It's been days since Chad knew about Muriel. At wala talaga siyang sinayang na panahon para bumawi kay Muriel sa mga taon nilang hindi nag kasama.
Mukha man akong kontrabida sa dalawa but I'm happy as long as Muriel is happy to with his dad.
Naalimpungatan ako at nagising sa isang phone call. Wala naman akong nagawa kundi ang bumangon at sagutin ang tawag na iyon ni Reese.
"What?" Antok pang bungad ko sakanya. Umayos ako ng upo at sumandal sa board ng kama.
"Ms. Yvough do you know about the issue? " Bakas sa boses nito ang pagkataranta at hindi ko na maiwasang hindi mag taka.
"About what?"
"Kumakalat ngayon sa social media ang murder case mo 5 years ago!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig.
"Paano nangyare iyon?!" Tumayo ako at nagpabalikbalik sa buong kwarto dahil sa sobrang pagkataranta. "Sabi saakin ni mommy binasura na iyon ah?" I run my fingers through my hair.
"May bagong ibidensya daw kasi"
" But still--"
"Good morning mommy!" Natigil ako sa pagsasalita at bapalingon ako sa pintuan ng biglang pumasok si Muriel. Kasunod naman nito si Chad na my dalang tray ng pagkain.
Siya ba ang nagbukas ulit ng kaso? Pero bakit? Akala ko ba okay na?
"I'll call you again" Malamig kong sabi habang masamang nakatingin kay Chad.
"Mommy you're awake" Umakyat si Muriel sa kama at nag tatalon doon. Agad ko naman siyang nilapitan dahil baka malaglag pa ito. "Daddy and I prepared a breakfast for you"
"Let's go uuwi na tayo" Kinarga ko siya at agad na ibinaba sa kama. Agad naman akong pinigilan ni Chad at nanglingunin ko siya ay bakas sa mukha nito ang gulat at pagkataranta.
"What are you doing?" Saglit niyang nilingon si Muriel ng nagsimula na itong umiyak.
"Daddy"
"Uuwi na tayo!" Buong pwersa kong binawi ang braso ko at nabitawan niya naman iyon.
Hindi ko alam kung tama bang pinagkatiwalaan ko siya ulit at bakit hindi ko agad naisip na baka pinaiikot niya lang ako para may makuhang impormasyon saakin. At ngayon hindi rin malabong kuhain niya saakin si Muriel but I'll make sure hinding hindi niya iyon magagawa.
"Yvough! Ano ba?" Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla siyang humarang doon at napapikit nalang ako dahil sa frustration na nararamdaman.
"Wala ka kasing sama!" Pinilit kong dumaan pero hindi iyon naging madali dahil pangko ko si Muriel. Ayoko namang mapahamak pa siya. "Let us go, Chad!" Sa galit ko ay naiyak nalang ako. "Alam mong wala na akong laban"
"Mommy why are you crying?"
"Hindi kayo aalis! Hindi ako papayag" At pilit niyang kinuha saakin si Muriel kaya hinigpitan ko amg yakap ko dito.
"Ano ba?!"
"Mommy, Daddy ouch" Parehas kaming natigilan dahil sa pagdaing na iyon ni Muriel. Patuloy lang ito sa pagiyak habang pinaglilipat ang tingin saaming dalawa "Why are you two fighting?"
BINABASA MO ANG
Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)
General Fiction[COMPLETED] (ES#2) Yvough Maya is a living person, like the sea waves. She is full of hope because she believes that there will come a time when everything will be alright. All she wants is to have a good vibe wherever she is, especially when she's...