Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng ingay ng cellphone ni Chad. Babangon na sana ako ng naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko. Nang makita ko kung ano iyon ay napanguso nalang ako.
Dahan dahan ko iyon inaangat ng saganon ay makawala ako. Narinig ko pa ang pag ungol niya na nagpailing saakin.
Gosh bakit ang init?
"Chad naman eh" Reklamo ko ng muli niyang iyakap saakin ang braso niya "Come on, someone is calling!"
Nilingon ko siya at nanatili parin siyang nakapikit. Umikot ako paharap sakanya at walang pagaalinlangang kinurot ang pisngi niya.
"Yvough!" He said in horse tone.
Napatili ako ng bigla niyang kinulong ang magkabila kong pulsuhan gamit ang kanyang palad sa ulunan ko.
"Lumalakas loob mo ah" Nakangisi kong sabi sakanya ng daganan niya ako. Nagkibit balikat ito at ngumisi din "Answer your phone, nakakarindi na"
Pinakawalan niya ako at ako naman ay agad na naupo sa kama. Pinagmasdan ko ang ilang segundo niyang pag pikit bago siya tuluyang bumangon.
"Hello" He said in deeper voice.
Napalunok ako dahil don at napaiwas nalang ng tingin. Why it so look hot huh?
And when I look at him again kitang kita ko sa mga mata nito ang pagiging mapanuri sa mga naging kilos ko. I rose my brows on him and he just smirk at me.
"She's here with me" Mula sa mapapanuri nitong mga mata ay higlang napalitan iyon ng gulat at sakit. "Yes... Ako ng bahala"
Nagtataka ko siyang tinignan habang si Chad naman ay wala kahit anong emosyong nakatingin saakin hanggang sa ibaba niya ang tawag.
"Sinong tumawag?" Tanong ko pero nanatili parin siyang ganon na para bang tinatanya niya ang mga magiging reaction ko "Come on Chad!" Bahagya ko pa siyang hinampas ng hindi parin siya sumasagot.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kava dahil sa mga tingin niyang iyon.
Galit ba siya saakin? May nagawa ba akong mali? Anong nangyare?
"We will go back" Tanging sagot niya saakin bago ito tuluyang tumayo at nagtungo sa bathroom.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa isara niya ng tuluyan ang pintuan.
Bakit? We're okay naman diba?
Napasabunot ako sa sarili buhok dahil sa dami ng tanong na nag lalaro sa isipan ko nung nga oras ba iyon.
Muli ko namang naalala si Muriel. Kamusta na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako? Oras na ba para sabihin kay Chad?
Napahilamos nalang ako sa sarili palad dahil sa frustration na nararamdaman. Hindi ko na alam. Para akong mapapapraning!
Hindi nagtagal ng lumabas si Chad sa bathroom at nakapagpalit narin ito. He's wearing his black t-shirt and denim jeans. Basa rin ang buhok nito galing sa pag ligo.
"I'll wait outside" Sasagot na sana ako ng bigla siyang lumabas patungo sa veranda.
Ilang beses na muna ako nag buntong hininga bago ako tuluyang tumayo para magtungo sa cr. Sa gilid ng lavatory napansin ko doon ang isang paper bag at nung tignan ko iyon ay napailing nalang ako ng makita kong button down shirt iyon na mukhang kay Chad pa ata at highweist denim jeans.
BINABASA MO ANG
Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)
General Fiction[COMPLETED] (ES#2) Yvough Maya is a living person, like the sea waves. She is full of hope because she believes that there will come a time when everything will be alright. All she wants is to have a good vibe wherever she is, especially when she's...