I want to go home
"Nasira ba yung kotse mo?" mahinang tanong sakin ni Flix habang nasa loob kami ng kaniyang sasakyan.
Hindi ako makatingin sa kaniya. Patuloy na nagpro-proseso parin sa utak ko ang nangyari. Tumingin ako sa ilabas ng bintana kung saan makikita parin ang lakas ng ulan kahit madilim.
"Oo," mahinang sambit ko bago niyakap ang sarili ko. Masyadong malamig, masyadong kakaiba, at masyadong nakakatakot. The thunderstorm and thunder were arguing against the night sky.
"May bagyo ba ngayon?!" naiinis na tanong ni Flix ng halos hindi na makita ang dinadaanan namin. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa amin sa daan.
"Flix, madidisgrasya tayo! Ayokong madisgrasya!" singhal ko sa kaniya ng ipagpatuloy parin niya ang pagmamaneho. Ngunit nanatili ang seryoso niyang mukha sa daan.
"Do you think I will let that happen to you?" seryosong sabi niya, nandoon na naman ang otoridad sa tinig niya. Napalunok ako, hindi dahil sa takot, dahil sa puso kong hindi matanggal ang mabilis na pagtibok.
Hindi ko siya maintindihan pero umaasa akong sana kalahati sa sinabi niya ay ang inaasahan kong marinig. Pero ayokong umasa, nakakasawa na.
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagtuunan ng pansin ang daan. Medyo madulas pa ang daan. Ayokong madisgrasya kami ni Flix dahil kawawa naman ang dalawang anghel namin.
"What?!" galit na singhal ni Flix sa receptionist ng isang pinakamalapit na Hotel. Mukhang natakot ang babae dahil medyo umatras siya.
"I'm sorry sir, but we don't have any VIP rooms right now, occupied na po sila dahil naabutan rin po ng bagyo. May available po pero hindi na siya VIP." nanginginig ang tinig niya ng sabihin niya iyon.
Flix runs his hand through his hair and put his one hand to his hips and sexily stared at me like he's asking for my permission.
"P-Pwede na," mahinang sagot ko. Wala na kaming choice dahil pareho kaming basa ni Flix. I don't want to get sick again. Napakasakitin ko pa naman.
"Fine, we'll take that. Where's the form?" Flix asked. Binigay naman ng babae iyon at nagsimula nang mag-fill up si Flix. Buti na lamang at required mabasa ang floor nila ngayon dahil sa bagyo.
"Mag-asawa?" tanong no'ng babae habang binabasa ang form. Obviously sinulat narin siguro ni Flix ang para sakin. I gulped. Hindi ko alam ang sasabihin kaya napatingin ako kay Flix na mataman na palang nakatingin sakin.
"Yes, so can you give me now the keys? My wife will get cold." anang Flix ng humarap sa receptionist na kaagad namang pumanhik.
Pakiramdam ko binagyo naman ang puso ko dahil hindi mapigil sa ingay at lukso nito. I missed him calling me his 'wife'. Hindi ko maiwasang maging emotional, pakiramdam ko kasi isang dekadang taon ang nakalipas noong narinig kong tawagin niya akong asawa niya sa publiko.
Sumunod ako kay Flix sa elevator. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa lamig. Napansin kong tinitigan ako ni Flix habang nasa loob kami ng elevator ngunit hindi ko siya pinansin. Pareho kaming basa kaya wala siyang magagawa.
Ramdam ko ang mabigat na talukap ng mga mata ko. Gusto ko nang magpahinga, pagod na pagod ako. Iniisip ko rin ang kambal ko. Sumandal ako sa dingding ng elevator. "You okay?" Flix asks in a casual tone.
Simpleng tango ang iginawad ko. Naiwan ko pa ang cellphone sa kotse,damn. Paano ko tatawagan ang mga anak ko? Mababaliw panigurado si Tess.
Ng makarating kami sa floor ay diretso kami sa room. Katulad ng sabi, maliit siya. Iisang kama, kasya pang-dalawahan. Malinis tingnan ngunit maliit talaga.
BINABASA MO ANG
Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]
Romance[Vesalden Series#2] Marriage. Sofia Jade Primo Ralviego and Lawrence Flix Salvador is a perfect tandem for each other. Why? Because Lawrence Flix is the King of Casanovas while Sofia Jade is the Queen of Innocence. After signing the contract, Sofi...