Chapter 30
"Ma, nandito na po ako!"
Hinihingal akong pumasok sa loob ng bahay habang iginagala ang mata para hanapin si Mama. Namalengke lang ako nawala na siya. Saan naman kaya siya nagpunta?
Dinala ko sa kusina ang mga binili at umakyat sa taas para roon maghanap kay Mama.
"Ma, nasaan ka po?"
Pinunas ko ang ilang pawis na namuo sa noo. Ibinagsak ko ang sarili sa kama at ipinikit ang mga mata para magpahinga. Napagod lang ako kakahanap kay Mama. Umalis nga talaga siya. Ang init-init nakuha niya pang-gumala.
Klinaro ko ang isipan at hinayaan ang sariling magpahinga nang saglit. Idinilat ko ang mga mata at tumingin sa may kisame. Napangiti ako nang pumasok sa isipan ko ang balak. Kaya na-eexcite ako na sabihin ito kay Mama.
Bumaba ako nang marinig ang ingay ni Mama sa ibaba. Nakita ko siyang may dala-dalang isang plastic ng puto, puto?
Lumapit ako sa kan'ya at kinuha sa kamay niya ang hawak na plastik. Nagtaka pa nga si Mama pero hindi ko na lamang pinansin at kumagat sa kinuha kong puto.
"Ma, anlayo naman po ng pinagbilihan niyo nito," pagtukoy ko sa puto. Naupo siya sa may sofa kaya naupo na rin ako at inilapag ang plastic sa may maliit na lamesa. "Bumili ka lang naman po pala nito. Kanina pa kasi kita hinahanap."
"Na-miss ko lang kumain ng puto kaya umalis ako saglit." Kinindatan niya ako sabay kagat sa putong hawak. Ngumunguya siyang tumingin sa'kin at nilunok muna ang kinakain bago magsalita. "May kailangan ka ba at hinahanap mo ako?"
Umiling ako. "Wala naman po."
"Nagniningning mga mata mo," aniya at tinuro pa ang mga mata ko. "Bakit? May napupusuan ka na ba? Sabihin mo naman sa'kin." Sumilay ang ngiti ni Mama. Napupusuan? Palabiro talaga si Mama.
Mahinang tumawa ako at huminga nang malalim bago tumingin kay Mama. Patuloy pa rin siya sa pagkain ng puto at inaantay na lamang ako. Mas lumawak ang pag-ngiti ko dahil sa sayang nadarama. Hindi ko talaga alam kung bakit ako natutuwa.
"Ma, gusto ko po sanang magtayo ng Flower Shop," nakangiti kong sabi. May halong kilig ang nadarama ko habang iniisip ang mga mangyayari. Nakaka-excite! Wala pa man ay todo na ang kaligayahan ko. "Miski maliit lang po na Shop."
Nawala ang ngiti ko nang makita si Mama na maging emosyonal. Hindi niya ba nagustuhan ang gusto ko kaya gan'yan na lang ang reaksyon niya? Pinahid niya ang mga luha bago tumingin sa'kin.
"Ma? Ano pong problema?" Tumabi ako sa kan'ya at hinawakan ang mga kamay niya. "Hindi niyo po ba nagustuhan ang naisip ko?" Umiling siya at suminghot pa. "Ma?"
"Masaya lang naman ako," umiiyak na sabi niya. Natigil ako at napatingin sa kan'ya. Siya na mismo ang humigpit sa kamay naming magkahawak. "Sobrang saya ko dahil ginagawa mo ang mga gusto mo. Sobrang saya ko dahil nakita ko ang mga kinang sa mga mata mo. Sobrang saya ko, Issay."
Pinangiliran ako ng luha at nakagat ang ibabang labi. Hindi ko inaakalang gano'n ang magiging reaksyon ni Mama. Ang akala ko ay hindi niya nagustuhan ang nais ko. Sinapo ni Mama ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang tumutulo.
"Pasensiya na talaga, pinaiyak pa kita. Tumahan ka na," mahinahon niyang sabi habang patuloy na pinupunasan ang pisngi ko. Pero walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. "Naluha lamang ako dahil hindi ko inaasahan na magsasabi ka sa'kin. Napansin ko kasing ayaw mong ipagsabi ang nasa isip mo."
Pasensiya, Mama. Hindi ko kayang sabihin sa'yo ang nangyari sa'kin.
Ilang beses kong tinangka na sabihin kay Mama pero pinangungunahan ako ng takot. Natatakot ako. Sobrang natatakot. Kaya mas pinili ko na lamang na kimkimin at 'wag nang ipagsabi kanino man, lalo na kay Mama.
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
RomansaMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman radiating sunny and happy-go-lucky vibes, was looking for a job in a village. Wandering around in the street with a bullet of sweat, she found herself staring at the mansion. Her body shivered, and he...