"Yvough!" Napalingon ako sa tumawag saakin at agad ko itong kinawayan kahit hindi ko naman siya kilala.
Baka Yvough to. Natawa nalang ako sa naisip at umiling.
Lumapit naman ito saakin kahit na naglalakad na ako patungo sa gate. Bigla kasing nagkayayaan yung mga blockmates kong lumabas at sino banaman ako para hindi sumama?
"Single ka na ulit? Balita ko break na kayo ni Cole?" I secretly rolled my eyes. Daredaretso na akong naglakad at nilagpasan na siya. Sumunod naman ito na nagpainis lang saakin lalo.
Mga galawan natin brad pang makalumang tao.
"Paanong mag bebreak eh hindi naman naging kami nung manyakis na yon?" Plain kong sagot sakanya ng hindi siya nililingon. "Sige, alis na ako may lakad pa ako eh" Hindi ko inantay pa ang sagot niya at malalaki ang hakbang na nilayuan siya.
Wag ako, alam ko na yan.
Paglabas ko ng gate ay sakto namang may dumaang taxi kaya nakasakay agad ako.
"Oh anong problema mong babae ka?" Tanong ko kay Jariah nung tumawag siya saakin.
"Nasaan ka?" Parang nanay niyang tanong saakin kay napailing nalang ako.
Masyadong protective ang lola niyo.
Hindi naman ganon kalayo ang pinapasukan kong university sa condo kung saan ako nakatira kaya nakarating din agad ako.
"Pauwi na ako bakit ka ba napatawag?" Kumuha ako ng pera sa wallet ko at agad na binigay iyon kay Manong Driver. Susuklian pa sana aniya ako pero agad akong umiling "Keep the change nalang Manong" Tanggi ko nung aabutan niya ako ng dos.
Sabi nga ni Nally 'It's better to give than to receive kaya no'.
"Aba galante, may keep the change ka pang nalalaman" Asar niya pa saakin at napairap nalang ako sa kawalan. Akala ko ay binaba na niya.
"Oh ano nga ang problema mong animal ka?"
Binati pa ako ni Kuya guard at kinawayan ko nalang siya.
Famous ako eh
"Tumawag ang mother dear mo saakin, bakit daw hindi mo sinasagot ang tawag niya? chaka kung buhay ka pa daw ba?" Napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niyang iyon.
Bakit ba kasi pinapakialamanan niya pa yung buhya ko eh wala naman akong paki sakanya.
"Eh ano naman ang pakialam niya sa buhay ko?" Pagpasok ko ay agad akong naupo sa sofa para makapag pahinga.
Nastress ako sa history of fashion na pinagtuturo nung prof naming matandang dalaga na iyon. Ang tapang pa, porke wala siyang lovelife eh.
"Hindi mo padin ba kinakausap?" Bakas ang pagaalala sa boses niya ay napabuntong hininga nalang ako.
"Hindi. Hayaan mo nga siya sabihin mo pag tumawag ulit na inanod na ako ng dagat ng hindi na mangulet" Kunayreng birong sabi ko pero hindi ko na naiwasan ang pagiging sarkastiko.
"Ewan ko sayo! Ang dami mong nalalaman" Natawa ako. Tumayo ako at nag tungo sa kitchen area para sana uminom.
I'm so exhausted.
BINABASA MO ANG
Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)
General Fiction[COMPLETED] (ES#2) Yvough Maya is a living person, like the sea waves. She is full of hope because she believes that there will come a time when everything will be alright. All she wants is to have a good vibe wherever she is, especially when she's...