siya pipilitin ngayon. Kasi bukas naman!

Kaming dalawa na lang ni Dylan ang naiwan sa shop dahil may alis ang tatlo. May 30 minutes pa naman bago kami lumabas kaya aayain ko si Dylan kumain sa labas pakatapos.

"Nagugutom ka?" tanong ko, tapos na ako sa paglilinis. He just nodded his head while removing his black apron. Sinuklay niya pa paitaas ang buhok nang matapos. "Sabay ka na lang sa akin."

Tumigil siya saglit sa pagtutupi ng apron. "Sure."

Sa malapit na convenient store lang kami kumain. I just bought spicy cup noodles and milk, ito na ang dinner ko ngayong gabi. While him, he bought hotdog on stick and a juice. Umupo kami sa labas ng store at nagsimulang kumain.

"Dylan."

Tumigil siya sa pagkagat niya sa hotdog at tumingin sa akin. Wala pa akong sinasabi ay nakakunot na ang noo niya, para bang inis dahil pinigilan ko siyang kumagat sa hotdog niya. Pigil ko ang tawa at napainom na lang gatas.

"Why?" Nawala ang pagkakakunot ng noo niya. "Tinawag mo ako para magpa-cute? Nice."

"A-Ano?" hindi makapaniwala na sabi ko. "Hindi ako nagpapa-cute! Siraulo ka!"

"Ako pa?"

"Oo!" hirit ko pa. "May tumatawag kasi sa'yo. Hindi mo ba nakikita?" Tinuro ko ang phone na na kanina pa nagba-vibrate sa lamesa.

He took the phone, then stood up on his chair. "Let me answer this," he said. I shooed him away.

I sipped on my milk. Ang sarap nito! Tumingala ako sa kalangitan para pagmasdan ang buwan.

I felt tired. I felt heavy... inside me. Something is tightening in my chest, and I don't know why. Hindi ganito ang pakiramdam ko kapag pagod ako dahil sa trabaho. Iba ngayon. Masakit sa dibdib.

No, Isabella, you're just tired. Pagod lang 'yan dahil sa trabaho at wala nang iba pa.

Pinikit ko ang mga mata at huminga nang malalim. Ikinalma ko ang sarili at nagbabakasali na mabawasan ang bigat sa dibdib. Nang maramdaman ko ang binata na naglalakad ay nagdilat ako at umayos ng upo.

"Mauuna na ako," aniya.

Tumango ako. "Sige, ingat ka, ha." Nginitian ko pa siya nang makita ko siyang sinusuri ako ng tingin. "Dalhin mo na itong pagkain mo, hindi mo pa nauubos."

Kinuha ko ang hotdog stick at nilagay sa kamay niya. Nginitian ko siya at tumayo. Kinuha niya ang backpack niya at isinukbit sa kaliwang braso bago ipasok ang isang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon.

"Thanks. Umuwi ka rin pagkatapos."

"Hmm. Uuwi rin ako. Malapit lang din 'to sa apartment ko." Nakangiting itinango niya ang ulo. "Ingat ka."

"You, too." Kinawayan ko siya habang papalayo itong naglalakad. Inubos ko na lang din ang inumin ko at naglinis na ng pinagkainan.

Kinabukasan ay nagising ako sa isang phone call. Kinuha ko ang phone sa side table ng kama nang hindi dumidilat. Nilagay ko sa tainga ito nang makuha.

Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon