Chapter 9

230 9 2
                                    

Chapter 9

Ipinatong ko ang baba sa kamay na nasa bukas na bintana. Nasa labas ang tingin ko, pinapanood ang nadadaanan na tanawin.

Ang malamig na simoy ng hangin ay tumatama sa balat ko. Hindi rin mainit ang panahon ngayon. Ang asul na langit ay puno ng ulap at ang sarap pagmasdan.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Simula nang makasakay amo ay hindi na ako nagtanong pa. Gustuhin ko man tanungin ito, pinangungunahan ako ng kaba.

Hindi ako makapaniwala na lalabas kaming dalawa ni Adam. At sa mismong birthday ko pa!

Palihim akong nagnanakaw ng tingin sa kaniya. Ang gwapo niya talaga!Sinilip ko muli siya, nasa harap ng kalsada na ang pokus niya. Seryosong-seryoso ang mukha niya.

Pinagmasdan ko ang mata niya, iyong pilikmata na mahaba. Pababa kong tinignan ang kan'yang matangos na ilong hanggang sa tumigil ako sa tungki nito.

Kinagat ko ang loob ng pisngi nang maisip na tumatama ang tungki ng ilong ko sa tungki ng ilong niya.

Umiling-iling ako para mawala ito.

Ano ba itong iniisip ko!

Mangarap ka lang, Issabela! Sa kakangarap mo kay Adam, mas malaking sakit ang matatamo mo!

Nalungkot ako sa isipin na iyon. Dapat nga talaga itigil ko na ang pagpapangarap na suklian niya rin ang pagmamahal ko. Na ang kagaya niyang prinsipe ay hindi babagay sa akin.

Tinuloy ko ang pagsulyap sa kaniya. Tumigil ang mata ko sa mapula nitong labi. Araw-araw na nakalapat at hindi mo man lang makitaan ng ngiti. Ang unang beses kong .akita ang ngiti niya ay ang tawagin ko ang pangalan niya, ayon na rin siguro ang huling beses na makikita ko ito.

Siguro papatapusin ko muna itong kaarawan ko. Papatapusin ko muna itong araw na ito, saka ako titigil sa kakapangarap kay Sir.

Ititigil ko na ang pagkagusto ko sa kan'ya kapag umabot na ng alas dose ng gabi. Grabe parang Prinsesa ang lagay ko. Pero seryoso! Magsasaya muna ako, lalabisin ko na ang araw na ito habang kasama siya.

"Adam," wala sa sariling na sambit ko.

Halos tumalsik ako sa harapan dahil sa biglaang preno niya. Mabuti na lamang ay may nakakabit na seat belt sakin. Mamamatay pa ata ako ng maaga dahil sa kan'ya. Mabuti ay walang sasakyan sa likod namin kun'di para kaming pirat na lata.

"Shit" mahinang sabi niya.

Kinagat ko ang ibabang labi matapos makita ang kan'yang itsura. Napaka-seryoso niya kung makatingin, tila mangangain.

Kinutkot ko ang kuko dahil may mga dumi na nakatago. Nakalimutan kong linisin!

"Why? Do you need anything?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Umiling ako. "Wala lang. Gusto ko lang sambitin ang pangalan mo."

Ipinatong niya ang isang kamay sa upuan ko kaya napalingon ako rito. Anong balak niya? Kinakabahan ko siyang tinignan. Wala pa ring nagbago sa kan'yang reaksyon, seryoso pa rin.

Natatamaan ng sinag ng araw ang kalahati niyang mukha dahilan para mas kumintab ang balat niya. Napalunok ako dahil sa tensyon.

"I'm your boss, Issabela, right?"

Nagtataka ko siyang tinignan dahil sa tanong nito. Tumango na lamang ako. Siya ang amo ko alangan naman may iba pa.

"Good!"

"Bakit po?" nagtataka kong tanong.

"You need to follow anything I want to..."

Kinabahan naman ako. Ramdam ko na rin ang pawis na namumuo sa noo ko. Magiging oily pa ako!

Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon