Simula
"Kapapalit pa lang ng taon aalis ka na agad," si Mama, tinutulungan ako sa pagi-impake. "Magpahinga ka muna miski ilang araw bago ka maghanap ng trabaho."
Tumango ako bago ngumiti kahit alam kong wala sa plano ko ang sinasabi ni Mama. Gusto ko na kasi maghanap agad ng trabaho!
"S'yempre naman po," sabi ko. Hindi na ako makikipagtalo pa dahil uulit lang kami sa umpisa. "Masakit din po sa puwitan ang matagal na pag-upo sa bus kaya magpapahinga ako."
I sighed. I looked around inside of my room. I'm gonna miss every corner of this room!
Napayakap si Mama sa akin nang tumayo ako. Wala naman sa plano ko ang iwan si Mama mag-isa, pero kailangan ko lang talaga. Hindi rin naman kasi gano'n kalaki ang kinikita ni Mama sa pagtitinda sa palengke.
Humigpit ang yakap ko kay Mama. Matatagalan pa ako na mayakap muli si Mama kaya dinama ko yakap ni Mama sa akin.
"'Yong sinabi ko, ah. Pahinga muna ang katawan bago maghanap ng trabaho."
"Oo nga po. Kulit mo," natatawa kong saad. Nakita ko ang lungkot sa mata ni Mama kaya ngumiti ako. "Ma, 'wag ka nang malungkot! 'To naman parang others."
Katulong ang trabaho na una kong hahanapin. Bukod sa pagiging florist, katulong ang isa pa sa pangarap ko no'ng bata ako. Ito kasi ang unang trabaho ni Mama at ang saya saya ko kapag sinasama niya ako. Kay ngayon, gusto kong tuparin muna ang isa sa pangarap ng batang ako.
"Sige ka, hindi ako aalis kapag gan'yan ka," pananakot ko.
"Edi lalo akong malulungkot kung gano'n para lang hindi ka umalis," aniya, tumawa pa nang mahina.
Napa-iling na lamang ako.
"Joke lang. Hindi kita pipigilan dahil gusto mo iyon. Susuportahan kita."
Lumamlam ang ekspresyon ko. Parang hinaplos ang puso ko sa galak. Hindi niya talaga ako pinipigilan sa gusto kong mangyari.
No'ng sinabi ko na isa sa mga pangarap ko ang maging katulong. Natuwa pa siya at sinabing tuparin ko ito, which is gagawin ko nga. Wala naman kasing masama sa pagiging katulong, marangal pa nga ito.
Nakakalungkot isipin na may mga tao pa ring nang mamaliit sa pagiging katulong. Hindi naman illegal ang trabaho na iyon. Pa'no na lang kung walang katulong? Sino ang maglilinis ng bahay ng mga tamad na amo? Magluluto? Mag-aasikaso at mag-alaga sa mga anak ng amo na dapat nilang gawin? Ang lahat ng iyon ay katulong ang gumagawa.
Kaya mahal na mahal ko at malaki ang pasasalamat ko sa kanila.
"Maraming salamat, Ma," emosyonal kong saad. Agad akong tumawa nang maramdaman ang pagtulo ng luha. Yumakap muli ako sa kan'ya. "Salamat po talaga."
"Mahal kita, eh," tugon niya habang nakayakap sa'kin. "Basta kapag nagkatrabaho ka ay h'wag masyadong magpapagod. Kumain ka sa tama at lagi kang tumawag sa'kin, lalo na kapag may problema ka." Tanging pag-tango ng ulo lamang ang aking naisasagot. "Alagaan mo ang sarili mo."
"Opo." Bumitaw ako at nginusuan si Mama. "Ma, amoy pawis ka po," pagbibiro ko. Nakatanggap naman ako ng kurot sa kan'ya na ikinatawa ko. "Mamimiss ko iyang amoy mo, Ma."
"Mamimiss ko naman iyang mukha mo." Hinaplos niya ang aking pisngi habang sinasabi iyon. Napapikit na lamang ako dahil sa ginawa niya. Nagdilat ako ng mga mata at tumayo nang tuwid. "Galingan mo sa trabaho mo, okay?"
"Syempre naman! Maghahanap din ako roon nang pwedeng mapangasawa baka sakaling yumaman ako." Nakatanggap muli ako ng kurot. "Aray!"
"Puro ka asawa. Magpayaman ka muna."
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman radiating sunny and happy-go-lucky vibes, was looking for a job in a village. Wandering around in the street with a bullet of sweat, she found herself staring at the mansion. Her body shivered, and he...