Chapter 50

302 5 0
                                    

Aisle


"Hindi parin ako makapaniwala! Bakit hindi mo sinabi?" umakto pang maiiyak si Yna sa akin.



Tumawa ako, nandito kami sa office ni Flix. Katatapos lang ng interview namin pero hinatid kami ni Flix ditong mag-iina sa office niya para makapagpahinga kami dahil may personal interview siya. At nang makita kami nila Yna habang papasok sa opisina niya ay nambulabog na sila.



"Sorry Yna, ayoko lang kasi na malaman muna ng karamihan." pagpapaliwanag ko, nandito kaming lahat nakaupo sa black leather couch. Ngumuso siya at nakigulo narin kay Cristie na panggigilan ang nahihiya kong anak sa sulok.



Napangiti ako ng may umubo. Ngayon ko lang napagtanto na nandito rin pala si Austin. Nahihiya siyang napakamot sa kaniyang ulo bago nagsalita.



"Sorry, I didn't know." aniya. Napahalakhak ako bago umiling sa kaniya. "It's okay. Hindi mo kasalanan."



Umiling siya at nag-iwas ng tingin. "Kaya pala ang sama ng loob sa 'kin ni sir Flix." bulong pa niya pero tinawanan ko siya dahilan ng pagtingin niya sa 'kin.



"You can't blame him." simpleng sabi ko. Ayoko namang sabihin na gusto ko talaga siyang iwasan dati kasi alam kong mainit talaga ang dugo ni Flix sa kaniya.




"I know, I know. Siguro kung mas pinili ko pang lapitan ka dati ng mas malapit pa sa pagtrato ko sayo noon, siguro tanggal na ako ngayon sa trabaho ko." aniya.




Nagkwentuhan pa kami doon at nagkaliwanagan. Si Zariah ay hindi ko na muling nakita, baka nahiya na iyon. Saka lamang sila umalis ng makatanggap sila ng tawag mula sa head nila. Naghintay kaming mag-iina rito hanggang dumating si Flix.




"Tired?" I smiled at him. Bumuntong hininga siya bago tumango at tumabi sa akin sa couch. Niyakap niya kaagad ako. "Yeah," simpleng sagot niya at siniksik ang mukha sa aking leeg.




"They are watching us," I told him.




"Hmm?" he lazily asked before realizing what I meant. Napatingin siya sa dalawang bata na nakahawak sa kanilang cellphone ngunit nakatingin sa amin.




"Oh! Come on!" Flix opened his arms and the two children chuckled. Kaagad silang tumayo at sumalampak kay Flix na tumatawa dahil halos madiin na siya sa likuran ng couch.




"Mommy! Join us!" ani Jayce at bigla akong hinila para madaganan narin si Flix. Nagsitawanan kaming lahat ng isahing hablot kami ni Flix para mayakap kaming tatlo.




"Gotcha!" he laughed while kissing our foreheads.




***



"Why? Why?! You are so crueeeel!" Tita Chesca said exaggeratedly. Napahalakhak kami ni Flix.




"You took four years to win her back eh?" biro ni Tito Leandro kay Flix na tumawa. "Absolutely dad,"




"I look like them!" ani Tita Chesca habang pinagmamasdan ang dalawa na nakaupo at pinagigitnaan nila ni Tito. Si ate Lilian at Jerem ay wala dahil sinundo si kuya Harris pauwi dito sa Pilipinas dahil nakarating sa kaniya ang balita na ikakasal ulit kami ni Flix after two weeks. Natawa ako sa isip, ka-pangalan pala niya iyong isang model na kasama noon ni Flix.




"Honey, I look like them more." pagtatalo niya sa asawa ng bigla siyang tingnan ni Tita Chesca ng matulis na ikinagulat ni Tito.




Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon