I fell
Another one week have passed. It's first week of February. Nakakatawang isipin na 'tsaka ko lamang nakikitang malapit sa akin si Flix kapag nalalasing siya tuwing umuuwi.
"Baka naman may dahilan? Paano kung nato-torpe lamang siya dahil takot siya sa prinsipyo niya na mawala nalang bigla dahil gusto ka na rin pala niya?"
Bumuntong hininga ako bago ni-arrange ang mga new report tasks ko. Nag-angat ako ng tingin kay Dynell sa harapan ng table ko. Nasa library kami at nag-aaral dahil break.
"Dynell, if he really does like me. Bakit parati siyang may kasamang iba?" may kung anong butas sa puso ko ng umpisahan na naman ang aming pinag-uusapan.
Bumuntong hininga si Dynell bago nilipat sa ibang pahina ang isang librong hawak hawak niya. "You told me he's giving you motives. He's a playboy right? A casanova?"
Tumango ako. "Well then, I suggest watch his actions. Boys weren't that fond of hidden things. Mapalambot niyo lang kami mahuhulog na kami sa bitag niyo.."
Kumunot ang noo ko doon. "Ha? Anong bitag? Dynell, hindi naman ako ganoon kasama para gumawa ng bitag." seryosong usal ko na ikina-angat niya ng tingin bago napakunot noo narin.
"Silly, not literally Sofia. I mean when you give us special treatment, we'll gave in easily. That's what I am talking about." he chuckled as he raffled my hair again.
"Pero totoo Dynell. Hindi ko siya maintindihan. You knew I am only new to this kind of situation. Pero required ba talagang magselos ka sa isang tao kung marami ka parin namang iba?" magulong tanong ko.
"Ha?" tanong niya. Huminga ako ng malalim.
"I mean, he told me he's jealous but days have passed he treated me like a wind. He always flirt around. Bakit pa niya sasabihing nagseselos siya kung may marami pa pala siyang kasamang ibang babae?" tanong ko.
"Not all boys are the way you think it is, Sofia. Minsan kailangan namin ng cover up para hindi masabi ang totoo."
"So you mean cover up niya yung mga babae niya? Dynell, girl aren't made for that cover ups. Kahit pa masama o mabait ang isang babae, she don't deserve to be treated like that." sabi ko. Tinaas naman niya ang dalawang kamay hudyat na talo na siya.
"Hey, be calm. God will give you lead. As for now just watch his actions, just don't caught off guard." aniya bago nagpatuloy sa binabasa. Tiningnan ko ang papel ko.
"Pero habang lumilipas ang araw na kasama ko siya..mas pagdagdag ng sakit na natatamo ko mula sa kaniya." bulong ko.
"Sofia.." nag-aalalang wika na niya. Kaagad akong nag-angat ng tingin at umiling sa kaniya. "Sorry, hindi ko lang mapigilan ang maging emotional.."
"Kasi naman eh, ang sakit sakit Dynell!" nangingilid na naman ang mga luha ko, tila nagsusumbong pa ako sa kaniya.
"Sofia, can I meet him?" seryosong tanong niya. Umiling kaagad ako bago pinunasan ang tulo ng luha ko. "H-he warned me not to t-tell it.."
"Anong klaseng asawa 'yan? Paano ba Sofia?! Nangangati akong sapakin siya!" nanggigigil na usal niya. Kinagat ko ang labi ko para sa pagpigil ng hikbi.
"Sa p-papel lang kami kasal Dynell...pero mahal ko na siya!" nagsusumbong sabi ko. Hindi na niya nakayanan at umalis sa harapan ko. Kaagad siyang tumabi sa inuupuan ko at pinaharap sa kaniya.
His face were full of care. Pinahid niya ang luha ko at sinapo ang mukha ko. "Kalma lang Sofia..just calm okay? Matatapos rin ang lahat ng 'to." he tried to smile.
![](https://img.wattpad.com/cover/255936071-288-k126657.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]
Romantik[Vesalden Series#2] Marriage. Sofia Jade Primo Ralviego and Lawrence Flix Salvador is a perfect tandem for each other. Why? Because Lawrence Flix is the King of Casanovas while Sofia Jade is the Queen of Innocence. After signing the contract, Sofi...