Chapter 19

162 11 0
                                    

Text

"Flix.."

Tumigil siya sa paglalakad ng makarating kami sa abandonadong bahaging gusali ng unibersidad. Binitawan niya ang kamay ko at nagpamaywang, tumingala ngunit nakatalikod siya sakin.

"I'm sorry. I can't help myself but to punch him." aniya sa mababang tinig. Huminga ako ng malalim bago siya humarap sa akin at tiningnan ang magiging reaksyon ko.

"Flix, mali naman yata na mag-away kayo dahil lang sakin. Nakakahiya." mahinahon na sabi ko. Nagtiim bagang siya.

"I don't mind fighting other when it's all about you, Sofia. Saang bahagi man ng mundo makikipag-away ako kung asawa ko yung nadadamay."

I want to smile at the same time to frown. Gusto kong ngumiti dahil napakasarap dinggin ang kaniyang sinabi ngunit ang makipag-away dahil lang sakin? Parang mali talaga.

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you, Flix. Pero magtataka ang karamihan kung bakit mag-asawa tayo. I mean it's rare to be arranged nowadays and we're still college."

Huminga siya ng malalim bago hawakan ang kamay ko. Tiningnan niya ang magkahawak na kamay namin.

"At isa pa, sabi mo huwag nating ibubunyag na mag-asawa tayo. Bakit sinabi mo?" I asked. Ngumuso siya.

"I don't care about paper anymore, Sofia. And I am proud to scream in the whole universe that you are my wife. I'm very proud to it." aniya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Tiningnan niya ako sa mga mata. "Flix, paano yung kontrata natin? Yung rules mo?" I asked. He caressed my hand.

"I don't care about it anymore, Sofia. Sinabi ko na sayo. Manatili ka nalang sa tabi ko." he smiled at me. Napalunok ako bago napayuko.

"Mawala man ang kontrata natin sa isa't-isa. Ang totoong kontrata natin Flix ay hindi na mawawala. Hanggang last week of March lang ang kasal natin." sabi ko. Iisipin palang na next month na iyon ay nanlulumo na ako.

Bakit parang napakabilis ng panahon? Pwede bang hilingin na mas habaan pa? I don't want to part ways with him, because I want to walk a milestones with him.

Wala siyang nasabi sa sinabi ko. Siguro napapaisip narin siya. Ayos lang naman sakin ang ganito. Ayos lang sakin na maging mabait si Flix sakin habang kasal pa kami sa papel. Ngayong nakuha na niya ang marriage certificate ay ayos na sakin.

Marriage certificate ngunit hindi naman pina-register. Is that even possible? Yes, sa kaniya. He don't really want to tie knots with me. He maybe kind and caring to me but he don't love me.

"Flix, kailangan niyong mag-usap ni Dynell. Ayokong masira ang pagiging magkaibigan niyo dahil lang sakin." tiningala ko siya na kagagaling sa malalim na pag-iisip.

He stared at me as if I said something wrong. "I have my friends, Sofia. Jethro, Denber and Charlotte. He's just a former neighbor to me." aniya kaya hindi ko naiwasang ngusuhan siya.

"Ang sama mo sa kaniya." sabi ko. Humalakhak siya bago haplusin ang pisngi ko. "I'm sorry, wife. I can't do that. Yes, he's a friend of mine but he stepped at my boundaries." aniya.

Huminga ako ng malalim. Trying to sink in the word he just said. "I'll try to talk to him, Flix. May kasalanan rin ako, kaibigan ko siya ngunit maraming kasinungalingan ang nasabi ko sa kaniya. And I'm.. I'm guilty to it." sabi ko bago nag-iwas ng tingin.

"Is that means, lalapit ka parin sa kaniya?" he asked, nagsusumamo ang boses na sana ay mag-hindi ang sagot ko. Tiningnan ko siya na puno ng kuryosidad ang mga mata.

Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon