Chapter 24
"Merry Christmas, Tita!"
Nakangiting sinalubong kami ni Mama sa harapan ng bahay. Excited sa pagdating namin ni Anna.
Suminghap ako ng hangin at gumanti nang malapad na ngiti. Agad kong sinalubong nang mahigpit na yakap si Mama na agad niyang ginantihan.
"Maligayang Pasko rin, Anna," aniya ng makabitaw sa'kin.
Kinagat ko ang ibabang labi matapos makita ang ginagawa ni Mama. Tila may sinisilip siya sa likuran namin.
"Kayo lang? Kayo lang talagang dalawa?"
Hindi ko kung paano sasabihin sa kan'ya na hindi makakasama si Adam. Nagtaas ako ng tingin at tila nag-aantay si Mama na sabihin ko kung bakit wala ang tinutukoy niya. Nababasa ko sa mga mata ni Mama ang kuryusidad.
Bago pa man ako magsalita ay ipinulupot ni Anna ang kamay niya sa akin. Tinignan ko siya, naninigurado ang mga tingin niya. Bumaling ang mga tingin niya kay Mama na agad kong sinundan.
"Tita! Namiss ko kayo!" Bumitaw siya sa akin at agad na yumakap kay Mama. "Grabe! Mas lalo kang nagiging bata, Tita. Anong sikreto mo?"
Tinawanan lamang siya ni Mama at sinamahan pa nang mahinang paghampas sa braso.
"Aray! Si Tita talaga!"
"Nako, Anna. Hindi mo pwedeng malaman ang sikreto ko!" Ngumuso si Mama at inismiran si Anna, pabiro. "Kasi sikreto nga."
Nakangiti ko silang pinagmasdan habang nag-uusap. Alam kong ginawa lamang iyon ni Anna para mabaling ang atensyon ni Mama. Hindi ko pa sinasabi sa kan'ya na hindi na ako nagtatrabaho kay Adam. Natatakot ako dahil baka kung anong matanong ni Mama at umabot sa dahilan ng pagreretiro ko bilang katulong.
Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanila ang ginawa sa akin. Natatakot ako! Alam kong maiintindihan ako ni Mama.
Siguro kapag wala na talagang kawala at kailangan nang sabihin sa kan'ya, pero hindi lahat sasabihin ko.
Nabalik ako sa sarili ng pumitik si Anna sa mismong mukha ko. Ilang beses akong kumurap bago umatras. Huminga ako nang malalim at nakangiting tumingin kay Anna.
"Ayos ka lang?" pagtatanong niya habang naghihiwa ng mga gulay. Nasa kusina kami ngayon para magluto para sa noche buena mamaya. "Kanina pa kita tinatawag pero wala kang ginagawa kundi ang patuloy na mag-chop-chop niyang sibuyas."
"Pasensiya ka na." Napahilamos ako sa mukha na agad kong pinagsisihan. "'Yong mata ko!! Aray! Ang hapdi!"
Luminga-linga ako habang nakapikit ang mga mata.
"Issa!" rinig kong sigaw ni Anna. Iginalaw-galaw ko ang mga kamay para hanapin siya. "Nandito ako! Nandito ako!" aniya at mahigpit ang pagkakahawak sa'kin. Umaaray lamang ako dahil mahapdi ang mga mata ko. "Dito ang gripo! Bilisan mo't maghilamos."
Kumapa-kapa ako hanggang sa mahawakan ang gripo at buksan ito. Ipinagdikit ko ang dalawang palad para mag-ipon ng tubig.
Nang sapat na ang naipon ay saka ko ipinanghihilamos sa mukha. Gumaan ang pakiramdam ko matapos iyon.
Inabutan ako ni Anna ng malinis na pamunas at agad kong ipinunas sa basang mukha.
"Salamat," saad ko habang patuloy na tinutuyo ang mukha. "Ano bang nangyayari sa akin at wala ako sa sarili?"
"Oo nga! Ano bang nangyayari sa'yong bruhilda ka!" Nagtuloy sa kan'yang ginagawa si Anna. "Kanina natatakot ako sa ginagawa mo dahil chop-chop ka nang chop-chop. Mamaya masama sa niluluto natin iyang mga daliri mo." Umakto pa siya na parang nandidiri.
![](https://img.wattpad.com/cover/224522598-288-k967307.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman with a bubbly and happy-go-lucky attitude, became independent as she wanted to look for a job. Not until she found herself staring at the dark mansion in one village. Her eyes widened and her body shi...