"Kapag tayo napagalitan Yvough!" Inakmaan ko ng suntok si Zale nung nagsalita siya ng ke lakas lakas.
Dalawang araw na ang lumipas simula nung nangyare ang aksidenteng iyon at ngayon lang ako nag karoon ng chance para umalis ng mansion dahil wala si mommy at Tita Blench. Sakto namang kababalik ni Zale sa kung saan siya nanggaling.
"Manahimik ka jan!" Hindi ko na siya nilingon pa at inantabayan nalang ang susunod na gagawin ng kasambahay na kasama namin dito.
Sigurado naman akong nasabihan na ito ni mommy na wag akong palalabasin kaya walang sense kung magpapaalam ako sakanya.
"Wag lang akong madamay damay dito Yvough! Sinasabi ko sayo" Sabi niya pag-sakay ng driver seat.
"Just drive! Ang daming kuda. Bakla ka ba?"
"Gago!"
Hindi ko na siya pinansin at tinuon nalang ang pansin sa labas. Siya naman ay nagsimula ng magmaneho.
Hindi ko naman maiwasang hindi kabahan sa tuwing naiisip ko na papalapit kami ng papalapit kung nasaan yung taong binawian ko ng buhay. Nakakahiya man pero wala na akong pakialam sa sarili ko.
Simula din nung maalala ko iyon ay hindi na ako nakatulog dahil sa kada pag-pikit ko ay mukha niya ang nakikita ko.
I'm sorry. I whispered in my mind many times.
Para-akong kakapusin ng hininga nung nagparada si Zale. Parang gusto ko nalang umuwi dahil natatakot ako sa pwedeng mangyare. Natatakot ako sa pwede nilang isumbat saakin pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin iyon.
Iginala ko ang paningin ko pag-baba ko ng sasakayan at napansin kong konti lang ang sasakyan na nakaparada. Wala din akong halos ibang makitang tao bukod sa mga employee dito base sakanilang suot.
"Yvough" Nilingon ko si Zale at binigyan ko siya ng assurance smile, na kaya ko.
"Don't worry about me" Wala siyang ibang nagawa kundi ang tanguan ako. Naglakad naman na ako papasok habang siya ay nasagilid ko.
Pinagbuksan ako ni Zale ng pintuan at naluha nalang ako bigla ng bumungad saakin yung white coffin na punong puno ng mga bulaklak. Pinatatag ko naman ang sarili at agad na pinunasan ang luha ko.
Hindi ako makapaniwalang dahil sa aksidenteng iyon ay may isang buhay na nadamay.
Bilang lang ang nasa loob ng chapel kaya natawag namin ang atensyon nilang lahat.
"Sino yan?"
"Baka kaibigan ni Maisey"
Daredaretso lang akong naglakad patungo sa harapan. Hindi ko inalintan ang lakas ng tibok ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit. Naramdaman ko naman ang kamay ni Zale sa braso ko at hindi ko na iyon pinansin pa.
"What are you doing here?" Natigilan ako sa kinatatayuan ko ng mabosesan ko iyon. Dahan dahan akong lumingon at sinalubong niya naman ako ng panlilisik ng mata.
"Chad"
"Yvough" He whispered pero sapat na iyon para marinig ko.
How small our world it is?
"Chad" Narinig ko pang sabi ni Zale sa gilid ko na para bang hindi na siya nagulat sa nakita.
BINABASA MO ANG
Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)
Ficción General[COMPLETED] (ES#2) Yvough Maya is a living person, like the sea waves. She is full of hope because she believes that there will come a time when everything will be alright. All she wants is to have a good vibe wherever she is, especially when she's...