Chapter 47

304 9 0
                                    

Ina

"Mommy, gusto ko nang matulog.."

Naputol ang mataman na tingin sa amin ni Mom ng magmaktol ang bunso ko. Binitawan ko ang tingin ko kay mommy dahil pilit kong binuhat si Jayce. Nakakaawa ang mukha dahil gusto na talagang matulog.

Nagkatinginan pa kami ni Flix dahil siguro nakita kung paano ako medyo nahirapan sa pagbuhat kay Jayce. "Excuse us, p-po." simpleng sabi ko kay Mom.

Natigilan si mommy dahil sa huling salitang binanggit ko, ibinaba ko nalang ang tingin ko. Hindi ko alam kung bakit nahiya pa akong sabihin ang salitang mommy, pero ng maalala ko dati nang sabihin niya sakin na ipalaglag ang anak ko, parang nanlumo narin akong tumawag sa kaniya no'n.

Hindi na ako muling lumingon pa dahil bumalik nalang ako sa suite namin, narinig ko pa ang pagpaalam ni Flix kila Mom bago sila sumunod ni Flynn. Hindi mawala ang panibagong kaba na lumukob sa dibdib ko. Ng makapasok ako ay dumiretso na ako sa aming kama.

"Mom, sleep beside me okay? And daddy," aniya at ilang ulit na humikab, sakto namang lumapit narin sa kama ang dalawa. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Flix ng ibaba ko si Jayce. "Okay, baby. Kailangan mo nang matulog kasi pagod ka." paalala ko sa kaniya.

Nginitian niya ako bago humiga, "Mommy, sa gitna ka po namin ni kuya." aniya. Siya na mismo ang nagturo sa pwesto namin na pare-pareho naming sinang-ayuan, pati si Flynn ay nakikinig sa kapatid.

Kaya naman ang pwesto ay nasa kanan si Flynn, bago ako, tapos si Jayce ang nasa kaliwa ko, at ang nasa kaliwa naman ni Jayce ay si Flix. Kahit malamig ang buga ng aircon ay medyo masikip ang pakiramdam ko dahil ang dalawang bata ay bakapulupot sa akin, ng tingnan ko si Flix ay nakayakap kay Jayce ngunit nakatingin sa akin sa mapupungay na mata.

Nag-iwas ako ng tingin, sana naman ayos lang si ate Lilian ngayon. At isa pa, takot akong kausapin siya ngayon, tulog na ang mga bata, baka magbangayan ulit kami at magising namin sila. Tanging ang lampshade na lamang ang nakabukas ngayon.

"Wife," paos niyang bulong sa akin. Paglingon ko sa kaniya ay saktong pag-extend ng kaniyang mga kamay na nakayakap kay Jayce, dumiretso ito sa aking tiyan at doon pinanatili. Nahigit ang hininga ko sa ginawa niya. A simple touch from his skin makes me shiver suddenly.

Pumupungay ang mga mata habang hinahaplos ang aking tiyan na natatabunan ng makapal na comforter. Halata ang pagod sa kaniyang mga mata. "Matulog nalang tayo," sabi ko sa kaniya at iiwas pa sana ulit ng tingin ng magsalita siya.

"I'm sorry, okay?" aniya. I bit my lower lip as I tried to divert my gaze on him but I can't. It's like a magnetic force and I am being pulled by him. Nagtatama ang aming pumupungay na mata. Inangat niya ang kaniyang kamay at bahagyang hinaplos ang aking pisngi. And damn, it soothes me.

"Maybe we'll talk some another time," malamig na sabi ko sa kaniya ay kahit na ayaw ko ay iniwas ko ang mukha ko sa haplos niya at pinikit nalang ang mata ko. Narinig ko ang buntong hininga niya bago ako nakatulog.


Kinabukasan ay ramdam kong maaga pa ngunit nagising na ako, ramdam ko parin ang mga nakapulupot na kamay sa akin ng mga anak ko kaya unti-unti akong nagmulat ng mata. Tama nga, medyo madilim pa ang paligid dahil kita ko sa sliding window.


Hinaplos ko ang maliliit na kamay ni Jayce at Flynn na nakapatong sa aking kamay, napangiti ako bago sana tumagilid ng makita at maalala kong hindi lang pala kaming mag-iina ang naririto.



Namumungay at halatang kanina pa gising si Flix habang mataman na nakatingin sa amin. Damn, seeing him this way in the early of the morning makes my heart flutter. He smiled at bit.



Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon