TW: violence, blood.
Chapter 22
Nanghihina man ay sinikap kong tumakbo papalayo sa kwartong pinanggalingan ko. I ran as fast as I can.
Nakahawak din ako sa ulo ko na kumikirot na. Ang aking mga mata ay nanlalabo na rin dahil sa patuloy na pagluha. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang tumakbo dahil ilang beses na akong natumba. Pero nagpatuloy lamang ako dahil gustong-gusto ko nang umalis dito.
"T-tulong," umiiyak kong saad, bakas ang panghihina.
Natigil ako sa mismong hagdanan at nasapo ko ang noo matapos makita ang bababaan. Parang gumagalaw ang mga ito sa paningin ko.
Humawak ako sa hawakan para kumuha ng alalay. Mas lalo akong naluha dahil ang bagal kong kumilos. Kinakain ako ng nerbyos!
"T-Tulong."
Sa bawat ginagawa kong paghakbang ay inililingon ko rin ang aking ulo sa itaas para silipin kung sumusunod ba si Zach. Nababaliw na ako!
Nanghihina na rin ang aking mga tuhod at mas kumikirot ang aking ulo dahil sa ginagawa. Napapadaing na lamang ako sa sakit.
Mahigpit akong napakapit sa hawakan nang muntikan na akong mahulog. Nagpatuloy na lamang muli ako at para akong binunutan ng tinik sa dibdib dahil nakababa na ako.
"K-kalma."
Pinunasan ko ang pisngi. Napatingin ako sa itaas nang may marinig akong ingay. Mukhang si Zach na ito! Naging aligaga ako. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa anino ni Zach na kita sa dingding.
"Z-zach."
Agad akong kumilos at hinanap agad ang pintuan. Kagat ko ang ibabang labi at pilit pinipigilan ang daing matapos may matapakan sa sahig.
Napatingin ako rito at nagkalat ang mga bubog na nasanggi ko kanina bago kami umakyat. Tumingkayad na lamang ako at hindi pinansin ang paa sa pagdugo.
Mabuti na lamang at hindi ako nahirapan sa pagbukas ng pinto pati ng gate kaya nakalabas agad ako. Luminga-linga ako dahil tahimik na ang paligid at patay na ang mga ilaw sa bawat bahay.
Pinunasan ko ang mga luha at agad na tinungo ang bahay ni Jinoh. Alam kong late na pero siya lang ang alam kong makakatulong sa'kin ngayon.
Ilang beses kong bukam-bibig si Adam habang nasa kwarto ako kasama si Zach at umaasang babalikan niya ako. Pero hindi! Malabong bumalik ito. Kung kanina nga ay pilit kong kinukuha ang atensyon niya para lang hindi ito umalis. Ang tanga ko para isipin na hindi siya aalis at iiwan ako mag-isa kasama si Zach.
"J-Jinoh," pilit kong nilalakasan ang boses. Ilang beses na rin akong kumatok-katok habang nag-d-doorbell. "Jinoh! Tulong!" umiiyak kong sigaw. "J-Jinoh!"
"I-Issabela?"
Halos matumba ako dahil sa biglaang pagbukas ng gate. Nakita ko si Fiorella at nang makita niya ang itsura ko ay mabilis siyang lumapit sa akin. Bakas sa kaniya ang takot at pag-alala.
Mas lumakas ang iyak ko dahil ligtas na ako.
"Issabela, tell me what happened. Bakit ang daming dugo?" she asked in her sweet voice. Naluluha na rin siya habang mahigpit ang yakap sa akin at parehong nakaupo sa sahig. "Bakit ganito? Natatakot ako, Issabela..."
"Okay lang ako..." mahina kong sabi.
"No, you are not," mariin niyang sabi. "Sinong may gawa nito sa'yo? Wala siyang puso!"
Paulit-ulit niyang hinahalikan ang ulo ko habang umiiyak ako. Sinusubukan niya akong patahanin.
"J-Jinoh! Labas ka, please!"
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman radiating sunny and happy-go-lucky vibes, was looking for a job in a village. Wandering around in the street with a bullet of sweat, she found herself staring at the mansion. Her body shivered, and he...