Chapter 36
"Totoo bang aalis na si Dylan?"
I was stunned when Rina came inside my office. I looked at her, then nodded my head. Kitang-kita sa mata niya ang lungkot at labis na pagtataka.
Dylan wants to go back to his real job. Sabi niya ay binabalak niya na talagang bumalik na at naghahanap na lang ng tamang tyempo para sabihin sa akin.
Sino ba naman ako para pigilan siya sa kagustuhan niya? Wala akong magagawa dahil buhay niya iyon at alam niya kung ano ang mas makakabuti sa kan'ya. All I need to do is to respect and accept his decision.
"Rina, napag-usapan natin ito..."
Hinawakan ko siya sa kaliwang balikat at binigyan siya ng ngiti. Tumango siya at gano'n pa rin ang mababasa sa mga mata niya.
"Pangarap niya ang pinag-uusapan dito."
"O-Oo, h-hindi ko lang talaga matanggap. Ilang taon na natin siyang nakasama." Pinunasan niya rin ang mga mata niya na namamamasa na. "Hindi ko pa rin matanggap iyong sinabi niya kagabi sa atin. At hindi ko inaasahan na ngayon na ang alis niya."
Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong-hininga at naupo sa may sofa na narito sa opisina.
I bit my lower lip when Rina started to sob in front of me. Pinigilan ko ang sariling maging emosyonal.
"Rina," pagtawag ko sa kan'ya at hinawakan ang kamay niya para ayaing maupo. Sumunod naman siya sa akin at isinandig ang ulo sa balikat ko nang maka-upo.
Last night, matapos ang trabaho namin ay kinausap kami ni Dylan na h'wag munang umuwi dahil may sasabihin daw ito. I already knew it, kaya hindi na ako nabigla. Ang tatlo ang nabigla at nang gabing iyon ay napuno ng pagtataka at katanungan.
Ang ipinagtataka rin nila kasama ako kung bakit iniwan niya ang trabaho niya para magtrabaho sa akin. Ilang taon siyang naghirap para lang maabot ang gusto niyang trabaho pero hindi niya naman sinabi ang dahilan kung bakit niya ito iniwan.
Why did he choose to stop working at his dream job? He's an attorney!
"We don't have choice, Rina," I said.
"I-Issa, baka naman pwede natin siyang kausapin." Sinulyapan ako ni Rina at parang nanghihingi ng tulong. Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko kaya naman tumingala ako. "'Di ba ilang years na siya sa atin..."
Tumango ako. "Hmm," ayon lamang ang naging sagot ko dahil pakiramdam ko ay mababasag na rin ang tinig ko.
Saksi si Dylan sa lahat ng paghihirap nitong shop. Isa siya sa tumulong para lumago ang shop. Narating ko ang lahat dahil sa tulong niya—nila.
"Kailangan na lang nating tanggapin ang desisyon niya," pinal kong sabi.
I planned to close the shop even for this day to throw some farewell parties for him. Hindi alam ni Dylan na may magaganap na party para sa kaniya. I'm sure magugulat siya.
The venue is on the rooftop of the shop, kaya naman malamig na gabi ang sumalubong sa amin. Dito rin kami nag-celebrate ng girls nong buksan ko ang shop.
Rina and I fixed the rooftop, we put a wooden table and chairs. I also put some fairy lights on the railings and to the plants. May pa-balloon din kami. At habang ginagawa namin ito ay hindi ko maiwasan na hindi malunggkot.
"Sana magustuhan niya ito," Rina said while looking around.
"He will," I said.
Lumapit ako kay Rina para tumabi sa kan'ya. Gamit ang isang kamay ay ibinalot ko ito sa bewang niya at isinandig ang ulo sa isa niyang balikat. Sa ganoong posisyon ko pinagmasdan ang rooftop.
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman radiating sunny and happy-go-lucky vibes, was looking for a job in a village. Wandering around in the street with a bullet of sweat, she found herself staring at the mansion. Her body shivered, and he...