Chapter 23

150 7 4
                                    

I love you, wife

"Eat more, wife." ani Flix habang patuloy na nilalagyan ang aking plato ng iba't-ibang pagkain.

"Ang dami niyan, Flix." mahinang reklamo ko dahil halos punuin niya ito. May isang plato pa ako na puro desserts lamang ang laman.

Nandito kami sa kanilang kusina dahil dito pinalagay ni Tita ang aming pagkain. Kinuha kanina ni Ate Lilian si Jeremiah ng pumasok, kasama si Kuya Harris, ang asawa niyang may lahing espanyol ngunit naninirahan sila sa Amerika.

Malaki ang kusina nila at matingkad ang kulay. Mula sa malawak at G-shape kitchen island at mula sa dining area. Mapapasabi ka nalang na elegante talaga sila. Ang babasaging lamesa, ang babasaging upuan, may candle light design pa ang mesa kahit na malakas naman ang mini-chandelier na nasa itaas.

"Fine, but eat all you can." aniya sa pinal na tinig. Nagkatinginan kami bago ako ngumiti at tumango.

Sabay kaming kumain kahit medyo hindi ako mapakali dahil palaging pinupunasan ni Flix ang gilid ng aking labi kapag nagkakaroon ng rumi ng juice o di kaya ay kalat ng icing. Sa tingin ko nga ay tutok lang siya sakin sa buong pagkain.

"Hindi ka naman masyadong kumain, baka magutom ka, Flix." sabi ko sa kaniya habang pinupunasan niya ang gilid ng aking labi. Tapos na akong kumain at nakatitig sa seryoso niyang mukha.

"Staring you is enough for me to be full," aniya na ikinapula na naman ng pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin ng madaplisan na naman ng kaniyang tingin ang aking mata na nasasabik sa mga matatamis na sinasabi niya.

"Uh, tayo na?" tanong ko sa kaniya. "Okay. Magpapaalam lang tayo sa kanila, then we'll go home." aniya at tumayo.

Tumayo narin ako at sumunod sa kaniya. "Manang, pakiayos nalang po ang hapag. Salamat." utos ni Flix sa isang katulong malapit sa amin. Ngumiti ito sa amin bago sinunod ang gusto ni Flix.

"Ako nalang sana, Flix. Ako ang maraming kinain diyan," usal ko bago hawakan ang hem ng suit niya. Napatingin siya doon bago inangat at tingin sa akin.

"It's fine, mabait naman si Manang. Let's just go home, baka traffic na sa daan." aniya. Bumuntong hininga ako bago tumango nalang.

"Mom, Dad. We'll go home now." ani Flix ng makarating kami sa kinaroroonan nila sa backyard.

"Iuuwi mo na kaagad Lawrence! Madaya ka talaga!" reklamo ng isang pinsan niya kaya napatingin kaagad kami sa kaniya. I smiled to her.

"Syempre, alangan naman iwanan ko dito yung asawa ko diba?" he asked playfully but the sarcasm were visible. Nagtawanan lang sila at binabansagang 'madamot' daw si Flix.

"Of course, ipagdadamot ko talaga siya dahil asawa ko siya. What's mine is mine and I own my wife so don't complain."

"O siya, mag-ingat kayo Sofia. Sana bumisita kayo next time, kapag bumalik na sa ibang bansa ang mga relatives namin para hindi masyadong maingay." ani Tita Chesca na ikinangiti ko. Tumingin ako kay Tito bago yumuko saglit.

"Salamat po sa inyo,"

Ng matapos kausapin saglit ni Flix ang magulang ay umalis na kami ni Flix kahit rinig ko ang hinaing ng mga relatives niya sa pagka-disapproval.

Buti naman at hindi masyadong traffic kaya easy easy lang kami sa daan. "I'm really sorry, Sofia. Maingay sila diba?"

"Masaya naman sila kasama," nakangiting sambit ko dahil naaalala ko kung paano sila masabik sa akin kanina. Felts heaven to feel like it's family. Pakiramdam ko nagkaroon ako bigla ng kumpleto at masayang pamilya na hindi naibigay ng kinagisnan kong pamilya.

Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon