Chapter 4

238 12 11
                                        

You made me scared

"H-ha?"

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Flix. Hindi ko ma-gets. He just heaved a heavy sigh before he carry me tightly.

"W-where are we going?"I asked him. I'm still leaning on his board chest. I can feel his heart beats fast.

"Iuuwi kita." madiin at matigas na sagot niya. I just shrugged. Palabas na kami sa club ng maramdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko kaya nagpumiglas ako kay Flix.

"Stay still wife, don't move yet." he demanded. Umiling ako bago tinampal ng magaan ang balikat niya. "I-I want to vomit!"

"Shit!"he cursed. Ang akala ko ay ibababa na niya ako ngunit hindi. Buhat buhat niya ako habang papalapit kami sa isang gilid malapit sa parking lot. Sa isang drainage. Inalalayan niya akong tumayo.

I never waste my time. I vomit. I felt he gathered my hair. Nahaluglog siguro kanina kaya may mga takas na.

"What have you done Sofia?" naco-conscious na tanong niya habang hinahaplos ang likod ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko hanggang maisuka ko na lahat. Pakiramdam ko nakakahiya dahil nasaksihan pa niya ang pagsuka at duwal ko.

"Tch, come now." aniya at nagulat ako ng ipulupot niya ang kamay niya sa waist ko. Hindi na ako nagsalita dahil pinasakay na niya ako sa kotse niya.

"Are you okay?"he calmly ask. I stared at him. Umiling ako. "I feel dizzy."

I heard he muttered a curse before getting a handkerchief from the small compartment. Tiningnan niya ako at humilig bahagya para punasan ang bibig ko.

Napatulala tuloy ako sa kaniya na seryoso ang mukha habang pinupunsan ang bibig ko. Hawak ng isang kamay niya ang panga ko, magaan ang pagkakahawak niya pero pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga. Bakit ba ganito?

Pero napaisip agad ako. Nakakahiya talaga sa kaniya, ilang beses ko pa lang siyang nakikita tapos siya pa ang makakasaksi at aalaga sakin ng ganito. But what can I say? I really feel comfortable when I'm with him.

"A-ako na." nag-iwas ako ng tingin bago kunin ang panyo. Narinig ko ang mabigat na paghinga niya bago lumayo sakin. Sa totoo lang ramdam ko ang hilo, at tama sakin ng alak. Napapakurap pa ako sa kawalan habang nakaupo rito sa frontseat.

"Drink this to help you sobber." nilingon ko siya dahil may inilahad siyang distilled water bottle galing dashboard niya. I instantly stared again on his eyes, I saw some glint ang spark on his eyes as he look at me. I can't understand it.

"S-salamat." mahinang usal ko bago kinuha iyon, medyo nanginig pa, siguro dahil sa kalasingan. Ininom ko kaagad iyon at halos walang matira.

"You told me you don't do dates right?"tanong niya ng biglang pinaandar niya ang kotse. Napatingin ako sa kaniya na seryoso ang tingin sa daan. Napakagat ako sa labi.

I'm searching the right answer. "I-I don't." tapat na sagot ko na ikinatigil niya. "Then why?"

Napatingin ako sa kaniya. Lumingon siya bahagya bago ibinalik sa daan ang tingin. "Anong why?" tanong ko.

"Why'd you rejected my date request?" he asked, that made me still. I bit my lower lip. Napatingin ako sa kaniya at seryoso parin ang tingin niya.

"I didn't mean to reject you. N-nauna kasi ang mga kaibigan ko na ayain ako para sa blind date." sinserong sagot ko. Bahagyang naapakan niya ang brake sakto sa free side ng isang daan na kung saan walang ibang makikita kung hindi ang mga mataas na puno.

"Kaibigan?" sarkastikong tanong niya at biglang humarap sakin ng may marahas na tingin bago ako sinuyod ng tingin mula ulo hanggang talampakan.

"With that kind of outfit?! Is it even called a blind date? For Pete's sake! It's clubbing Sofia!" he hissed. Nagitla ako dahil wala akong mahanap na isasagot sa biglaang pagsagot niya.

Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon