09

12 2 0
                                    

Walang nagsalita saaming apat hanggang sa makarating kami sa kwarto kung saan ako icoconfine. Isang beses pa akong napalingon kay Jariah pero nagkibit balikat lang siya saakin.



The heck is going on?



"Hoy bakit me ganyan?" Nataranta ako bigla nung makita ko ung karayom ng IV na inaayos ni Jariah.



"Wag ka ng maarte" Sagot niya saakin "Amina!" Walang ano ano niya namang kinuha yung braso ko.



"Hoy sanay ka ba niyan?" Para kong hihimatayin habang binaawi ko ang kamay ko sakanya.



"Anong sense ng pag-aaral ko kung hindi ako sanay?" Tanong niya saakin habang nanlalaki pa ang mata.



"Wala akong paki pero wag! Jariah maawa ka!" Halos maiyak na ako sa pagmamakaawa.



Hindi naman na nag salita si Jariah at kung ano ano nalang ang ginawa sa braso ko kesyo nilagyan ng tale at talaga namang kung makahampas sa likod ng palad ko ay ganon nalang



"May galit ka ba saken?! Jariah naman maawa ka!" Nakikita ko palang yung karayom ay nangingilo na ako what more pa kung ipasok na yan sa ugat ko.



Shet naman!!



"Oh, maawa ka daw" Natigilan naman ako nung biglang mag salita si Raine sa tabi ko. "Don't stress yourself, IV lang yan" Parang ganon lang kadali ang tinutukoy niya.



"Oh edi ikaw nalang" Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinuro iyon sakanya.



"Pilosopo" Inirapan pa niya ako at napailing nalang ako.



"Oh baka mag away nanaman kayo niyan" Awat ni Florence at talaga namang pumagitna pa na para bang mag aaway kami katulad nuon. "Maupo ka nga! Wag ka ng umarte, eh mas masakit pa nga ang ma devirginize kesa jan" Napalingon naman kaming tatlo sakanya at nagiwas nalang agad siya ng tingin ng narelaize ang sinabi.



"Naks naman! Hindi ka na virgin?" Asar ko sakanya at si Jariah ay umariba nanaman ng batok "Anong masama sa tanong ko?"



"Para kang inosente Yvough!"



"Well, I'm innocent" Nagkibit balikat pa ako bago ko ulit lingunin si Florence na pulang pula na ang pisngi "Masarap no? Sabi ko sayo eh!"



"Bunganga mo!" Saway sakin ni Jariah at natawa nalang ako.



"Puro ka ganyan baka nga maunahan mo pa akong magkaanak" Asar ko sakanya pero inirapan niya lang ako at nung lingunin ko si Raine ay umiiling lang siya saakin. "Anong ginagawa mo dito?"



"Sayong hospital 'to?" Balik niyang tanong saakin at gusto ko sana siyang bigwasan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi kami close.



We're over, you know.



"Yvough!" Tinaasan ko lang ng kilay si Florence at wala naman siyang nagawa kundi ang ilingan ako.



Walang nagsalita saaming apat at halos mawindang ang mundo ko ng dahan dahang itusok ni Jariah yung IV sa likod ng palad ko.



"Punyeta ka!!" Daing ko dahil talagang shet



"Easy" Proud niya pang pag-kakasabi at ako naman ay halos maiyak nalang dahil damang dama ko talaga yung nakapasak sa ugat ko. "Balik nalang ako mamaya" Nilingon niya naman si Florence at pinanlakihan ng mata



"Uwi na ako, may deadline nga pala ko bukas" Tinapik niya pa ang balikat ko at nataranta naman ako bigla nung sabay silang umalis.



Nang maiwan kami ni Raine sa loob ng kwarto ko ay wala na akong ibang ginawa kundi ang magbuntong hininga. Halos tunog nga lang ng aircon ang nagsisilbing ingay saaming dalawa.



Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon