Tinalikuran ko na sila at nag tungo nalang ako sa closet kung nasaan yung mga gamit ko. Wala din namang nag salita sakanilang dalawa kaya napangisi ako.
Mga ilang na ilang??
After I packed all of my things ay sakto namang pumasok si Jariah na naging dahilan kung bakit umingay nanaman sa kwarto ko.
Nandito nanaman kasi ang bida bida.
"Hoy saan mo ba ako dadalhing gaga ka?" Reklamo ko sakanya nung hilahin niya ako palabas.
"Ang ingay!" Sagot niya saakin ng hindi ako nililingon.
Hinayaan ko naman siyang dalhin ako sa kung saan niya ako dadalhin dahil wala ako sa mood makipag bangayan sakanya today.
"O ano?" Naupo ako sa waiting chair at nag cross arms sa harapan niya. Inirapan niya naman ako bago maupo sa tabi ko. "Ako yung pasyente tapos ako yung nag adjust? Aba!"
"Hayaan mo silang mag usap dun! Napaka-ano mo" Nginiwian ko lang siya at nag iwas ng tingin.
Tss closure ganon? Arte.
"Ediwow" Nasabi ko nalang dahil wala akong ma-say. Hindi ko din naman inaasahang mangyayare pa ang araw na ito dahil ang huli naming pag haharap ay 3 years ago na ata.
Hindi ko din alam kay Raine kung bakit siya itong nag pupumilit na makausap ako eh in the first place ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nasira ang friendship namen.
Lakas din ng amats nung isang yun.
Mahigit kalahating oras din ata ang lumipas nung makita ko si Chad na lumabas at nag lakad patungo sa gawi ko habang dala dala yung bag ko.
Si Jariah naman ay kanina pa ako iniwan kesyo may pasyente pa daw siya.
Gagang yun, pagkatapos akong dalhin dito tapos iiwan din ako?
Wala talagang permanent sa earth!!
"Si bebe Raine?" Eme ko pa pero inirapan niya lang ako kaya natawa ako kasabay ng pag-iwas ko ng tingin nung napansin kong nakatingin lang saakin si Chad "Hindi ka na mabiro ngayon?"
"Tss"
"Ewan ko sayo" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha ko na sakanya yung bag ko dahil baka me masabi pa siyang hindi kaaya aya.
"Let's go" Seryoso niya pang pag-kakasabi kaya tinaasan ko siya ng kilay "What?"
Hindi ako sumagot sakanya at tinalikuran ko nalang siya. Pabalik sana ako sa kwarto ko para tignan kung may naiwan ba siya pero hinila niya lang ang braso ko pabalik.
"Ihahatid na nga kita sa condo mo"
"I'll check lang kung may naiwan ka" Binawi ko ang braso ko at hinayaan niya naman ako. Naramdaman ko ang pag-sunod niya kaya hinayaan ko nalang.
Pag-pasok ko sa loob ay parang walang gumamit nun dahil maayos ang lahat at wala na ding ibang gamit. Nag tataka ko namang nilingon si Chad nung maalala ko si Raine.
"Nasaan si Raine?"
"Umalis na" Dahan dahan akong tumango kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. Hindi naman na ako nag tanong kung paano siyang umalis dahil I'm not interested, you know.
BINABASA MO ANG
Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)
Ficción General[COMPLETED] (ES#2) Yvough Maya is a living person, like the sea waves. She is full of hope because she believes that there will come a time when everything will be alright. All she wants is to have a good vibe wherever she is, especially when she's...