Silver Club
"Sofia, come on! Isang beses lang." pagpipilit nila Andrea. Napakagat labi ako bago lumingon sa kanila.
"I-I'm sorry, ayokong sumama pero ayokong biguin ko kayo." nahihiyang usal ko. Napangiti naman sila. Hindi ko alam ang gagawin, wala akong matanggihan kahit na sino.
"Tama! Kahit manlang bago tayo mag-graduate magkaroon ka na ng boyfriend." usal naman ni Hailey.
Ang sabi sakin ni Mom, huwag akong gumawa ng mga kabalastugan. Tiningnan ko sila, si Andrea ay inaakit ako na pumunta sa jamming na sinasabi nila, kasama niya si Hailey at Tess.
"Pero mapapagalitan ako kay—"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan nila ang tenga nila at umiling.
"Hep hep! Isang beses lang Sof, ano ba? College ka na tapos kontrol kontrol ka ng Mom mo?! You're not a child anymore!"anang Tess na pinipilit ako.
Nandito kami sa locker room at katatapos ng huling period namin sa umaga. Napabuntong hininga ako bago tumingin sa kanila. Sa totoo lang hindi ko sila kaibigan, mga blockmates ko sila and I don't know what's their purpose here. Bakit ako? Marami namang pwedeng ayain diyan.
"Pero—"
"Tomorrow night, 9 PM sharp in Silver Club. Kung wala ka, hahanapin namin ang address mo." anila at rumampang umalis na.
Napabuntong hininga ako. "What's that?" nalilito ako bakit ako sa dinami-daming tao rito. I don't do dates because I have no boyfriend. At mas lalong walang jamming because I don't have any real friends.
"Ah, Sof, pakopya naman sa isang chapter ng thesis mo, nakalimutan ko kasi yung ibang statement doon e." pakiusap ng isang classmate ko sa isang minor subject ko. Last class ko na 'to tapos mamayang alas tres magtra-trabaho na ako.
"O-okay." mahinang bulong ko bago ilahad sa kaniya ang kailangan. Nagmadali pa niyang kinuha ito at umalis sa tabi ko.
Everyone always treats me like this. Kahit isang thank you manlang wala akong narinig. Pero that's okay, I understand na ganito na talaga ang mga tao ngayon.
"Heto, sa uulitin." aniya ng matapos ang ginawa. Sinauli niya sakin ang thesis ko na halos may mga punit na. Pinigilan kong huwag magalit dahil hindi ako sanay magalit sa iba. Bumuntong hininga ako bago tinapos ulit iyon dahil ipapass ko na iyon bukas.
"You can do it Sof, malapit ka nang mag-graduate." bulong ko sa sarili ko ng matapos ang klase.
Dumiretso na ako sa kotse ko at bago ako nagmaneho ay nabasa ko ang text sa akin nila Andrea, hindi ko alam kung paano nila nakuha ang numero ko.
We'll wait for you tomorrow's night ha? Be there, blind dates are open.
Kung pupunta ba ako doon mapapagalitan ako kay Mommy? Hindi ko alam. Kapag boyfriend ba magagalit siya? Hindi naman siguro,naisip ko si Flix. Sabagay, ibang kaso sa kaniya, iba ang boyfriend sa kasal.
Ng makarating ako sa Condo ay kumain muna ako bago nag-ayos sa sarili. Hindi na ako nag-atubiling magsuot ng magara. Simple blue dress lang at wedge heels. Magu-uniporme nalang ako mamaya.
Pumanhik sa ako sa Mall para magtrabaho at nagsimula na ang in ko. Nakangiti akong naga-ayos sa isang customer hanggang matapos.
"Si Ma'am Charlotte!!!"anang staff. Napatingin ako at nakita ko siya. Tama, si Charlotte nga. I remembered her noong high school pa sila ng Kuya ko, parating nasa bahay.
Pumunta kami sa entrance at sinalubong siya. "Hi Ma'am Charlotte!"bati namin. Ngumiti lang siya sa amin.
"Drop the Ma'am, just Charlotte." aniya ng nakangiti. Mabait parin, siya, ngunit halatang malikot ang bibig. Nagsimula na siyang maglakad kaya nagsimula narin ako, pero nagulat ako ng harapin niya ako.
BINABASA MO ANG
Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]
Romance[Vesalden Series#2] Marriage. Sofia Jade Primo Ralviego and Lawrence Flix Salvador is a perfect tandem for each other. Why? Because Lawrence Flix is the King of Casanovas while Sofia Jade is the Queen of Innocence. After signing the contract, Sofi...