Hindi pa ako handa
"Hey, you're spacing out."
Hindi ko siya pinansin kahit alam kong kanina pa niya gustong makipag-usap sakin. "Sofia." the authority on his voice woke up.
"Ano?" walang kabuhay-buhay na tanong ko sa kaniya at inangat ang tingin ko. Mariing nakatingin sa akin, nakakrus ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Halos pareho na kaming hindi kibuin ang sariling pasta sa aming mesa.
"Masama ba ang pakiramdam mo dahil iniwan natin si Austin?" diretsuhang tanong niya. I heavily deep a sigh before trying to eat my pasta.
"No." of course! Ano nalang ang sasabihin niya at ng iba dahil sa eksenang ginawa mo kanina?
"Kilala kita Sofia. Alam mong kilalang kilala kita kaya alam kong may problema ka." he whines.
"Alam mo naman pala eh. Please lang Flix. Nananahimik na ako ngayon, huwag ka naman sanang magpakita nalang ng mga bagay na ikapagtataka ng mga kasamahan natin. At isa pa, palagi mo nalang pinag-iinitan si Austin!" bigla nalang akong tumayo at iniwan siya doon.
Pigil ko ang hininga ko ng makalabas ako. Pakiramdam ko iyon na yata ang pinakamasungit na converse ko kay Flix. Guilty ako dahil natututo narin akong sumagot sagot na hindi ko naman talaga pag-uugali. O dahil nga ba sa sitwasyon namin ngayon?
Na nahihirapan akong tanggapin na nasa kaniya ang lahat, kamit niya ang lahat, natupad niya ng maaga ang pangarap niya at may...Zariah na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit minamalisya ko silang dalawa pero mararamdaman mo talaga sa titigan nila eh. Hindi sa ayaw ko o nais kong ipagkait sa kaniya ang lahat ng mayroon sa kaniya ngayon, ang punto ko lamang ay sana, kung hindi nangyari ang sanhi ng lahat ng ito, buo sana kaming magpapamilya.
Habang ako...ako na mag-isang tumayong magulang sa mga anak namin—though ayos lang sakin dahil ako ang ina, pero hindi ko maiwasang malungkot dahil wala si Flix sa tabi naming mag-iina. Late kong naabot ang pangarap ko, late ako sa lahat ng bagay na nasa kaniya. At si Austin, hindi ko naman siya gusto. Isa lamang siyang katrabahuhan at kaibigan sakin. Habang kasal pa ako kay Flix, hinding-hindi ako maghahanap ng iba, at hinihiling ko na sana...huwag kaming ma-annul.
"Sofia," anang Flix na sumunod sa akin. Nasa labas na ako ng isang café na pinuntahan namin, naghihintay ng taxi.
"Huwag ngayon Flix, kailangan ko nang umalis dahil mamaya na ang alis natin." sabi ko ng hindi manlang lumilingon sa kaniya. Pinipigilan kong huwag nang magsalita pa dahil natatakot akong may masabi pa sa kaniya. I'm afraid to hurt him, I'm afraid to hurt my husband.
"Hey, hey!" pigil niya sakin ng pilit akong pumapara ng taxi ngunit winawaglit ko lamang ang kaniyang kamay na pilit hinahawakan ang aking papulsuhan para huwag pumara.
"Flix." banta ko ng simulan niya akong buhatin mula likuran ko. May napapatingin sa amin ngunit parang may sariling mundo si Flix. Baka mamaya magkalat nalang ito sa social media na ang isang sikat na negosyante ay nagbubuhat ng babae sa gilid ng kalsada.
"You're not riding a taxi." simpleng usal niya na ikinareklamo na naman ng kaloob-looban ko. "Please, put me down! Don't control me to what I want Flix."
Hindi parin niya ako binitawan hanggang makatapat kami sa sasakyan niya. "Put me down Flix! Or else—"
Ibinaba niya ako at tinitigan ako ng mataman sa mga mata. "Or else what Sofia? You'll hurt me again? You'll leave me again? You'll clung to someone else again? You'll make me jealous? Or you'll distance yourself from me?"
Natahimik ako ng mapansin ang kakaibang pamumula ng kaniyang mga mata. Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya. Aside from that, I felt pain inside me. Bakit nga ba hindi ko naisip na nasasaktan narin pala siya? O nasasaktan nga ba?
BINABASA MO ANG
Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]
Romance[Vesalden Series#2] Marriage. Sofia Jade Primo Ralviego and Lawrence Flix Salvador is a perfect tandem for each other. Why? Because Lawrence Flix is the King of Casanovas while Sofia Jade is the Queen of Innocence. After signing the contract, Sofi...