Grandchildren
Hindi ako nakagalaw hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa amin. Ang dalawang batang kasama ko ay mas sumiksik sa akin, pinapahiwatig na hindi kumbinsido, maliban nalang kay Flynn na medyo alanganin pa ang tingin.
Nagkatinginan kami ni Flix, ang namumula niyang mga mata ay unti-unting namamasa, may mensaheng sinasabi sa akin pero hindi ko maintindihan.
Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod.
"Flix!" agap ko kaagad lalo na ng ngumiti siya sa amin, pinasadahan ang tingin sa dalawang anak.
"Ako ang daddy niyo," he smiled.
"Your birthday wish has been granted, baby." tingin niya kay Jayce na nakatingin na sa ama. Hindi mawala-wala ang kaba sa aking dibdib lalo na ng iangat ni Jayce ang tingin sa akin gamit ang naiiyak at pumupungay na mga mata.
"H-He's my daddy y-yight?" her voice jumped because of her near cry. Napakagat ako sa aking labi, walang dahilan para tumanggi. Sa tindig at hitsura palang ay mapagkakamalan ng mag-aama talaga sila.
"He's your daddy Jayce," emosyonal na sagot ko sa anak ko. Mas namasa ang kaniyang mga mata. And before I could say anything, she let go of the hem of my dress and runs toward his father between a very near distance and hugs him suddenly.
Flix startled, nanatiling nakaluhod. Mas lalo lamang na hindi alam ni Flix ang gagawin ng bigla nalang humagulhol si Jayce ng napakalakas.
"Daddy..." paulit ulit na daing ni Jayce na para bang hindi kapani-paniwala na nandito na nga ang kaniyang ama. Flix bit his lower lip before hugging back his daughter. Binaon niya ang kaniyang mukha sa kanang balikat ng anak ko at niyakap ng mahigpit ngunit sapat naman para hindi masaktan si Jayce.
"Don't cry baby, hushh..." alu niya rito at bahagyang hinahaplos pa ang likod ng anak. Maya maya ay nag-angat siya ng tingin kay Flynn na nanatiling nanonood sa kanila.
Flix formed a little thin smile on his lips before handing his right hand to Flynn. "Son, will you hug your dad?" halata ang kaba ni Flix sa pagkakasabi niyon pero sa tingin ko ay tinapangan niya lamang ang kaniyang loob dahil mababasa mo sa kaniyang mga mata ang pagkasabik sa anak.
Unti-unting nagpatianod si Flynn, ilang hakbang bago tanggapin ang kamay ni Flix bago siya niyakap nito. Now, I am watching them hugging each other, in front of me. The longing of them are now visible dahil halata ang higpit sa yakapan nila.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko man aminin, hindi ko man inaasahan, masaya ako ngayon na nakita na nila si Flix. Even though I have the feeling that Flix will scold me later because of his glares at me. Masyadong matalim.
Kinuyom ko ang aking kamao dahil nangingilid ang mga luha ko. Siguro dahil naaapektuhan ako sa kanila. Habang nakatingin ako sa kanila, narealize kong. Swerte ako dahil dumating sila sa buhay ko. Naging komplikado man, at least alam kong may nagpapasaya parin sa akin.
"Will you hug your husband too? Wife,"
Bumalik ang diwa ko ng sabihin iyon ni Flix. Nakatingin na pala sila sa akin ng hindi ko namamalayan. Ang dating nakaluhod ay tumayo na, hawak ang kamay ni Flynn sa isang kamay dahil buhat niya si Jayce sa isa niyang kamay.
"H-Ha?" kabang tanong ko. Sa sobrang pag-ooverthink ko ay hindi ko man lang namalayan na sa akin na pala nakatutok ang atensyon nilang mag-aama. Tila tuloy nawalan ako ng pag-asang magsalita dahil halos mawalan na ako ng boses, idagdag pa ang nagbabagang tingin niya sa akin na tila may malaki nga akong kasalanan.
BINABASA MO ANG
Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]
Romance[Vesalden Series#2] Marriage. Sofia Jade Primo Ralviego and Lawrence Flix Salvador is a perfect tandem for each other. Why? Because Lawrence Flix is the King of Casanovas while Sofia Jade is the Queen of Innocence. After signing the contract, Sofi...