21

16 2 0
                                    

Patakbo kong tinahak ang distansya namin ni mommy. Nakaupo siya sa waiting area at nung makita ako ay agad itong tumayo para salubungin ako. 





"Nasaan si Lola? how is she?" Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat para pakalmahin "Is she okay?"





"She's in her room and doesn't worry about her she'll be alright" Bakas sa mga mata niya ang pagod na nararamdaman. Tangka akong tutungo sa kung nasaan si Lola pero pinigilan niya ako "Nasa kwarto ang mga Doctor, mamaya na" 





"Why? Bakit, ano ba ang nangyayare?" 





Hindi ko maiwasang hindi mag aalala. Ilang taon ko na siyang hindi nakikita at hindi na ganon kalakas ang katawan niya.





"She's under monitoring dahil may nadetect na brain tumor saknya" Nanghina ang tuhod ko dahil sa nalaman. Gusto kong maiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko.





"Bakit nagkaganito?" Napasabunot ako sa sarili kong buhok habang nag iisip ng pwedeng paraan para maligtas si lola. 





Hindi ko kayang mawala siya. She's my everything at hindi ko alam kung kakayanin ko kung pati siya ay kukuhain din saamin. Hindi niya pa ulit nakikita si Muriel!





"Where's Muriel by the way?" Napalingon ako kay mommy nung maupo siya sa tabi ko. 





"Iniwan ko muna kay Dad" Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at napansin kong wala pa itong pahinga base sa lukot lukot niyang damit. Kitang kita rin ang pagod at puyat sa eyebags nito "You must rest first. Ako na ang bahala dito" 





"Mabuti pa nga" Tumayo ito at sinukbit ang bag sa forearm niya "Babalik din ako mamaya" HIndi na ako nagsalita pa at tumango nalang. 





She kissed my forehead before she left me. Naiwan akong magisa doon habang inaantay ang pagdating ng Doctor. And it's been almost an hour pero wala paring balita

"Yvough"





Napaangat ako ng tingin sa pagkakayuko ng marinig ko ang boses ni Chad. Anong ginagawa ng isang ito dito? 





"What are you doing here?" Kunot noo kong tanong sakanya pero hindi siya umiik instead he sat down beside me kaya umusod ako ng konti. 





"How's Lola?" Malamig niyang pagkakatanong habang nakatitig saakin. Hindi ko siya nilingon at nanatili lang daretso ang tingin. 





Nakiki-Lola ang isang ito?





"She has a brain tumor" 



"My friend saw her at the street side kaya agad nilang tinatawa saakin iyon" Napalingon ako dahil sa sinabi niyang iyon and this time siya naman ang nag iwas ng tingin "I called your mom after at sabay namin siyang pinunatahan sa police station" 





"Bakit hindi agad sinabi saakin?" 





"We don't want you to worry and I just know nakabalik ka na pala" Kinalibutan ako ng marinig ko ang mapait niyang boses sa huling sinabi. 





Para namang tambol ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. I shouldn't feel this at the first place! 





Ilang minuto ring walang nagsalita saaming dalawa at natatanging ingay lang ay ang mga pabalik balik na mga nurse at pasyente sa palgid. 





"Kumain ka na ba?" 





Napairap ako dahil sa tanong niyang iyon. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka isipin niyang baliw ako. Really huh? 





Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon