Chapter 2

380 17 14
                                    

Anime Figures

"Incursion!" Tatsumi said before bursting out his power technique.

Nanonood ako ng anime dito sa unit pagkatapos mamili ng mga gamit kanina. Pero sa tingin ko kahit ilang beses ko pang ulitin ang episode eleven ng Akame Ga Kill ay wala parin akong maintindihan.

Hindi ko makalimutan ang nakasalamuha kong lalake kanina. I don't even know what's his name. He's so weird. At isa pa, sa mall talaga maghahanap ng bride? Ang bata pa naman niya kung titingnan tapos pag-aasawa na ang iisipin?

Ang mga kabataan talaga ngayon. Hayy. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago pinatay ang laptop ko. Kahit ata matapos ko itong pinapanood ko wala talagang magsi-sink in sa utak ko.

Naaalala ko ang mukha niya, may kung anong nakaukit doon na ako lang ang nakakakita.

"You're so creepy Sofia. He isn't your type." I whispered on my self after taking a bath to get ready on my job.

Ipapa-reschedule ko nalang siguro ang pasok ko sa trabaho kapag second sem na. Ngayon kasi ay wala akong major subjects at puro lang naman thesis ang pinapagawa kaya ayos lang naman sigurong mag-absent.

I'm wearing a sky-blue woman crop top fairy and blue faded ripped jeans paired with my cream white sandals. I braided my hair into a half mermaid tail and put a navy blue ribbon there. I put light make up and sprayed perfumes.

I love to be a fashionista that's why I'm doing it on my self. Kaya siguro gustong-gusto ko ang fashion. My dream is to build my own boutique and I'll hold some fashion shows.

Kinuha ko muna ang L.V bag ko bago ko sinara ang unit at dumiretso sa parking lot ng building para makapunta na sa trabaho.

"Nandoon pa kaya siya?"wala sa sariling tanong ko. Kinakabahan lang naman kasi ako baka gawin talaga niya akong asawa.

Ni hindi ko nga siya kilala at hindi ko siya gusto. Pakiramdam ko kasi mahilig siyang mag-paikot ng mga babae. Hinay hinay lang Sofia, gusto ko ng boyfriend pero hindi sa ganoong klase ng mga lalake.

Boys nowadays aren't loyal enough to stay at their girl's side.

I have still one hour bago ang in ko kaya balak ko munang kumain sa isang japanese resto. Huminga ako ng malalim ng makarating ako sa Mall at diretso sa floor kung saan nandoon ang Japanese Resto.

Ngumiti ako sa waiter bago tiningnan ang menu. Hindi pa kasi ako naglu-lunch.

"Hachioji Shoyu Ramen, Gyūdon and Japanese lemon shake please." I smiled again at the waiter. She nodded and obliged my order.

It feels so good to eat Japanese foods. I feel satisfied. I am in the middle of chewing the noodle when my eyes widened. That guy!

The transparent wall on this resto helped me to see what I want to see. Yung lalake may kahalikan!

"Eww, ano ba, kumakain ako tapos naglalaplapan pa." nakangiwing usal ko. Alam ko naman ang ginagawa nila, naghihigupan ng labi. Hindi naman sabaw.

Nag-iwas ako ng tingin. Kahit pala napaka-public ng lugar pumapatol parin siya. Siya na ba ang magiging bride niya?

"Nawalan na ako ng gana." respeto naman sana sa mga single diyan o.

Ng titigan ko ulit ang gawi nila ay nakapulupot na ang kamay nung lalake sa bewang nung babae. Tsumatsansing, mukha namang babaero.

"Kawawa ang magiging asawa nun." natatawang usal ko bago bayaran ang order ko at nagpakuha nalang ng tubig. Iisipin ko palang na naghihigupan sila ng mga labi ay parang ayoko naring higupin ang sabaw ng kinakain ko.

Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon