Arrangement meeting
"M-mom, I'm still twenty-three, and you know my d-dream is to have a special marriage, Mom a-ayoko nang nasa papel lang ang k-kasal ko." kinakabahang sagot ko kay Mom.
Nagtangis ang bagang niya at tinitigan ako. Inilapag niya ang tasa sa round table bago ako titigan at hawakan sa kamay.
"Sofia, you need to do this. Solaire can't do anything because she have an illness. Kailangan mong gawin iyon habang maaga pa, Revalloz Corp will need you soon kaya kung maaari ay i-merge na natin ang kompanya." pagpaliwanag ni Mommy.
Natatakot ako, at nanghihinayang. Ayokong i-arrange. It's very cliché nowadays to be arranged pero sa mga may kaya sa buhay, kailangan. Umiling kaagad ako kay Mom.
"Mom, a-ayoko po, I promise I'll help the company pero ayoko pong ipakasal sa iba. Mom p-please.." nangingilid na ang luha ko pero tila wala lang siyang nakita.
Tumigas ang titig niya at binitawan ang kamay ko. Itinutok niya ang atensyon sa tv. "You have no choice Sofia. Naka-fill up na ako sa contract ko, kaya kung hindi ka sisipot bukas, maaaring pabagsakin nila ang kompanya ng Tito Warren mo. Ayaw mo naman sigurong i-breach of contract diba? Ayaw mo naman sigurong makulong ako at ang tito mo dahil doon right?"
Nanginig ako sa pangamba. Maraming pumapasok sa isip ko, katulad nalang, kapag pumayag ako, paano nalang kung masamang tao pala iyon? Paano kung makakawawa lang ako?
At paano naman kung tumanggi ako? Mom and Tito will be prisoned in case that happens, at baka mas lalong atakihin sa puso si Solaire.
As I languidly nodded to my Mom. Nangilid na ang luha ko, I know myself I don't stand any chances for my own self. Andami kong iisipin kapag mas pinili ko ang sarili ko.
Ngunit sa huli, mas pinili ko parin na tumulong sa kanila, kahit na ikinasira ng pangarap kong ikasal sa espesyal, mauuwi nalang sa papel.
Unti-unti kong nararamdaman na nalulunod ang sarili ko sa isang madilim na karagatan, malalim, wala akong makita at nanlalamig. Imposibleng may makahagilap sakin at tumulong dahil lunod na ako. Hirap na akong huminga, at hirap na akong mabuhay.
"Thank you Sofia! Kailangan kasi natin sakali ng sandalan in case, busy kami ng Tito mo kaya nag-advance na kami. Mas importante si Solaire sa lahat kaya ikaw muna ang bahala para mapagaling ang kapatid mo. Ang kabilang kompanya ay kailangan ang kompanya ng Tito mo, at ang Tito mo, kailangan din ang kompanyang iyon, kaya sayo ko nalang ibibigay at isasalalay ang lahat, pakasalan mo lang iyong unico hijo nila at magpakatali masasagip na ang kompanya."
I can't straightly look at my Mom's eyes. Ayokong masaktan siya sa iniisip ko, pero kasi, pakiramdam ko hindi anak ang turing niya sakin. Parang isang sandalan na sasagip sa mga problema niya.
Busy siya sa panonood habang sinasabi iyon, ni hindi nga niya makitang kanina pa tumutulo ang luha ko.
"No need naman na mabuntis ka, pero kung nagawa niya, nasa sa inyo na iyon. Titira kasi kayo sa iisang bahay. You have to follow your soon-to-be husband ha? Huwag kang lalabag dahil baka bitawan ang kompanya natin. Be a good girl."
"S-sure Mom, I'll do t-that." ni hindi na ako lumingon sa kaniya at nagtungo sa kwarto ko. Alam ko sa sarili kong sobra akong nasasaktan.
Matapos kong i-lock yung pintuan ng kwarto ko. My tears unconsciously streamed down from my eyes. Kanina ko pa gustong umiyak sa harapan ni Mommy at magmakaawa na ayoko sa binabalak niya.
But she made me think of her, Tito, Solaire, and the company. Ayokong makulong sila, ayokong mas lumala ang sakit ng kapatid ko, at ayoko ring bumagsak ang kompanya dahil lang sa pansarili kong kagustuhan.
BINABASA MO ANG
Love Under Marriage Contract [Vesalden Series#2]
Romance[Vesalden Series#2] Marriage. Sofia Jade Primo Ralviego and Lawrence Flix Salvador is a perfect tandem for each other. Why? Because Lawrence Flix is the King of Casanovas while Sofia Jade is the Queen of Innocence. After signing the contract, Sofi...